Chapter 3

26 0 0
                                    

VINCENT's POV

napatingin ako sa pintuang nilabasan ni Hazel.
napailing na lang ako. ang sadista ng babaeng yon to the highest mountain everest. tsk.

"kaawa-awang notebook, napunta sa masamang kamay" malungkot na sabi ni Carla habang pinagmamasdan ang notebook nyang gula-gulanit na.
"eto kasing si Vincent papam-pam kay Hazel e. kala mo naman type sya." sabi ni Jomari.
kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
di naman ako nagpapapam-pam e. sadyang masarap lang talagang asarin si Hazel.
" naku ikaw din, ang malas mo pag naging asawa mo yon" naiiling na sabi ni Carla.
"kaya nga, bugbog sarado ka don pagnagkataon" dagdag naman ni Jomari.
etong dalawang to ang lakas din naman ng trip e no? pero asawa? why not? tsk joke lang. as if naman. napakamakasalanan ng bruhang yon. mantakin mo ba namang saktan ang gwapo kong mukha? pasalamat sya natutuwa ako kapag naaasar sya.

"tsk. kayong dalawa nga'y magtigil dyan. kilabutan nga kayo sa pinagsasabi nyo." sabi ko na lang sa dalawa.

asan na ba yung teacher na yon? tsk lagi na lang late, tapos kapag kami yung late nagagalit. bat hindi nila disiplinahin yung sarili nila? ipaguidance ko sila e. kapag ganitong wala si Hazel ang boring talaga. dont get me wrong ha, natutuwa lang talaga ako sa presensiya nya pero wala ng hihigit pa don.

pumasok na si Sir. Martinez pero hindi lang sya, dahil katabi nya ang isang lalaking---- panget haha joke. may ipagmamalaki naman kahit papano pero wala ng tatalo sa gandang lalaki ko.

HAZEL's POV

nagpasya na kong pumasok ng classroom. Pero napatigil ako hindi dahil nandito na si Sir kundi dahil nandito yung lalaking nakabangga ko kanina.
nandito pa lang ako sa may pintuan at sakto namang napalingon sa gawi ko yung lalaki. napaatras ako ng bahagya. bat nandito sya?

"Hi, nice to see you again" ngiting-ngiting sabi nya.
pero tinaasan ko lang sya ng kilay. tsk. akala nya ba magaling na yung noo ko? pwes nagkakamali sya dahil may bukol pa to. tsk nilampasan ko na lang sila ni Sir at umupo na ko sa upuan ko.

"kilala mo sya?" bulong sakin ni unggoy.
"no" simpleng sagot ko.
"pero bakit sabi nya ni---"
"i said no. mahirap bang intindihin yon?" naiinis na tanong ko sa kanya. ngumiti lang sya at humarap na sa unahan.

"okay class he is the new transferee so go on, introduce your self" sabi ni Sir dun sa lalaki.
ngumiti yung lalaki at nilibot yung tingin sa buong room pero tumigil yung tingin nya sakin.

"he's looking at you" bulong sakin ni unggoy.
"yeah i know" sagot ko na lang
tsk problema ng stick na lalaking to na nakabanggaan ko kanina?

ngumiti sya bago nagsalita.
"hello everyone. I am CJ Sanchez. please take care of me" sabi nito na syang ikinatawa ng lahat. yeah including me.

"please take your sit. hmm sa likod ni Miss Fuentes."
sabi ni Sir at itinuro ako.
Anak ng tokwa!

naupo na nga sya sa likod ko pero di ko tinignan naramdaman ko lang. psh.
kj si sir, nilapit pa sakin tong mongoloid na to. hayahay

"Hi miss Fuentes" sabi ni Cj

nagsusulat na si Sir sa Whiteboard and as usual papasulat na naman. tsk.

"Hazel" simpleng sagot ko sa kanya.
"nice name" natutuwang sabi nya.
yeah right, nanay ko lang naman ang may ayaw ng name na yan. poor me.

hindi ko na pinansin si Cj at abala na ko sa pagsusulat.
"tsk. feeling close" bulong ng katabi ko.
siguro sinasapian na naman ng masamang espiritu. nababaliw na naman.

"Haze, hindi ko type ang Cj na yan." bulong sakin ni unggoy.
napatigil tuloy ako sa pagsusulat.
"at baket? feeling mo naman type ka nya? ano bromance tol?" tanong ko sa kanya. abat inirapan ako ng loko.
"sa tingin mo naman papatol ako jan? aba naman Haze hindi pwede yon. pano ka na?" naubo naman ako sa sinabi ni Vincent.
"tigilan mo ko. isusungal-ngal ko sayo tong ballpen ko, you want?" tinignan ko siya ng masama.
"ayoko masakit yon. kaya ikiss mo na lang ako" sabi nito at ngumuso pa.
nanlaki naman ang mga mata ko sa inakto nya.
"nababaliw ka na ba? aish" inirapan ko sya at hindi na lang pinansin pero napatigil ako bigla.
bat ang bilis ng tibok ng puso ko? ano itey?

"get one whole sheet of paper!" sigaw ng teacher namin.
seriously? ni hindi nya pa nga yan ine-explain. makalipat na nga ng school.

"pengeng papel" nakangusong sabi sakin ni Vincent.
aish wag syang ganyan baka hindi ko sya matantiya. baka isungal-ngal ko nga sa kanya yung ballpen ko.

pumilas ako ng papel at inabot sa kanya.
"pakopya" narinig kong bulong ni Jom kay Carla.
the fuck! hindi ko din alam ang isasagot.

nasa kalagitnaan na yung tanong ni Sir pero tatlo pa lang ang sagot ko.
"penge pang isang papel" bulong sakin ni Vincent.
sinamaan ko sya ng tingin pero pumilas ako ng papel at ibinigay sa kanya.

"alright, pass your paper" sabi ni Sir.
nanlulumong inabot ko kay Vincent yung papel ko at dali daling umub-ob sa desk ko.

"see you tommorow class" narinig kong paalam ni Sir.
wala na ang bobo ko ngayon. pambihira. masyadong nabakante yung utak ko. tsk ang kj ng mga brain cells ko. kinakalawang na ata.

"anyare sayo Zel?" narinig kong tanong ni Carla.

umiling iling ako.

"hey hazel, lets go to cafeteria" yaya ni Cj.
"edi go. kaya mo na yan malaki ka na." singit ni Vincent.
"bakit? sinabi ko bang magpapabuhat ako? hindi naman a. magpapasama lang e" sagot ni Cj.

"tsk. may paa ka naman bat hindi na lang ikaw?" tanong ni Vincent.
ang iingay e.
"e wala akong kilala dito e" sagot ulit ni Cj.
"edi mangilala ka" sagot ni Vincent.

tumunghay na ko at nakita kong palabas ng room si Vincent.

"c'mon Hazel. isama na natin si Cj papuntang cafeteria tutal wala pa naman syang kilala dito e." sabi ni Jomari.

tumingin naman ako kay Cj na ngiting-ngiti sakin.
tsk model ba sya ng toothpaste? kung makangiti naman.

"alright. lets go" pag sang-ayon ko.
nagtatatalon naman sa tuwa si Cj.

lumabas na kami ng room at naglakad sa hallway.

"ahm nga pala Cj, im Jomari Perez and she is Carla Mae Reyes." pakilala nya sa sarili nya at pati na din kay Carla.
tumango tango naman si Cj pero nakita kong kumunot yung noo nya.
"e sino yung isang lalaki kanina? kaibigan nyo din ba sya?" tanong ni Cj.
lalaki?
"a si Vincent ba? yung katabi ko? tanong ko.
"exactly" sagot nya.
" im not his friend--''
"talaga?" masayang tanong ni Cj.
" yeah before, but now i can say were friends na" sagot ko.

napansin kong nag iba yung expression ng mukha nya.
psh. as if i care.
so, magugulo na ng tuluyan ang buhay ko?
great.

SeatmateWhere stories live. Discover now