Graduation

3 0 1
                                    

Pagkagraduate ni Macey ng high school sa isang mababang paaralan somewhere sa Visayas region ay nakatanggap cia ng parangal bilang top 8 sa buong batch nila...o mas akma ang medalyang pinagkaloob sa kanya as one Academic Achiever of the year at may certificate na most responsible...At dahil kapos sa buhay gustuhin man sana nyang mag aral sa college ay hindi kayang tustusan ng kanyang mga magulang....May mga scholarship certificate sana syang natatanggap from different schools kaso percent lang ang bawas as tuition...paano na ang pang allowance at boarding house pa...
Kinausap ni Macey ang kanyang mga magulang na payagan syang makipagsapalaran muna sa Maynila. Maghahanap ng kahit anong mapapasukan upang makaipon at ng makabalik sa Pag aaral upang matupad ang pangarap makatapos ng business management course. Bunga ng maayos na pag uusap pumayag ang mga magulang nya...mahigpit na bilin ng mga ito na magpakabait sya at huwag muna magboboyfriend dahil kakadisi otso palang nya.. Agad bumili ng ticket si Macey kasama ang kanyang INA at sa makalawa na ang alis...makikituloy cia sa mga Tito at Tita nya pagdating ng Maynila kaya nagpapasundo sya as pier...

Hindi pa nya tiyak kung anong kapalaran ang nag hihintay sa kanya sa isang estrangherong lugar na balak nyang pupuntahan ...Ang Maynila???....

 Meant To BeWhere stories live. Discover now