24: Nightmare

48 1 0
                                    

YANNA POV

*SWERVE*

Unti-unti akong gumising mula sa aking pagtulog. Shocks! Six-Thirty pa lang pala ng umaga.

Umaga?!

"Zzzzz."

Tumingala naman ako mula sa pagkakatungo. Wews. Mukhang tulog pa pala itong si Elise. Hmm. Inaantok pa siguro ito. Kaya dahan-dahan lang akong kumilos para kunin ang backpack ko na may lamang mga personal na gamit.

Syempered. Para makapag-ayos man lang ako ng sarili.

Itinatabi ko na ang bag ko nag biglaang lumiko pakaliwa ang bus. Luh! Tas kumanan, kumaliwa. Tsk! Ano ito? Yung nilalaro nila dati sa Eat Bulaga? Yung may kaliwa't kanan?

"Walang tatayo sa kinauupuan. Pakiusap." Narinig ko naman ang tourguide namin mula sa unahan.

At hanggang ngayon ay pagewang-gewang pa din kami. Pero malayo-layo naman ng kaunti ang mga zigzag sa bundok na ito.

Shockers! Kinakabahan na aketch!

Unti-unti ko namang ginising si Elise. "Elise, gising na. Please." Pabulong ko namang usal sabay dasal para sa ikasasarap ng pandesal.

Hays! Ngayon ka pa nagbiro! Ano ka ba YanYan?!

"Huh? Are we there already?" Papungas-pungas pang tanong ni Elise.

Ako naman, pinag-ayos ko na siya. "Ah Elise. Mag-ayos ka muna ng berilayt. Tas pakalmahin mo akez ha? Pagewang-gewang kasi itong bus sa zigzags eh." Medyo kinakabahang boses ko.

Tumalima naman si Elise ng tahimik.

"Hey, kanina ka pa namumutla. Okay ka lang?" Tanong naman sa akin ni Elise pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili.

At mas hindi pa ako makasagot nang may marinig akong hindi kaaya-aya.

"Coach, may problema po ba tayo?" Narinig ko namang tanong ng tourguide namin.

"Ahh k-kasi... HINDI KUMAKAGAT YUNG PRENO!"

Ganun na lang kaming napatulala lahat dahil sa narinig.

"Shit! Bakit naman daw hindi kumakagat?" Tanong naman sa akin ni Elise.

At mas nadagdagan pa ang potensyal naming maaksidente dahil totoo nga ang sinasabi ni Coach.

AT NGAYON AY PAGEWANG-GEWANG NA KAMI SA KALYE.

Narinig ko na lang ang tilian ng mga kaklase ko sa bus, kasabay ng pag-iyak ng iba.

"E-elise?" Mangiyak-ngiyak kong saad sa kanya.

"I know YanYan. We'll be okay." - Elise.

Mas maraming pagewang-gewang, mas malakas na pagsigaw at hagulgol.

"Eliseeeee! Ayoko pang mamatayyy!" Paghagulgol ko naman.

Natulo na din ang luha ni Elise. "Tanggapin na natin Yan. Na ito ang kahahantungan natin. Thanks for everything. I love you."

Wala na akong iba pang masasabi. "I love you, Best." Sabay tulo pa ng luha ko.

At hindi na namin alam ang susunod pang mga nangyari.


BEL POV

"YANYAN! ELISE!" Napabalikwas ako ng bangon namg dahil sa napanaginipan ko.

Este, bangungot pala. Na sana, ay bangungot lang talaga.

"Bel? Ayos ka lang?" Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Bettina sa aking tabi.

Nanginginig pa din ako hanggang sa makaharap sa kanya. "Mukhang nanaginip ka ah?" Tanong niya. "Ay siya, halika na't mag-almusal."

Pagkatapos naman noon ay tumayo na din ako sa aking higaan.

Nasa gitna kami ng tahimik na almusal nang bigla kaming--

"Isang bus na balak sanang pumunta sa Lungsod ng Baguio ang muntikan nang mahulog sa isang bangin dito sa may--"

Halos mahigop ko palabas ang aking kaluluwa nang dahil sa mga nasaksihan ko.

"H-hindi... hindi yan.." Halos mamatay na ako ng dahil sa pangangamba.

"At ayan na nga, nahulog na yung bus pailalim ng bangin--"

"Shit!" Pinatay naman ni Bettina ang TV.

"Ayos ka lang Bel? Bakit? Anong nangyari?"

Halos hindi na ako makapagsalita.

"Bett, yung bus nila YanYan at Elise... naaksidente." At doon na ako tuluyang humagulgol.

Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata ni Bettina.

BETT POV

Halos hindi din ako magkandaugaga sa paghahanap ng lakas para matawagan si Dmitri. But in the end, natawagan na namin siya.

And we're already on our way there.

Best Friendship GoalsWhere stories live. Discover now