Chapter 1

1 0 0
                                    

"Naguguluhan ako, lahat ng sakit bumabalik. Lahat ng alaala nanunumbalik. Ayokong piliin kita pero siya ang naiisip ko. Ayokong kalahati ang ibibigay kong pagmamahal sa'yo. You deserve better. And it's not me Jane. I know kaya mo'to, you're a strong person. And now im letting you go, be happy. I'm choosing her."

Yan ang mga salitang labis na nagpaguho sa mundo ko habang kausap ko siya sa phone. Ang sikip sa dibdib, ang sakit isipin na hindi na kayo tulad ng dati. At hindi na magging tulad ng dati. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Bumalik ang ex niya na 4 yrs niyang nakasama. Eh ako? Wala pa kaming one year.

Napakabilis ng pangyayari. Napakabilis na hindi kona alam kung san pako pupulutin. Sobrang basag na ko. Iyak ako ng iyak, hindi nako maka hinga sa sobrang iyak ko. Ang sakit sakit. Naalala ko lahat kung san kami nagsimula. Naalala ko kung paano kami nagkakilala....

Flashback..

First time ko siyang nakita sa church namin.  Pumunta sila habang may practice kami, Galing silang school kasama ang mga kaybigan niya, kaya't naka uniform pa sila. Nagtataka ako kung bakit naiiba siya sa laht ng mga kasama niya. Siya lang kakaiba dahil siya lang ang naka uniform na abot hanggang siko. 3/4s ba tawag dun? Ayun. Sa una naming pagkikita napansin ko na siya. Pero syempre di naman ako nagpahalata.

One of my church mate invited him and his friends to attend to our church. To make it clear we are christian, and our relationship is born again. So yun na nga, napapansin ko na siya nun even though ako yata di niya napapansin.

As the time goes by, lagi na siyang nandyan sa tuwing may practice kami sa church. Kaya i get to see him every now and then. But then one time, he added me sa facebook. And it's so weird para sakin kase parang i'm happy? Haha ewan. So yun friends nakami sa facebook. Eh dahil dakilang pakiyalamera ako, i visited his timeline. At medyo na curious ako sa life niya particularly his love life. Ewan ba't naisip ko yun pero nacurious lang talaga ako.

Scroll scroll scroll...

Tinitignan ko lang timeline niya. And syempre nakita ko mga jejedays nya noon. Pero wala akong makita na tungkol sa love life niya. So i concluded na wala siyang girlfriend or what na nililigawan. Kaya medyo nasiyahan ako doon.

Clinose ko na yung sa timeline niya then nag log out na din.

As the days pass by, yun aral lang ako. At nalaman ko din na we are in the same school. And ang course niya pala is Electrical Engineering. How i wish makita ko siya wew. Ba't ba ganto ako? Its not the usual me.

Kanina iniisip ko lang yun pero ngayon. Nglalakad ako sa school palabas, when i saw him kasama yung ka church mate kong si Drew. Kumakain sila ng street foods sa tapat ng school. And he said "Hi jane".

I felt happy. Oh my God.

One day i am browsing my facebook account then suddenly my nag pop sa chat box ko. Tinignan ko at siya pala ang nag chat sakin.

*chat convo*
Him: Hi jane.

Syempre nabigla ako. And i replied...

Me: Hello Andrew!!

Hinintay ko siya mag reply back kaso ang tagal so hindi kona mahintay at nag log-out nako. I wonder why he chatted me.

Days passed by at ganun parin ang life ko. Hahaha normal life kumbaga.

Saturday night practice namin nun. Andun si Andrew at nakisama sa practice namin. Hindi ko alam pero parang masaya ako pag nakikita ko siyang nandyan.

Habang nagpapractice, biglang nagkabiruan ang mga kasama namin.

John: musta diet carl?

Carl: hala eto napurnada nanaman. Wala eh sarap lang kumain.

John: oo nga pare, kunwari pakong nag gi-gym pero kain parin ako ng kain. Hahahaha!

At bgla akong humirit....

Ako: pumayat na ko dba guys? Wag niyo ng itanggi. Isang beses lang ako sa isang araw kumain. Haha

And then andrew said...

Drew: hay naku jane wala kanang pag-asa. Hahahahahaha

Ngunit nagkaroon ng katahimikan. Walang ni isang tumawa at nagsalita. Medyo na awkward ako, pero hindi naman ako nagalit. Sanay na ako sa ganung biro.

Kaya''t maya-maya nagsalita na yung music coordinator naming si Kuya Mon.

Kuya Mon: ok sge tapos na practice natin. Sa saturday na ulit para makapagready tayo for sunday service. Anyway, goodnight sa lahat at ingat sa pag uwi.

Isa-isa nakaming nagsipag ligpit ng mga gamit namin. At umuwi na rin pagkatapos.

*******
Pagdating ko ng bahay nagbihis na ako at binuksan ko ang facebook account ko. Nakita kong may 1 msg ako. I click my messages and i saw it was Andrew.

Him: Hi jane! Galit ka ba dahil sa kanina? Sorry kung na offend kita. 😔

Nakakabigla pero some how ang saya ko kase nagchat siya.

Me: Ok lang yun.

Him: galit ka yata eh. Sorry na. 😔

Me: ok lang nga yon.

Him: kung dika galit bat gnyan ka magreply.

Me: wala ganto lang talaga ako.

Him: talaga? Parang galit ka kase walang emotion yung chat mo.

Me: no. Di ako galit. Talagang ganto lang ako.

And then i logged out my account and go to bed and sleep.

Goodnight world. 💤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU AND ME, WE COULD HAPPEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon