Chapter 7: "HO-BI"

2.8K 140 8
                                    


~Sin Bi's POV~



Nagbabasa lang ako sa salas nang may kumatok sa pinto, agad kong pinagbuksan yung kumakatok, at sa pagbukas ko ay medyo ikinagulat ko nang makita ko si J-Hope.


Ako: oh? J-Hope? Anong ginagawa mo dito?

J-Hope: hehe.. makikitambay sana ako eh?

Ako: at bakit? (sabay taas ng isang kilay)

J-Hope: wala lang, namimiss na kita eh.

Ako: (namimiss daw niya ko?? ano yun? kikiligin na ba ko!? waah!! pero hindi! Wag kang paobvious Sin Bi!) ganun?... hindi pwede!


Isasara ko na sana yung pinto nang pigilan niya.


J-Hope: teka lang!... uhm... may dala akong paborito mo! (pangiti sabay ipinakita niya sa 'kin yung plastik na dala niya)

Ako: (at dahil paborito ko nga yung dala niya ay hindi na din ako nakatiis) sige na nga! pasok!


Nasa sala lang kaming dalwa, nanunuod ng TV habang kinakain namin yung dala niya. Medyo nabobored ako sa pinapanood namin kaya naman binitawan ko yung hawak ko para ilipat yung channel.


J-Hope: oh? Bakit mo nilipat!?

Ako: ang boring kaya nung pinapanood mo!

J-Hope: anong boring? Hindi kaya! Ang ganda nga eh.

Ako: eh sa nabobored ako eh.

J-Hope: ibalik mo!

Ako: ayoko nga!

J-Hope: ah hindi mo ililipat?


Binitawan din ni J-Hope yung hawak niya at tinangka niyang agawin sa 'kin yung remote, pero nagmatigas ako at pilit ko yung inilalayo sa kanya.


J-Hope: akin na yan!

Ako: ayoko!

J-Hope: akin na sabi eh!

Ako: ayoko nga!


Yung pag-aagawan namin sa remote ay nauwi sa hamagan hanggang sa pareho kaming malaglag sa kinauupuan namin. Nagulat nalang ako nang sa pagmulat ko ay nasa ibabaw na niya ko habang sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Medyo nagkatitigan pa kami ng ilang minuto pero hindi din nagtagal at agad na din akong bumangon, pero kasabay nun ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko at pag-init ng mga pisngi ko. Agad naman akong napahawak sa pisngi ko (ano bang nangyayari sa 'kin?? ang bilis ng tibok ng puso ko!) Tila naging awkward yung moment para sa 'ming dalwa ni J-Hope kaya naman naisipan na niyang umuwi.



~J-Hope's POV~



(This is it pansit! Nakapagdisisyon na ko! at matagal-tagal ko din 'tong pinag-isipan. Susubukan kong magtapat sa kanya. Sana lang sumang-ayon sa 'kin ang pagkakataon, at maganda ang kalabasan ng gagawin kong pag-amin. Nung una akala ko hindi ako mafofall kay Sin Bi, pero nagkamali ako. 8 years na kaming magkaibigan, at 2 years na ang nakakalipas mula nung maramdaman kong unti-unti na kong nagkakagusto sa kanya, at sa 2 years na yun ay minabuti kong itago sa kanya yung totoo kong nararamdaman, dahil nangako kaming dalawa na hinding-hindi kami magkakagusto sa isa't-isa. Ang hirap din palang magpanggap na kaibigan pa rin ang tingin mo sa kanya, kahit alam mo sa sarili mong mahal mo na siya na higit pa sa isang kaibigan. Ilang beses ko na ding inattempt na magparamdam sa kanya sa mga usapan namin, pero sa tuwing gagawin ko yun ay lagi niyang inaakalang nagbibiro lang ako, kaya hinahayaan ko nalang. Pero ngayon, susubukan kong maging seryoso, sana lang talaga! SANA!... Haiyst.. Medyo kinakabahan ako!)

Trouble's Couple [BTS x GFriend FF COMPLETED]Where stories live. Discover now