Ang maling akala

3K 103 1
                                    

*Ang maling akala *

🎵whistle🎵 mode.

Nakaharap ako ngayon sa kasing tangkad naming salamin dito sa sala habang nag pipito. Aalis kase ako ngayon. Syempre alam nyo na. Pumuporma na ang pards nyo. Manliligaw na kase ako kung hindi nyo lang alam mga tol.

Kahapon kase nagtxt sa akin si abby na isasama nya daw ako pupuntahan nyang club. May ipapakita daw sya sa akin. Syempre ako naman umo-oo nalang din ako chance na yan eh si crush ang nagyaya kaya go na!. Kaya nga todo ayos ko sa porma ko. Mahirap na baka ma turn-off sa atin ang nililigawan natin.

"Wow! Ang gwapo natin ngayon hu?"hindi ko na pala namalayan nasa likod ko na pala si mama at may kasama pa syang amega nya.

"Syempre Lena ganyan na talaga ang ginagawa nang mga kabataan ngayon pag may pinopormahan. Diba?"natumpak nang kasama ni mama ang ginagawa ko ngayon.

"Ganun ba? Anak sino naman yang pinupormahan mo. Si ab--"hindi ko alam kung paano ako nakalapit nang ganun nalang kay mama sa harap nya. Tinakpan ko ang bibig nya para hindi nya masabi ang susunod nyang sasabihin pa.

"Ma ano ba wag dito nakakahiya may kasama pa naman tayo.!"mahina at madiin kong sabi kay mama. Hindi ba nya alam Ninang ni abby ang kasama nya. Baka malaman at ipagsabi pa sa mga magulang ni abby lagot na ako kay abby nito.

Hinila ako ni mama palayo sa kasama nya."sensya na anak. Pero si abby nga ba ang pinupormahan mo. Huh?"ang pag kaklaro nya.

Napa chuckle nalang ako at bumalik sa salamin. Inayos ko nalang ang suot ko at pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at umalis agad.

Palabas na ako sa bahay namin nang may kotsing pumara and i know it was him.

"Saan ka pupunta?"ang agad nyang tanong sa akin pagka-baba palang nya nang kotse. Naka kunot ang nuong nakatingin sa akin.

"Magkikita kame ngayon ni abby. Bakit may kailangan ka ba? Puntahan mo nalang si mama nasa loob sya. Aalis narin kasi ako."pagkatapos kubg sabihin ay akmang tatalikod na ako para pumara nang taxi nang biglang hinawakan nya ako sa braso ko.Napalingon naman ako sa kanya nang may pagtataka.

"May sasabihin ka pa?"ang walang ganang kong tanong sa kanya.

Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na bitawan na nya ang braso ko kung wala manlang syang sasabihin sa akin. Pinag-aaksayahan nya lang ang oras ko. But hindi ko nagawang sabihin yun dahil sa mga titig nya sa aking tela may gustong sabihin na para bang may tinatago syang ayaw nyang sabihin sa akin. Parang ganun ang nakikita ko sa mga titig nya.

Shit. Clyde wag mong sabihing may gusto ka kay Abby!?

"Wala. Nagtataka lang kasi ako. Purmado kasi tayo ngayon."ang mahinang tawa nya pa.

"Niyaya nya kasi akong manuod. So aalis na ako. Nasa loob naman si mama sya nalang kausapin mo." At yun na nga. Bumitaw na sya sa pagkahawak sa kin. Naglakad na ako palayo sa kanya.

Kahit na naglalakad ako patalikod sa kanya nararamdaman kong nakatingin parin sya sa akin. And that is right. Lumingon ako to make sure kung tama ang hinala ko. Nakatingin sya sa akin. Poker face.

.........

"Sorry kung napaghintay kita. Ang tagal ko ba?"agad nyang tanong sa akin pagkapasok pa lang nya sa isang resaturant dito sa city. Dito ko kasi sya ime-meet ngayon.

"No. kadadating ko lang din."ang agad ko namang sabi din sa kanya.

"Okey. Anyway here." May inabot sya sa aking dalawang ticket. Isang concert nang isang sikat na banda  dito sa bansa.

The Stranger's Love Affair  (BXB) COMPLETEDWhere stories live. Discover now