CHAPTER ONE

129 15 22
                                    


Chapter One

~••~IVIELYN CORTEZ~••~

‘He’s your damn ex-boyfriend.’

Iyan ang mga salitang gusto ko sanang sabihin sakanya pero minabuti ko na lang hindi isatinig ito dahil nangako rin ako kay tito James.

“ Hindi lingid sa’kin ang relasyon ng anak ko kay Lawrence iha at  alam ko rin ang tungkol sa paghihiwalay nila. Gusto sana kitang pakiusapan, kung pupuwede ay tulungan mo ang anak ko na makalimutan nang tuluyan ang taong iyon.”

Kung maaari, hangga’t hindi pa bumabalik nang tuluyan ang ala-ala niya ay walang sinoman ang pupuwedeng magbanggit ng kahit na ano tungkol sa lalaking iyon sa kadahilanang ayaw narin ni tito na mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman  ng anak niya.

Saksi ako sa pagmamahalan nina Faith at Lawrence. Kung ako ang tatanungin ay gustung-gusto ko talaga ang tandem nilang dalawa. Walang araw na hindi ko hinangaan ang relasyon nila nang sila pa. I thought, siya na ang Mr. Right para sa kaibigan ko. Akala ko natagpuan na ni Faith ang prince charming at knight in shining armour niya pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Nabasag ang pagpapantasya ko nang basta-basta na lang siyang nakipaghiwalay sa bestfriend ko sa hindi ko malamang dahilan at ang hindi ko pa matanggap ay parang bula na lang siyang nawala na parang hindi big deal ang naging desisyon niya.

Diba napakagago. Tsk.

Dapat kasi shinare ko na lang kay Faith iyong sinabi ni Inang C.C. na ‘If a person is sweet to you, don’t expect that person will be the same all the time. Remember, even the sweetest chocolates expires’ kasi gano’n pala ang Lawrence na iyon.

“Hindi ko siya kilala.” pagsisinungaling ko habang binubuhay ulit ang makina ng sasakyan.

Pinasadahan ko pa ng mabilis na tingin ang katabi ko bago pinagpatuloy ang pagmamaneho. Bakas sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

“Eh bakit parang gulat na gulat ka nang marinig mo ang pangalan niya? Naitabi mo pa ang sasakyan.”

“Wala akong magagawa kung ayaw mo’kong paniwalaan Faith. “ sabi ko nalang. Wala akong maisip na irason eh. Isa pa ay ayaw ko nang dagdagan pa ang kasinungalingan ko.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya.

“Saan mo ba kasi nakuha iyang pangalan na’yan?” labag sa loob kong tanong, umaasang mawawala ang pagtataka niya.

Ayaw ko na sanang tanungin pa ang tungkol doon dahil iniiwasan kong mapag-usapan namin siya kahit pa napuno na ng kuryosidad ang buong sistema ko. It’s not just because I made a promise to tito. Iniisip ko rin ang mararamdaman ni Exequiel na boyfriend ngayon ni Faith.

Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang relasyon na mayroon sina Faith at Lawrence noon. Iyon nga lang ay hindi siya suportado. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa balitang may iniibig na palang iba ang taong mahal mo? Diba wala. Kaya hindi ko siya masisisi kung madalang na lang siyang sumama sa’min matapos malaman na may nobyo na ang babaeng kinahuhumalingan niya.
Pero hindi naman nagtagal iyon dahil trinaydor rin siya nang sarili niyang nararamdaman. Isa pa ay kinausap ko rin siya nang time na’yon, pinapaintindi ang pagkakamali niya.

Matagal na pala niyang gusto, ba’t di niya niligawan? Kasi nga natotorpe. Natatakot na iiwasan siya kahit na hindi pa naman sinusubukan. Kaya sa huli, naunahan.

'Ano ba kasing nagagawa ng katorpehan?Tsk.'

Ngayon, nagtataka siguro kayo kung paano naging sila. Well nangyari ‘yon nang makauwi na ako dito sa Pilipinas, pitong buwan ang nakakalipas  mula nang malibing ang mom ni Faith. Nangangahulugan lang na wala na siyang ala-ala sa nauna niyang nobyo na inaasahan kong magpapakita pero umasa ako sa wala kaya sinabihan ko na si Exequiel na ligawan si Faith. Yeah, ako ang sumulsol sa kanya na gawin iyon. Sa madaling salita, malaki ang ambag ko kung bakit nagkaroon ng chance ang lalaki kong kaibigan na maging boyfriend ni Faith.

TILL I MET YOU AGAINWhere stories live. Discover now