CHAPTER 35 - Revelations.

29.1K 328 40
                                    

 =DJ’s POV=

Naglalakad pa rin kami ni Kath sa may beach. Continuation pa rin to nung date namin.

“I can feel that you’re happy right now, is it because of me?”  Ako.

“Asa boy. Hahaha.” Kath.

“HAHAHA! Natawa ako dun ah.”

“Ano sasabihin na ba natin sa kanila???” Boses babae Narinig kong salita na pamilyar boses. Napatigil tuloy ako sa pakikipagkulitan sa kay Kath.

“DEEJ, What’s with the serious face?? Haha. Joke lang yon.”  Kath.

“Ssshhhh. Di mo ba naririnig yun?” DJ.

=Kath’s POV=

“Ssshhhh. Di mo ba naririnig yun?” Weird nito ni DJ kaya pinakinggan ko naman.

“Eh pano? Baka magulat naman yun sila.” Boses ng lalaki. Parang kilala ko.

“Chachee, tara lapitan natin.”

“Anu ka ba, mamaya hindi naman natin kakilala. Hayaan mo na, tara na! balik na tayo sa room.” Ako. Hinihila ko siya pero nakikinig pa rin siya.

“Edi ano? Next time na naman? Hon naman, 1 year na tayong nagtatago.” Babae.

“Alam mo namang kakatapos lang ng problem nila diba? Hindi ko naman sinasabing problema to. Pero, dadating din tayo dun. Sasabihin natin yun. I love you?” Lalaki. Wow ha. Hindi talaga namin tinigilan ni DJ ang pakikinig. Pero pamilyar talaga yung boses nila.

“I love you too.” Babae.

“DEEJ, tara na nga! Lapitan na natin. Tingnan natin baka kakilala natin. Haha.” Hinila ko si DJ at natawa siya sakin. Pagpunta naming malapit dun sa nag-uusap, ang mga mata naming pare-parehas nan g reaksyon.

O.O ----> Woooooot!

=Yna’s POV=

Time for my POV’s dear readers. May role ako dito. Ngayon lang ibinulgar ni author. Ako po ay si Yna Cassandra Padilla, Cassie or Yna for short. Pinsan ni Daniel at ang itinatagong girlfriend ni Neil. Yep. Ako po yung nabanggit niya nung nag-uusap sila ni Paul. Nagkakilala kami sa States nung inihatid niya si Paul para mag-aral dun. He stayed for a month, totally strangers talaga. Bumped into each other lang one day. At ayun love at first sight ang lola mo. Niligawan niya ko, laging tinatawagan. Long distance relationship. Nung una, ayaw talaga na muna naming ipaalam sa mga tao, we don’t know the real reason pero ayaw talaga. Nitong mga nakaraang araw ginusto ko na malaman. Ayoko na magpretend na wala.

“Ano sasabihin na ba natin sa kanila???” Ako.

Another Chance just for Love? (Book 1)Where stories live. Discover now