Kabanata 6

62.8K 829 50
                                    

Kabanata 6

Nagising na naman si Clarisse mula sa weird na panaginip. WTH is gong on?! May Allen na nga may Aaron pa?! Naguguluhang tanong ni Clarisse. Nababaliw na ata siya. Hindi niya kilala si Allen at mas lalong hindi niya kilala si Aaron na ngayon naman ay sinasabing siya ang mahal niya.

Bumangon si Clarisse ng kama upang sumandal sa headboard, ginulo-gulo niya ang kanyang buhok na halos sabunutan na rin niya ang kanyang sarili dahil sa labis na pagkalito. Natatakot na din siya sa mga nangyayari, para sa kanya hindi na normal ang mga napapaginipan niya lalo pa't nagtutuloy lang ang kanyang naudlot na panaginip. Hindi na niya gusto pang isipin kung anuman ang maaaring mangyari sa susunod niyang panaginip. 

Una nariyan si Allen na sinasabing siya ang nararapat niyang pakasalan ngunit ngayon naman ay may nagpakilala sakanya na Aaron at nagsasabing siya ang mahal niya. Kailanman sa buhay niya ay wala pa siyang nakikilalang Allen man o isang Aaron.

Humiga na ulit siya sa kama ngunit alas-tres na rin pala ng madaling araw at alam niya na hindi na rin siya makakatulog pang muli. She decided to take a bath at gumayak na rin. Mabuti na rin ang maaga siyang pumasok sa trabaho bago pa siya masita ng bagong General Manager.

Bandang alas-kwatro na ng lumabas na siya ng kanyang apartment. Pasakay na sana siya sa kanyang kotse ng mapansin ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng kanyang gate. Sino naman kaya ang lalaking iyo? Tumatambay lang ba ito? Tanong niya sa kanyang sarili. Ipinasok muna niya ang kanyang bag sa loob ng kotse at lumapit sa lalaking nakasandal sa gate niya. Dahil madaling araw pa lamang ay kalat pa ang dilim sa labas at hindi man lamang matanglawan ng liwanag ng ilaw sa katapat na poste ang mukha ng lalaki.

"Kuya may kailangan po kayo? Tindero po ba kayo ng dyaryo? ahmmm ng balot? puto?" bubuksan na niya sana ang gate ngunit naisip niya na baka magnanakaw ito kaya naman dumistansya siya ng kaunti mula rito.

"Uy kuya?" tawag niyang muli sa lalaki ngunit hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan nito. 

"Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin Clarisse?" nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa pamilyar na boses na narinig niya. Nanghihintakutan siyang napahawak ng mahigpit sa gate, tanging rehas lamang ng gate ang distansya nila. Panaginip pa din ba ito?

"S-sino ka? Humarap ka sa akin." gusto niya itong makita ngunit naroon pa rin ang takot at agam-agam sa kanya. 

"Allen ikaw ba yan? Totoo ka ba talaga?" sinubukan niyang hawakan si Allen upang mapatunayan sa sarili kung totoo nga ba siya o kathang isip lamang niya ito ngunit hindi niya nagawa dahil nagsimula na itong maglakad palayo. Iilang metro pa lang itong nakakalayo ng huminto sa paglalakad. 

"Minahal kita Clarisse pero bakit si Aaron pa?" at sa isang kisap mata ay naglaho na lamang ito na parang bula samantalang siya naman ay napaupo dahil sa pinagsamang takot, pagkalito at pagkabigla sa nangyari. Alam niya at sigurado siya na hindi ito panaginip at nakausap niya talaga ito. Nang makabawi ay agad niyang binuksan ang gate at tumakbo sa kotse niya at pinaharurot ito papuntang airport. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho.

Nakarating si Clarisse sa airport na humahangos kailangan niyang makita si Beth dahil mababaliw na siya kung wala man siyang mapagsabihan nito. Sa pagtakbo niya ay hindi niya namalayan na may kasalubong pala siya kaya naman nabunggo niya ito

"S-sorry! Sorry! Ikaw?!"

"Oh anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah?" bigla na lamang nawala ang takot niya at agad napalitan ng inis dahil si GM lang naman ang nabunggo niya. Pakiramdam niya ay agad na umakyat ang dugo niya sa ulo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya makalimutan ang kahihiyan na inabot niya rito.

 "Bakit ikaw ang aga mo? Masamang pumasok ng maaga?"

"Hindi naman!" tatayo na sana si Clarisse ng pigilan siya ni Aaron.

"Oy samahan mo muna ko, ang dilim pa kaya dito sa office area." maraming tao sa airport ngunit dahil sa office area siya nadaan ay wala pang halos tao dito. Alas siyete pa kasi ang bukas ng offices sa airport ngunit bente kwatro oras ang operasyon. 

"Natatakot ka ba? Like hello! Tumambay ka kaya sa mismong airport matao dun." inirapan na lamang niya ito habang pareho pa din silang nakaupo sa sahig habang kapwa sapo ang kanilang mga ulo.

"Ayoko nga! Tara sama ko sa clinic niyo." hinigit na lang siya nito bigla patayo, parang takot na takot ito dahil nanlalamig ang kamay nito. 

"GM okay ka lang? Naduduwag ka ba?"

"At sinong duwag ha? Yelohan mo 'tong ulo ko at sumakit!" gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Alam niyang natatakot ito dahil nangangatal pa ang bibig nito habang nasalita. Nakakita siguro ito ng multo sa opisina kaya naman naduwag. 

Nang makarating sa loob ng clinic sumalubong sa kanila si Beth at halos mapatili ito sa nakita. Sino nga bang hindi magugulat kung kasama niyang papasok sa loob ng clinic ang General Manager ng airport.

"G-GM? Anong ginagawa nyo dito sa ganitong oras? Saka Clarisse bakit ang aga mo ata? 7am ang duty mo diba?" halos mabulol na si Beth sa labis na gulat at hindi na niya kailangan pang hulaan ang susunod na sasabihin ng kaibigan.

"Girl! Pano mo nahigit dito yan? nalaglag panty ko 'te!" bulong sa kanya ni Maribeth. Tinignan na lamang niya si GM na magkasalubong ang mga kilay. Marahil ay nagtataka ito kung ano man ang pinagbubulungan nila.

"Ay Beth kuha ka pala ng cold compress."

"Bakit?"

"Nabukulan kasi si GM." pang-aasar na sabi ni Clarisse habang nakatingin sa General Manager nila.

"Nabukulan ka dyan! Bukulan kaya kita?! Wag na! Makikitulog na lang ako dito." walang sabi-sabing nahiga ito sa hospital bed.

"Gisingin mo ko pag 7am na ah at hep! wag mo kong rereypin!" natatawa nitong sabi bago pumikit.

"Hayaan mo Sir ako na lang rereyp sayo!" kinikilig na sabi ni Beth, umiling na lamang si Aaron at natulog na. Bigla na lamang hinila ni Beth si Clarisse.

"Pigilan mo ang hypothalamus ko Clarisse! rereypin ko talaga yan! Shet napaka gwapo naman! Tignan mo oh!"

"Baliw ka talaga." tumingin siya sa kasalukuyang natutulog na si Aaron. Lumapit siya rito at pinagmasdan ang mapupulang mga labi nito. Pamilyar ito sa kanya ngunit hindi niya ito matandaan.

Sa kabilang dako ay rinig ni Aaron ang pag-uusap ng magkaibigan. Nagkukunwari lamang siyang tulog upang matahimik na ang maingay na kaibigan ni Clarisse. Balak na sana niyang sitahin ito dahil sa ingay nito ng maramdaman niya na may tumabi sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil nanunuot sa kanya ang pagtitig ng babae sa kanya. Hindi na niya kailangan pang dumilat upang siguraduhin kung sino ang nasa tabi niya. Tanda niya ang amoy ito at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili niya.

He kissed her.

to be continued.... 

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Where stories live. Discover now