CHAPTER TWO

811 17 6
                                    


CHAPTER TWO

First Blood

-ANGEL-


Nakaimpake na ako ng mga damit at handa na ang mga dadalhin ko, may dorm kasi sa H.S. University, malapit lang sa greenhouse at lahat ng students ay doon mamamalagi.


Ngayon ang unang araw ng aming pasukan bilang isang college student.


I know this is gonna be different now, hindi na ito tulad ng high school, pero excited na talaga ako!


Sumakay na ako sa kotse, maya-maya lang ay nandito na ako sa H.S.U. ang dami ng tao, kanya-kanya sa paghahanap sa kanilang mga classrooms per subject.


Ako naman ay agad na tumungo sa dorm, para hanapin ang kwarto ko, napakalaki ng building kaya't nahirapan ako sa paghahanap.


Buti nalang nakita ko si Amy. Naging close kami dahil doon sa attendance. At swerte nga naman, roommate ko lang pala sya.Nakita na namin ang aming kwarto, nasa 3rd floor ang kwarto namin pero hindi naman nakakapagod kasi may elevator naman.


"Angel? Saan naka-sched ang mga subjects mo?"tanong ni Amy.


Tiningnan ko ang aking form kung saan nakalagay ang schedule ko.


"So far, block section ako. Ikaw?" – ako.


"Ahh, ako rin.Ano room number mo?" – sya.


"Room number 13."


"Oh my gosh!" bulalas ni Amy sabay takip ng bibig.


"Ha? Bakit? Anong meron?" takang tanong ko sa kanya.


"We're on the same class!" saad n'ya habang nagtititili.


Nagpatuloy lang kami sa pagku-kwentuhan, panay ang share n'ya sa kanyang karanasan.


Napakadaldalera ng babaeng 'to. Pero ayos narin at kaklase ko s'ya. Matapos naming ayusin ang mga gamit namin ay agad naming nilibot ang dorm.


Napag-alaman naming nakahati pala by floors every year level. Since freshmen pa kami, sa third floor ang aming area, while sophies are in the second floor, at yung higher years ay nasa first floor since under na sila sa internship program, maya't maya ay kailangan ang presence nila.


Naglibut-libot lang kami at hinanap narin ang aming room.

+++

-AMY-


Matapos naming maglibot sa dorm ni Angel ay agad kaming nagtungo sa classroom namin.

My Death Scythe - EDITINGWhere stories live. Discover now