Chapter 11 ✔

67.6K 2.1K 54
                                    

Stella's POV

*sigh*

This is it.

This is the day.

"Stella! Nakabihis ka na ba? Yung pang-bahay lang at baka madumihan kapag naglagay na ako ng make-up sayo!" Sigaw ni Thea.

"Sige!" Sabi ko. Maya-maya'y darating na rin sina Lisha dito.

Sabay-sabay kasi kaming pupunta.

"Nakabihis na ko!" Sigaw ko.

Pumasok si Thea sa kwarto ko.

Sya kasi yung maglalagay ng make up sakin pati mag-aayos ng buhok ko.

Umupo kami sa tapat ng dresser ko na may salamin.

Nakalabas na yung make up na gagamitin nya kanina pa, pati na rin hair spray, suklay at kung anu-ano pa na kakailanganin nya para sa buhok ko.

Sinimulan nya na akong ayusan.

Maya-maya nama'y nagsalita sya.

"Stella." Pagkuha ni Thea sa atensyon ko.

"Hmm?" I hummed as an answer.

"Anong pangalan ng mga magulang mo?" Tanong niya sa akin.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Ahh wala lang. Bawal maging curious? Sagutin mo na lang!" sabi niya sakin. Ano bang problema nito?

"Ewan! Di ko alam." sabi ko sa kanya.

"Anong hindi mo alam?! Stella, pangalan lang ng parents mo di mo pa alam?" sabi niya sakin.

"Hindi ko nga alam!" inis na sambit ko sa kanya.

"Ehh...pano nangyari yun?" tanong nya sakin. Hindi ko pa ba nasasabi sakanila na inampon ako?

"Ampon kasi ako ni Daddy at Tita. Oh, their names are Harry and Maria." sabi ko sa kanya.

I looked at her through the mirror. Shock was written all over her face.

"Oh gosh...really?! I'm so sorry. Minsan kasi nagiging madaldal ako. I shouldn't have asked you about that!" Sabi nya at niyakap ako.

"Ay tumigil ka nga. Bilisan mo na para makapagbihis na tayong dalawa! I'm sure papunta na sina Lisha dito." Sabi ko.

"Ay oo nga. Sige." sabi nya at tinuloy yung pagmamake-up.

**20 mins. later**

"All done! Sige na. Para makapagbihis na tayo! I'll go to my room now!" Sabi nya at lumabas.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa closet ko.

Kinuha ko yung gown na pinili ko kahapon at sinuot yun. Pati na rin ang binili kong sapatos.

With my make up and hair done, this is how I look.

(A/N: Stella's Outfit)

(A/N: Stella's Outfit)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Golden Academy (MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now