@ kabanata 8

158 6 5
                                    


Sa kalaliman ng gabi .di dalawin ng antok si richmond dahil nakikita nya ang mukha ni lyn na umiiyak .gusto nyang punasan iyun pero lumalayo si lyn kaya tuloy dinadaan nya lamang sa pag inom ng wine .habang ang mag asawa pagkatapos magniig ay todo yakap si janjan kay lyn pareho silang hubo't hubad sa ilalim ng kumot.nakahilig ang ulo ni lyn sa tapat ng puso ni janjan dinig na dinig nya ang pagtibok nito.

" mahal pwede ba mangupahan na lamang tayo malayo sa pamilya mo kahit simple lang mahal ."

" mahal di ba nangako naman ako sayo na tutuparin ko ang pangarap mo pero hindi pa sa ngayon gustong kung makilala mo sila nangako naman sina mama na aalagaan ka nila patutunayan nila sakin at lalong lalo na sayo na tanggap ka nila ng buong puso"

" alam ko naman iyun pero di mo pa din mawawaksi sa isip ko ang nakaraan mahal.lalo na sa pagkawala ni inay .pero sa kabila ng pangyayareng iyun di ako nag ipon  ng sama ng loob dahil ang lalaking mahal na mahal ko ay kasapi ng pamilyang sinusumpa ko pero lahat ng iyun winaksi ko "

" kaya nga ..mahal na mahal kita dahil tinanggap mo pa rin ako sa kabila ng pagkatao ko."

" ikaw talaga pag nagsalita ka na wala na kung masabi pa .oo na sige na panalo ka na "

" salamat mahal ."

Magkayakap silang natulog .na may ngiti sa labi .wala pa rin sinasabi si janjan sa asawa nya kaya maghahanap talaga sya ng tyempo.

Kinabukasan. Alas dose na nagising ang mag asawa kay halos mataranta si lyn dahil di pa sya nag hahanda ng almusal .pero pinigilan lamang sya ng asawa.

" dito ka lang hayaan mo mga katulong gumawa nuh"

" pero mahal gusto ko ako mismo magluluto ng kakainin mo,"

" wag na sabay tayong lalabas ng kwartong ito."

Kahit sa paligo ay sabay sila .kaya sa paglabas nila ng kwarto para tumungo sa kusina halos manlaki mata ni lyn sa nakikita nya .ang tatay nya nandun na sa lamesa at sinusubuan ng katulong sinalubong sila ni corazon.akala mo may fiesta sa dami ng pagkain .

" gising na pala kayo .halika na at kumain na habang mainit init pa naku! Magugustuhan nyo yan special na putahe ko iyan kaya masarap iyan"

Hangang hanga naman si janjan sa effort ni corazon.habang si lyn ay tulala pa rin .pinag hila pa sya ng upuan ng kanyang asawa para makaupo sya wala syang masabi talaga.

" kita mo naman. Mahal laki ng pinagbago ni mama"

" aba dapat lang lalo pa't gusto ko ng apo "
Biro nito.

Akala mo prinsesa sya kung itrato nito .kaya si janjan labis ang tuwa na wala ng galit sa isat isa.

" kumain ka ng kumain lyn para magkalaman laman ka naman .pumapayat ka ata."
Di naman makaimik si lyn..

Di lang iyun .ang pinakita ng donya .nabigla pa sya sa kinikilos nito .kinakausap sya nito ng malumanay .nagyaya pa nga ito mag girl bonding sila .bilang mabait na biyenan at gusto pa nito na tawagin nya itong mama.di sya makapaniwala talaga ..

Batas Ng Isang Api(#wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon