Chapter 1

7.3K 181 34
                                    

Naguguluhan ako, Mariel. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama pa ba 'to.

Naalala ko na naman si Mico. Masaya dapat kami nung araw na 'yon pero kabaligtaran ang nangyari. Memorable sana pero nagkasakitan kaming dalawa. Nasaktan ako. Sinaktan niya ako.

Naaalala ko pa kung papaano niya inamin sa akin ang kasalanan niya, 'yong hitsura niya na halatang nalilito. Halatang hindi alam ang gagawin. Naaalala ko 'yong hitsurang never kong nakita dati.

Napahinga ako nang malalim at inalis sa ulo ko 'yong mga salitang 'yon.

Naisip ko bigla si Anj at tinext siya, Bebest, break na kami ni Mico.

Wala pang isang minuto at biglang nag-ring 'yong cellphone ko.

"I can't believe na tinago mo sa akin 'to for so long," halos pasigaw na sinabi ni Anj sa kabilang linya matapos niyang malaman ang sikreto ko. "I am supposed to know this 'cause I am your best friend! You're supposed to tell me kasi kailangan mo ng kaibigan sa mga panahon na 'yon!"

I sighed, "I didn't mean to hide it from you. Gusto ko lang talagang subukan kung hanggang saan ko kakayanin itong pinagdadaanan ko. Akala ko kaya ko, hindi pala. Kailangan ko pala talaga ng kaibigan."

"Pupunta ako dyan in a while. Maliligo lang ako!" she said before hanging up the phone.

I sighed again.

I finally told my best friend about the break up. Not too long ago, nag-break kami ng boyfriend kong si Mico. We've been together for almost five years at sa limang taon na 'yon ay alam kong naging masaya kaming dalawa... at least I was happy. Hindi naging madali pero kinaya namin, kinaya ko. Tutal wala naman talagang madali sa isang relationship kasi darating at darating ang tao sa point na may hinahanap pa, siguro sapat na para sa isa pero sa iba hindi pa. Akala niyo okay pa, 'yon pala hindi na. Ganoon din siguro ang nangyari sa amin ni Mico. Naging kampante ako masyado na walang pwedeng magbago sa aming dalawa kasi ang tagal na namin. Akala ko kasi all this time okay kami, masaya kami at sapat na 'yon. Hindi na pala. Ang dami ko pa pala talagang kailangang matutunan.

Humiga ako sa kama at nag-check ng Facebook. Tiningnan ko ang profile ni Mico. Napansin ko 'yong picture na naka-tag sa kanya. Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan, "Bakit parang ang saya-saya mo nang wala ako?" naiyak ako sa thought na 'yon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tiningnan parin 'yong ibang pictures. I saw familiar faces, friends that used to be my friends too.

"Hindi lang naman ako 'yong nawalan, nawalan rin naman siya ng girlfriend pero... bakit parang ako lang 'yong nasasaktan?" napabuntong hininga ako. Tinabi ko na ang cellphone ko para hindi ko na masyadong saktan ang aking sarili sa mga nakikita ko. I never felt so alone.

Mga ilang minuto ang nakalipas at dumating na si Anj. Agad siyang dumiretso sa kwarto ko at napansin niya ang mga namumugtong mga mata ko. Niyakap niya ako and I hugged her back at naiyak muli.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Ang bilis kasi ng mga pangyayari," I said with a shaking voice. "Ang kapal ng mukha niya, Anj. Ang kapal, kapal ng mukha niyang gawin sa'kin 'yon. Tapos siya pa 'yong may karapatang humingi ng time at space sa akin? Naguguluhan daw kasi siya." hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak. Naaalala ko na naman 'yong gabing 'yon.

"Ipaintindi mo sa akin please lang," nasa mukha ni Anj na naguguluhan siya sa sinabi ko. "Ano, gusto niya maging astronaut, ganun? Time daw ba? E 'di sana binilhan mo ng relo! Ano ba talaga ang nangyari bakit hindi mo masabi?"

I shook my head, "Hindi ko ko alam. Ang labo."

I lied. Klarong klaro sa akin ang mga nangyari noong araw na 'yon. Sinabi niya sa akin ang naging dahilan at kung ano talaga ang nangyari. Masyadong mabigat lang talagang tanggapin. Aminado naman ako na nag-aaway kami. Like any other relationships, we've had our ups and downs. Our relationship wasn't perfect. Hindi ko lang talaga ma-figure out kung saan ako nagkulang. Saan ba ako nagkamali?

Memory Lane by SGwannaBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon