Chapter 02 -Labanan

35 1 0
                                    

SPENTER'S POV

Ginising ako ng tumutunog na alarm ng aming sasakyan ibig sabihin nito na inaatake na kami kaya lumabas ako sa aking tulugan at nakita kong nagtatakbuhan na ang aking mga kasama.

"Spenter inaatake tayo pumunta kana sa istasyon pandigmaan" - sigaw ni Senia habang tumatakbo papunta sa istasyon

tumakbo narin ako dahil alam kong kailangan lahat ng armas ng aming sasakyan ng tauhan

ang aking istasyon ay ang Multi-blaster particle cannon ito ay isang mabigat na armas pero nakakabit ito sa aming sasakyan ang control nito ay parang isang maliit na box lamang na mayroong isang silya at naparaming umiilaw na pimdutan at syempre ang aking monitor kung saan nakikita ko ang aking kalaban

pagkaupo ko agad kong nakita ang mga hindi kilalang eroplano na lumilipad sa kalawakan at nagpapaulan samin ng kulay pula na particle beams agad kong tinarget ang pinakamalapit sa aking skope at pinaputukan ng aming sariling particle beam ang aming particle beam ay kulay blue kaya mabilis malaman kung kanino nangaling ang bala tinamaan ang aming sasakyan mabuti nalang at meron kaming shield ang pulang particle beam ay naglaho kasunod ng pagliwanag ng kulay blue hudyat na sinalag ng aming shield ang bala

agad na sumabog ang tinamaan ko na kalaban at tinarget ang pinakamalapit ulit na lumilipad na kalaban paulit ulit lang ito ng marinig ko ang malakas na pagsabog kasunod ang pagyanig ng aking maliit na kwarto kasunod din nito ang pagkamay ng aking monitor at lahat ng umiilaw na mga pindutan

sa isang iglap naglaho ang lahat isa lang ang ibig sabihin lang nito nagwarp ang aming sasakyan

______________________________________________________________________________

bumalik ang lahat sa normal wala na ang lahat ng kalaban

tiningnan ko ang lahat ng monitors ko para malaman ko kung nasaan na ang aming sasakyan ayon sa monitors ko kami ay nasa Sigma 32-A ito ay malawak na disyerto ang aming nilapagan at mainit ang sikat ng malaking dalawang araw

tumunog ang aking radyo

"Sa lahat ng may kamay pumunta sa infirmary 4C ngayon na..." sabi ng nasa kabilang linya na sigurado kong si commander mike

"Yes sir" saad ko sa aking radyo

pagdating ko sa infirmary 4C andun na lahat ng kasama ko

ang infirmary 4C ay parang malaking Hall kaya dito ginagawa ang mga utos pagka maraming tao ang uutusan

"Sa lahat ng nandito ngayon tayo ay kasalukuyang nasa Sigma 32-A at dahil sa ang welcome sa atin ay bala maghanda ang lahat papaulanan din natin sila ng ating bala at pagkatapos maayos ng ating sasakyan uuwi na tayo ang ating misyon ngayon ay protektahan ang ating sasakyan habang ito ay inaayos pa ng ating mga mekaniko kaya pagkatapos ng pulong na ito maghanda na kayo armasan ang sarili niyo at lalaban tayo!!!!, hindi ko alam kung lahat tayo ay makakauwi sa ating bayan kaya naway basbasan tayo ng Diyos na mapagtagumpayan natin ito salamat sa inyong pakikinig protektahan natin ang ating sasakyan anuman ang mangyari. malinaw ba ang lahat?" Commander Mike

"Sir Yes Sir" lahat kami ay nagsalita ng sabay sabay

BATTLESHIP(Exploration)(TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon