Chapter Fifteen

964 34 6
                                    

Naddie's POV

Hindi ako mapakali ngayon sa upuan ko. Kanina ko pa kasi hinihintay si Yassi dumating. Ayun hindi nanaman nakapasok sa first class. Buti na lang nag groupings lang kaya hindi nag attendance.

Kung pwede lang lumipad na siya papunta dito eh. Kasi naman nung weekends bigla kong naisip na pano kung may iba ng babaeng kinakausap si James? Ewan ko ba kung bakit ko naisip yun. Nararamdaman ko kasi na meron eh.

Kaya nakiusap ako kay Yassi na tangungin si Andre about dun. Tutal naman love naman siya ni Andre at super close si Andre at James. Eto naman si Yassi, ayaw daw niyang sabihin sa chat gusto niya sa personal. Kaya eto hindi ako mapakali.

"Okay class, kung tapos na kayo mag usap ng grupo niyo, pwede na kayo umalis." Sabi ng prof namin.

Kaya agad kong tinext si Yassi kung nasan siya, ang sabi naman niya naglalakad na siya papunta sa building. Sinabi ko naman sakanya na hihintayin ko siya sa may elevator. Kaya lumabas na ako at nag hintay sa may elevator.

Maya maya dumating na si Yassi.

"Anong sabi ni Andre? Meron ba daw?" Agad kong tanong sakanya.

"Ay ganun wala man lang hi?" She said.

"Yassi naman, ano nga sabi ni Andre?" Bumuntong hininga naman siya.

"Ano Nadz.." Sabi niya na parang ayaw niyang ituloy.

"So meron nga?" Diretso kong tanong. She just nodded.

I knew it.

"Gago talaga" I said habang pinipigilan tumulo ang mga luha ko.

"Uy satin satin lang yun ah, bilin kasi ni James kay Andre na wag ipagsabi sa iba kasi ayaw na daw maulit ni James yung nangyari sainyo" Yassi said.

"Ano pa yung sinabi ni Andre sayo?" Kilala ko kasi si Yassi. Alam kong hindi lang 'oo' ang gusto niyang marinig galing kay Andre. Gusto rin niya marinig buong kwento.

"Yun nga fling daw sila, tas ano dinala niya sa condo yung babae, tas ayun nag kiss daw sila.." Nagulat ako sa sinabi ni Yassi.

"Anong klaseng kiss?" Tanong ko.

"Seryoso friend gusto mong sagutin ko yan?"

"Oo! Toh naman parang highschool. Ano nga?"

"Laplapan daw friend eh.." Ito talaga walang preno ang bibig. Ini-english na lang sana. Pinipigilan ko lang ang sarili ko sumigaw. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Alam kong wala akong karapatan.

"Pero wala naman daw nangyari kasi habang nag ki-kiss sila biglang umiyak si ate girl" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Yassi. Ang sama ko ba kasi medyo natawa ako sa sinabi niya?

"Umiyak bakit naman?"

"Hindi rin namin alam ni Andre eh." Bat kaya umiyak yun? Baka nealize niya na ang tanga niya para sumama kay James.

"Siguro kung ikaw yun, tatawa ka hindi ka iiyak" Asar niya sakin. Inirapan ko na lang siya.

"Nalaman mo ba pangalan?" I asked.

"Oo! Bianca Misa ang name. First year din and marketing ang course" Agad kong binuksan ang phone ko at hinanap yung name.

At lalong napakunot ang noo ko sa nakita ko.

"Ay! Mas maganda ka naman friend !" Yassi said.

"Di naman." Kahit alam kong mas maganda talaga ako. O kaya insecure lang ako? Tinignan pa namin yung pictures.

Muka siyang inosente. Para nga siyang high school lang eh. Pero napansin ko na may hawig siya sa ex ni James. Pero syempre noh di ko siya kamuka.

"Paki sabi nga sakanya, kung papalitan ako dun naman sa maganda okay?! Mas nakakainis eh!" Medyo napalakas ang pag kasabi ko nun dahil sa inis. Pero kasabay nun, may narinig akong mga pamliyar na boses na lumabas ng elevator.

"Oh bat hindi ikaw na lang ang mag sabi?"Yassi said. So sila nga. Hindi parin ako lumilingon. Nakatalikod kasi ako sa may elevator.

"Sa tingin mo narinig nila?" Agad kong tanong kay Yassi nung hindi ko na narinig ang mga boses nila.

"Ewan ko. Ikaw kasi ingay mo. Wag mo na ngang isipin yan, tara na dadatin na yung prof natin" She said. Bumalik na lang kami sa classroom at hinintay yung prof namin.


Naiinis ako sakanya, kay Bianca at sa sarili ko. Hindi ko dapat toh maramdaman eh. Wala akong karapatan. Pero sana man lang kasi after niya akong saktan sana maisip niya na dapat hindi siya gumagamit ng ibang tao para maka move on. Masaya na ako na ayaw na niya akong makausap pero yung malaman na may iba nanaman siyang nilalandi? Sakit. Pucha ang selfish kong pakinggan.


Nung vacant na naka abang na agad si Myrtle sa labas. Kaya ayun kwinento agad ni Yassi ang lahat ng sinabi sakanya ni Andre.

"Mas maganda ka naman eh! Tignan mo oh ilong palang ni ate girl, walang wala na sayo" Myrtle said. Tss nasasabi lang nila yan kasi kaibigan nila ako.

"Hindi ah, mas maganda siya" I said. Ewan ko ba bigla akong nagandahan sakanya.

"Bulag ka na ba?"

"Hindi" Seryoso kong sagot.

Hindi na lang nila ako pinansin at nag patuloy na laiitin si Bianca, habang papunta sa mall. Kasama namin ngayon sila Kath pati na rin ang iba naming mga kaibigan. Every month kasi kumakain kaming mag babarkada sa restaurant. Every month lang kasi broke as fuck kami. Magiging pulubi ka pag college student ka na.

Puno yung restaurant na kakainan namin kaya nag hihintay kami ngayon sa labas habang nakatayo.

"Oh Nadz, bakit ka sad?" Tanong ni Kath.

"Nag sisisi na raw kasi siya. Dapat daw hindi na lang siya nag post sa snapchat" Asar ni Myrtle.

Napailing na lang si Kath at si DJ na malapit lang samin. Syempre alam Daniel ang nagyari samin ni James kasi hindi naman sila nag tatago ni James ng sikreto.

"At least hindi ako iiyak pag hahalikan ako" Sabi ko.

"Ah di katulad ni ano, Bianca ba yun?" Yassi said. Napatingin naman samin si DJ na parang nag tataka kung bakit alam namin ang pangalan na yun.

"Yassi! Myrtle!" Sigaw ko sakanila. Ayun para kaming mga bata na nag habulan sa mall.

Love na love talaga nila ako... Love na love asarin.


REVISED

Secret Love Song Where stories live. Discover now