Born for you (One shot story)

84 7 14
                                    

'Sa milyong tao sa mundo. Sa daang taong nakakasalubong mo. Sino ba namang makakapagsabi na ikaw at ako ang tinadha ng mundo?'

Ako si Talenn Marie Cortez Ang Selfie Queen. Ang selfie princess. Ang hindi mabubuhay hangga't hindi nakakapag selfie sa isang araw. Kasalukoyan akong nasa ordinary bus at naiininis na ako dahil huminto yung bus para magpuno ng pasahero. -_- Para matanggal ang pagkabagot ko ay nilabas ko ang cellphone at nag selfie. Wala akong paki sa katabi ko , wala akong paki sa mga tao sa paligid ko.

*Pose* *click* Caption: Woke up like this :) Hashtag Goodmorning (#Goodmorning) Uploading to Facetagram...

Nag selfie ako ng nag selfie. Umabot ako ng sampung shots bago ko tiningnan ang bawat litratong nakunan ko.

"Ayyy! Isa pa! Last!" sabi ko. Nilabas ko sa bintana ang cellphone ko para kumuha ng panibagong anggulo. Nang...

O____O

HALAAAA? HALAAA! NALAGLAG YUNG PHONE KO!!! Dali dali akong tumayo at sumigaw sa driver ng bus.

"KUYAAAAAA! SANDALI LANG!" Agad akong tumakbo pababa.

Hindi na nila ako pinansin dahil nag huhuntahan sila ng konduktor at nong nagtitinda ng tubig.

MAWALA NA SAKIN LAHAT NG BAGAY WAG LANG ANG PHONE KO! T_T Umikot ako sa kaliwang bahagi ng bus at sa WAKAS! Nakuha ko ang phone ko. Tingnan ko agad kung may basag pero thank God gasgas lang ang inabot niya. Babalik na sana ako sa loob ng bus nang...

"KUYAAA! KUYAAA SANDALI LANG!" Dali dali kong hinabol ang bus na kumakaripas ng takbo. Nang hindi ko na kayang tumakbo ay huminto ako at sumigaw na akala mo naman ay maririnig pa ako ng driver ng bus "KUYAAA NAIWAN NIYO KO!!!!!" YUNG BAG KO NANDUN! PATI WALLET KO! PAANO AKO MAKAKAUWI NETO? T__T WALA NA AKONG PERA! Napaupo ako sa gitna ng kalsada at tinakpan ko ang mata ko. Naiiyak na ako ng...

*BEEEEEEEEP**BEEEEEP*

"Miss mag papakamatay ka ba?!" Tiningan ko yung sumigaw sa akin. Naka sakay siya sa kotse niyang Mitsubishi Lancer Evo 11 na kulay pula.

M A Y A M A N! Pakapalan na ng mukha! Tumayo ako at lumapit sa lalaking nasa loob ng kotse. Nagulat ako ng tanggalin niya ang itim na shades sa mata niya. Maputi. Singkit. Malinis tingnan. Mapula ang labi. Matangos ang ilong. In short Gwapo! Laking mayaman! "KUYAAA! PWEDENG PASAKAY. PAKI HATID NA DIN PO AKO SA SAN ISIDRO VILLAGE. WALA NA PO KASE AKONG PERA! NAIWAN AKO NG BUS NA SINASAKAY KO. SIGE NA PO KUYAA! PLEEEAASSSEEE TATANAWIN KO PO NA MALAKING UTANG NA LOOB ITO" Pag mamakaawa ko. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa O__O

Wag naman sana!

Ngumisi siya. "Pahingi ng number mo kapalit ng pagsakay mo sa kotse ko"

"H-haa?!" Sabi ko.

"Pahingi kako ng number mo bilang pambayad sa pag hahatid ko sayo." Nawawalan ng pansensyang sabi niya.

Mukha naman siyang magkakatiwalaan. Hindi naman siguro ito manyak o adik kaya binigay ko na sa kanya. "09*********" Pagkatapos ko ibigay ay bumaba siya at Umikot sa kabila para buksan ang pinto.

"Para masabi mo namang gentleman ako."-Ngumiti siya. Yung ngiting hindi ko pa nakita sa ibang lalaki. Yung ngiting labas ngipin at pwede ng pang tootpaste commercial. Yung ngiting sinasabi nila na pang "Slow mo". *DUG**DUG**DUG* Pumunta ako sa harapan ng kotse para tingnan ang plate number. Mabuti na yung safe! Pagkatapos nun ay sumakay na ako. Sinara niya naman ang pinto at umikot siya sa driver seat. "Gusto mo buksan ko ang bintana para hindi ka mag alala na baka dalhin kita kung saan?" Bahagya pa siyang tumawa. Umiling ako "A-ah hindi na" ngumiti ako. "What's your name?" Tanong niya sakin. "Talenn ikaw?" Sabi ko. "I'm Joshua" pormal na sabi niya. Tahimik kami sa byahe. Naka tingin lang ako sa labas ng bintana habang siya ay nag da-drive. Maya-maya ay binuksan niya ang player...

Born For You (One Shot Story)Where stories live. Discover now