Chapter 12

6 0 2
                                    

This will be a short update. Em' busy.....

Louis PoV:

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko ng may isang madagundong na tunog ang natapat sa may tenga ko.

"BOOM! BOOM! BOOM! AH! AH!" Yan yung lintek na tunog ng mga.....

Napadilat agad ako maalala kong naglalakad kami sa gubat at biglang may tumusok na kung ano sa leeg ko! At saka dun na nawalan ng malay.

Teka..bakit parang baliktad yung mga taong nagsasayawan sa harapan ko?! Nakasuot ng bahag ang mga kalalakihan at ang mga babae naman ay nakasuot ng parang kumot na ipinulupot sa katawan lang nila.

Nagtry ako gumalaw pero pagtingin ko, may mga lubid na nakapulupot sa katawan ko.

"Sh't! Damn! Ano to?!" Sabi ko sa sarili ko. Bwiset!

P'tangina naman, eto ata sinasabi ni Ma'am na mga tribong bungal este Umagat!  Naglilikot ako ng mapansin kong may katabi ako na nakabaliktad rin, pagtingin ko, Huh! Si Lester at Lendmark!  Pinaggigitnaan ako.

"Oy" sabi ko. Tumingin ako, ano to? BAKIT NAMAN NAKANGITI SI LENDMARK? Ano? Tuwang-tuwa na nakabaliktad sya? Tinignan ko si Lester, problemado naman habang nakapikit rin. Kunot ang noo. Teka nga ano bang nangya---

"Hihihi,  pogi man iyong taong baliktad. " A-ano?? Taong baliktad? Seryoso??

"Akin yaong lalaking may guhit sa noo." Wahahahah ano?! Si Lester iyon, g-guhit sa noo?! F'ck! Ahahahhaha.

"Akin naman iyong walang humpay ngumiti,  hay...naalala ko ang aking alagang tarsyer na si  Um an." Wahahahah ano naman to?! Hunghang?  Nako kung maririnig ng mga to. Tiyak na magwawala sila.

"Akin yung gitna! Yung mulat ang mata habang tulog" ako yun ah? Aba? Di ko sya----

"Amish naman, para tuloy yang tinutukoy mo parang paniking dilat"

Wahahahah paniking---- F'ck! F'ck!

Sinamaan ko ng tingin yung tatlong kulubot na babae..

"Hoy! Letcheng mga gurang! Pakawalan nyo kami dito! Mga Saltik kayo!" Sigaw ko. How dare them na lait laitin ako?! F'ck! Di ba nila alam na ako ang pinakagwapo sa mundong ito?! Aba.

"Hoy tagalupa,  umayos ka. Di mo kami kilala!" Sigaw ng tatlong babae. 

Ngumisi ako, "Talaga namang di kita kilala! At ano? Tagalupa? Ikaw tagabundok! tagatubigan! tagabuhanginan! Tagataehan! Langya ka -.- " sabi ko sa mga babaeng walang kastyle style sa damit.

"Susumbong kita kay Ama!  Mapagsamantalang tagalupa!" Ani ng Isang babae.

"Hoy! Aba? Anong mapagsamantalang tagalupa?! Kita mong nakabitin ako dito! FYI, wag ka ngang assumera!  I'm a boobs material at wala kang size para pagsamantalahan kita!"

Sinamaan ako ng tingin ng mga ito saka umalis ang mga ito. Magsusumbong yan.

"Pst. Pare t'ngina.  Grabe ka dun sa mga chix" biglang mulat at nguso sakin ni Lendmark. 

"Oo nga, sayang papatulan ko pa naman" sabi ni Lester na nakangiti.

Napamura sa itinuring ng mga ito. Aba! Kanina pa ko dada dito ng dada! Gising naman pala! "F'ck you mga pare! Wala ba kayong mga nakatagong pampasira ng lubid na to?!"

"Wala ako baka si Lendmark meron"

"Meron, pero laser lang." 

"Okay na yon. Okay na nasan ba?"

"Dito sa may-----  P'TA!"


"AARRAYY!"  Sigaw namin ng malaglag kami. May pumutol ng lubid. F'ck! Ang sakit ng likod ko....

May dumating na tatlong babaeng nakasuot ng itim na leather suit. Mukha silang agent. May face mask sila. Lumapit sila.

"Stand Up." Sabi ng babaeng may hawak na katana.

Tinulungan ng mga kasama nya sina Lester at Lendmark samantalang, nakatingin lang ito sakin at tumalikod.  

"Oy pare teka, nasan yung tatlong baliw na kasama natin na babae?" Ani ni Lester.  Habang inaalalayan syang tumayo ng Isa.

"Oo nga yung mga lampa eh! Ewan ko kung bakit naging Agent pa -.- " sabi ni Lendmark. 

Nagulat kami ng biglang tinulak uli sina Lendmark at Lester.  Napangiwi nalang ako. 

"Ano ba?!"

"Sh't ang likod koooo"

Naglakad uli pabalik samin ang babaeng may hawak na katana at nilingunan ang mga kasama nya.

"Hayaan nyo na.." Grabe, parang yelo sa lamig ang boses nya.

Tumango ang dalawang kasama nito at lumapit dito.

Saktong dumating naman ang mga Tribong Umagat. Aba! Medyo marami sila ah? Yeah!  Bahala na ang mga sexy ladies na ito lumaba------

"Bahala na kayo dyan. Mga bwiset na lampa" sabi nung babae na may hawak na katana.

Hinagisan ako nito ng maliit na kutsilyo. Pati mga kasama nito hinagisan rin ng maliit na kutsilyo sina Lendmark. 

"GOODLUCK!!" sabi ng mga ito. At nag ninja moves! 

Tumayo kami at lumingon sa Tribo. 

"HA!" sabi ng mga lalaking may hawak na mga sibat. 

Itinaas ni Lendmark ang hawak na kutsilyo.  Sumigaw naman si Lester "LABAN!!!!!!"

Ano sa tingin nila ginagawa nila?! Ang liit liit---

"PATAYIN SILA!!!!" biglang sigaw ng lalaki. Baka pinuno. 

Patay!









Author's Note.   Heluuu~  nako po. Pasensya na ah? Ngayon lang ako nag Update.  I'm busy updating  with my Psycho's Obsession ko. Please vote. Comment and Share.

The  L  Partners #Watty's 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon