It started with a game and ends with a game..

200 5 1
                                        

Based on true story.

Waaaah. Last chapter before the Epilogue. Natapos ko narin siya finally. Refresh before reading.

——————

Lorraine's POV

Nasa kwarto ako ngayon. Text ng text sila Elai at Alys kasi gusto nila akong pumunta sa game kaso ayoko. Una sa lahat, ayoko dahil masakit yung pilay ko.

Pangalawa, ayoko dahil ayokong makita si Chaz dahil miss ko na siya! Oo. Miss ko na siya kaya pag nakita ko siya baka hindi ko mapigilan yung sarili ko at masapak ko siya. Bakit? Ganun ako pag may namimiss ako eh!

"Raine! May nagdo-doorbell!" sigaw ni Mama na nasa CR. Bumaba agad ako para buksan yung pintuan.

"Dito po ba si Ms. Claudette Lorraine Lee?" tanong agad nung lalaki pagka labas ko ng gate.

"Opo. Bakit po?"

"May sulat po kayo. Papirma nalang po." sabi bigla ni kuya.

Ha? Sulat? Anong sulat? Bakit naman may magpapadala sakin ng sulat? Bakit hindi nalang nag email? Jusko.

Pagkatapos kong pumirma, binigay ni kuya yung envelope tapos umalis na siya. Pumasok na ako sa loob at umupo sa sala. Binuksan ko yung tv at nanood habang kumakain ng Piattos.

Napansin ko sa orasan na 12:56 na. Malapit ng magstart yung game. 1 daw simula eh.

"Tsk! Bakit ko ba iniisip yun?" sabi ko sa sarili ko tapos napatingin ako dun sa sulat.

"Ano kaya to?" tanong ko sa sarili ko tapos inabot ko yung envelope at binuksan.

Pagbukas ko, may isang envelope pa ulit. Ano to? Lokohan? Binuksan ko nalang yung envelope.

Doon, may nakita akong card. Kinuha ko agad at binasa ko.

Dear Ms. Lee,

Alam ko na ngayon kung bakit mahal na mahal ka ni Chaz. Kasi handa kang mag give up ng sarili mong kaligayahan para sa ibang tao.

Nagkamali ako nung pinalayo kita sakanya. In the end, not only that Chaz lost his precious love one but even i lost my star player.

Claudette Lee, sana mapatawad mo kami at panuorin kami sa Championship game. Kahit hindi man maglaro sila Chaz at Cedric ngayon, sana pumunta ka.

Sincerely yours,

Coach and the team;

Jason Ameda

Tristan Osorio

Vince Miranda

John Reyes

Louis Guttierez

Aaron Gonzales

Pagkatapos kong basahin yung sulat, hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko hanggang sa unti unting nag sink in lahat sa utak ko.

Kailangan kong mapapunta si Chaz sa game! Tumayo ako at nagbihis tapos kinuha ko yung bag ko at pumunta sa garahe.

"Manong! Manooong!" sigaw ko. Nagpapanic na ko. Anong oras na? Baka nagstart na yung game!

"Bakit iha?" relax na sabi ni Manong habang nagkakape.

"Sakay kuya! Bilis! Buhay ang nakasalalay dito!" sigaw ko sakanya kaya nagmadali siyang sumakay sa sasakyan.

Chaz' POV

Magisa nanaman ako sa condo ko ngayon, nagkakape, nanunuod ng Mr. Bean's Holiday sa tv. Ewan ko ba bakit kahit comedy yung pinapanuod ko, malungkot pa din ako.

Will you take the DARE?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora