Chapter 1

506 6 1
                                    

Hazel's POV

What the hell? Sya ang katabi ko? Anak ng pitongput pitong tupa naman oh!
Nagtataka ba kayo?
Well, naiinis ako dahil katabi ko lang naman ang pinaka GWAPO DAW! Dito sa school.
Like duh? Mga bulag ba sila? Ano namang gwapo sa lalaking to? Mas gugustuhin ko pang magkaroon ng katabing pusa kaysa makatabi ang mayabang na to!
(Okay easy lang!)

Bumuntong hininga naman ako at sumandal sa upuan ko. Maya maya may tumutusok sa braso ko.

Tinignan ko lang sya ng masama.
"Umayos ka ,badtrip ako baka gusto mong mabangasan ko yang mukha mo." Pagbabanta ko sa kanya.
"Tsk! Di ka man lang ba nasindak sa kagwapuhan ko?" Tanong nya.
"Why would i?" Tanong ko sa kanya sabay smirk.
"Haha ewan sayo! Bulag ka ata eh! Di mo man lang makita na may katabi kang gwapo, samantalang yung iba halos magkandarapa makatabi lang ako." Mayabang nyang sabi.
Napairap naman ako.
"Sila yun, ibahin mo ako,tsaka ano ko tanga ka ? Di ako kasing bulag nila para magkandarapa na makatabi ka! Mas gusto ko pa ngang makatabi yung unggoy kaysa sayo!" Sabi ko sa kanya.
Nagulat sya sa sinabi ko pero agad din namang ngumite. Anak ng!
"Darating din ang araw na kakainin mo din yang lahat ng sinabi mo." Sabi nya.
"A-S-A!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang sya.

***************************************

Nag lesson na si sir. Pero itong katabi ko mayat maya ako kinukulit.
"Uy haze, peram akong pen mo." Sabi nya sakin with matching kulbit sa balikat ko.
Anak ng!
Inis kong hinagis sa kanya yung pen ko. Tinatamad na din kasi akong magsulat eh.
"Haze, pwedeng pati yung papel mo? Bilis na."
Sabi nya.
Umirap naman ako. Aba't demanding pa ang loko!
Hayssst! Inabot ko na lang sa kanya yung papel ko kaysa makipagtalo pa sa kanya.
"Thanks." Sabi nya.
"Uy haze-----"
Hinarap ko sya.
"Ano na naman? Nakakabwisit ka na ah! Anong silbi ng bag mo kung wala naman palang laman? Kahit kelan nakakabwisit ka!"
Sigaw ko sa kanya.
Tumayo sya at inabot sakin yung pen at papel ko.
Huh?
Lumabas sya ng room. San pupunta yun?

Napatingin ako sa papel kong hiniram nya. Di ko alam pero nagulat ako bigla.
Ginawan nya ko ng notes?

*************************
At cafeteria.....

Naghahanap ako ng bakanteng upuan.
"Hazel dito!" Sigaw ni carla
Pumunta naman ako sa table nila.
"How was your day..........with vince?" Natatawang tanong ni jom
Inirapan ko lang sya.
"Feeling ko para akong nasa hell..." sagot ko at nagsimula ng kumain.
Natawa lang yung dalawa.
"Speaking of...." sabi ni carla ng nakatingin sa likod ko. Pero di ko sya pinansin.
"Hello haze!"
Bigla akong nasamid.
Napatingin ako kay vincent na kasalukuyang umuupo sa tabi ko.
Hanggang dito ba naman katabi ko sya?
"Masaya akong makatabi ka" sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Halata nga. Alam ko namang kinikilig ka na." Mayabang na sabi nya.
Tinapat ko sa kanya yung tinidor ko.
"Di na po." Agad nyang sabi at kumain na.
"Pero aminin mo, kinilig ka kanina." Sabi nya.
Anak ng!
"Isa!" Sigaw ko sa kanya.
"Sabi ko nga titikom na." Sabi nya with matching zipper sa bibig nya.
Tsst! Nawalan na tuloy ako ng gana!
Napatingin ako kila jom at carla na tawa ng tawa.
Mukha ba kaming clown?
Ay eto lang palang katabi ko.
Psh.

*********

"yawn!" nag inat inat ako saka tumayo na at inayos ang gamit ko.
napatingin naman ako sa isang unggoy na katabi ko lang. ayon naghihingalo na. choss haha kahit naman hambog yan e pinagsulat pa rin naman ako ng notes kanina nan. tsk, akalain mo yon?
bumuntong hininga ako at pinagmasdan ko yung mukha nya.
ayos naman, hindi na masama. sa totoo lang, may dating naman sya e. oo sige na gwapo na tong hambog na singkit nato pero aish hambog nga kasi kaya hindi ko type. psh.

"baka matunaw naman sayang"
nagitla ako sa biglang pagsulpot ni Jomari.
inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ko na ang pagsak sak ng mga gamit ko sa bag.
kahit di ko nakikita alam kong nakamasid sakin si Jom.
hinarap ko sya at pinandilatan ng mata.
"Jom, mali ka ng iniisip" sabi ko sa kanya na syang ikinatawa nya. napakunot ang noo ko bigla. lakas ng trip ng kolokoy na to aa.

"sige nga Hazel, ano bang iniisip ko?" nakangisi nyang tanong.

anak ng! sinukbit ko na yung bag ko at nilagpasan na sya.

"yung totoo, kaibigan ba talaga kita o ano?" naaasar na tanong ko kay Jom.

"tss mauna na nga ko." sabi nya at nauna ng maglakad.
yeah buti pa nga.

hay! ilang araw palang ang pagsisimula ng klase pero feeling ko isang taon na ang nakalipas. ikaw ba naman ang pinagpalang magkaroon ng katabing di mo malaman kung hayop ba o hayop pa rin. aish

SeatmateWhere stories live. Discover now