Baliw Sa'yo: 10

9.4K 224 36
                                    

N/N:

Guys, ang chapter 9 ay naka-hiwalay, RESTRICTED po kasi yun and maapektuhan niya ang susunod na chapter.. Nasa EXTERNAL LINK ang chapter 9 :)) Si JM yung nasa right! :D

Dedicated kay: Onoma :)) Idol ko 'yan alam kong kayo rin HAHAHA :D

Baliw Sa'yo: 10

Aki's Point of View

Kinabukasan ay sinabi sa'kin ng head psych namin na ililipat niya daw ako sa graveyard, nagwala daw kasi si Juan Miguel nung madaling araw, since alam niya naman na ako lang ang makakapagpatino kay Juan Miguel.. Pumayag naman ako, aayon 'to sa plano ko at mas madali lalo ang paggaling ni Juan Miguel..

Pero still, pumasok pa rin ako ng normal na shift ko.. Bukas pa magsisimula ang palitan namin eh.. Pagpasok ko sa room ni Juan Miguel ay medyo maayos ito, nagtataka ako kasi halos hindi naman nag-aayos si Claire pag nasa duty siya.. Sadyang naninibago ako sa room niya..

Isa pa, nakatulala lang siya, unlike pag nakikita niya ko, ibang-iba siya ngayon.. Para na nga siyang hindi baliw eh.. Hindi kaya, nasa katinuan na siya?

"Juan Miguel?" Mahina ngunit alam kong sapat na para marinig niya.

Hindi siya sumagot, since hindi pa naman siya nga siya nagsalita. HAHAHA malamang Aki.. Nakausap ko si Mama kanina at niyaya niya na 'ko mag-abroad, dun na daw ako magtrabaho para magkakasama na kami and para na rin daw magkaroon na kami ng maraming maraming pera, hahaha joke lang.. Sinabi ko kay Mama na mahal ko ang trabaho ko dito, isa na rin ang pagmamahal ko kay Juan Miguel, bilang isang KAIBIGAN at wala ng iba.. Peste ano po..? Masyado niyang napaikot ang mundo ko.

Nakatulala pa rin si Juan Miguel, at wari'y may iniisip, hindi ko na lang siya inintindi, hindi pa naman oras ng pag-inom niya ng gamot eh. Kinuha ko na lang ang libro ko sa bag at nagbasa na lang..

**

Natapos ang isang araw ng pagtratrabaho ni Aki at ganun pa rin si Juan Miguel, nakatulala pero maayos naman ito pag papainumin ng gamot, hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit buong hapon ito hindi nagsasalita.

Naisip niya na rin ang magiging takbo ng pangyayari sa pagsisimula ng graveyard shift niya bukas, pagod siyang inuwi ni Jacob sa bahay.. Hindi kasama si Louisse, nakahalata daw kasi yung boyfriend nito na may naghahatid sa kanya.

"Jacob, anong oras tapos ng klase mo bukas?"

"Around 6 bakit?" Labas ngipin na ngiti ni Jacob ng sumagot.

"Sabay tayo, isama mo si Louisse.." Sabi ni Aki sabay lapit kay Jacob.

"Bakit naman pati si Louisse isasama ko?" Takang tanong ni Jacob na habang nakataas ang mga braso sa sofa.

"Basta kailangan ko siya.." Pag-gigiit na saad ni Aki.

"Ok." Ang nasagot na lang ni Jacob, nawiwirduhan man siya ay kailangan niyang sundin si Komander!

Hindi na umuwi si Jacob at natulog ulit sa salas nila Aki, kinabukasan ay umuwi na rin siya at naghanda na para pumasok sa University.

Louisse Point of View

Maaga akong pumasok sa University, nagdududa na kasi si Brent kay Jacob.. Ayaw ko naman siya na madamay at matulad siya kay JM..

"Uy, aga mo ah." Bungad sa'kin ni JM at ngumiti lang ako.

Umupo kami sa batibot, may hawak siyang softdrinks at isang pack ng skyflakes, inalok niya ako pero ayoko.. Yung mga mata niya parang may itatanong.. Tss, basang-basa ko na 'to si Jacob..

Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Where stories live. Discover now