Update 39 : Spark II

10.6K 173 7
                                    

39.

Salamat sa mga mambabasa ko na nagintay ng mahigit isang buwan para sa update ko. Babawi ako sa inyo.

*

"Kung tadyakan kaya kita diyan?!" Kanina pa nag-aalala si Allexa sa kanyang anak, pero ang asawa niya kung anu-ano na ang sinasabi para lang tumahan siya pag-iyak.

"Nag suggest lang naman ng kiss para tumahan ka eh."

"Bakit parang hindi ka nag-aalala kay Spark?! Tignan mong kanina pa ako dito nag-iiyak tapos ikaw diyan kanina pang chansing ng chansing sa akin!"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Trey. Hinawakan niya ang asawa sa magkabilang balikat at tinitigan ito sa mata ng diretso.

"She's brave, Spark ang pinangalan natin sa kanya because it symbolizes the light. Alam kong malalampasan niya ang lahat ng 'to."

"Pano kung may sakit siya?" tanong niya kay Trey.

"Then we need to accept it." diretsong sagot niya sa asawa.

"Trey, I'm afraid.." hindi na naituloy ni Allexa ang sasabihin.

"I'm here okay?" sabay yakap niya sa asawa.

Sa aktong iyon pumasok ang doctor na sumuri kay Spark.

"Mr. and Mrs. Vergara, wala na po kayong dapat ipag-alala, maayos po ang lagay ng anak nyo and base sa pagsusuri namin na hindi pa namin na kukumpirma dahil hindi pa gising ang anak nyo her I.Q is not normal, isa siyang genius."

"Sabi na nga ba nagmana sa akin eh!" bigla namang binatukan ni Allexa si Trey.

"Sorry po doc, pero genius?"

"Yes, Mrs. Vergara."

Ang sarap namang tawaging Mrs. Vergara. Naalala na naman niya ang kasal nila.

"Pero doc, bakit siya nahimatay?" tanong ni Trey.

"Pagod at siguro init narin sa bansa natin, mas mabuti sigurong pakainin nyo siya ng masustansiyang pagkain and vitamins. Good Luck Mr. and Mrs. Vergara maiwan ko na kayo."

My daddy is hot and handsomeWhere stories live. Discover now