Top 17. Cancelled?

33 0 1
                                    

Tricia P.O.V.

Today is my wedding day. Tutupadin ko na ang pangako ko kay Mommy at Daddy.

Napatingin ako sa langit. Sana masaya na sina mommy at daddy sa langit. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

Nagsisimula na silang ayusan ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapagiti na mapait. Hindi kase ako sigurado kung seryoso ba si Zylon na pakasalan ako. Ang pagkakalalam ko kase. Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.

Malapit ng matapos ang pag aayos sa akin ng pumasok si Prince.

"Ah. Princess, uhm. Paano ba? Ah... Ano?.."-Prince

Ano ba ang sasabihin niya bakit siya kinakabahan?

" Bakit Kuya?"-nakangiti kong tanong sa kanya

"Uhm.. Ano e. Ah. Sabi kase... Ni tita ano... Uhm.... Kase naman bakit kase ako ang nautusan."-Prince

" ano ba kase yun kuya?"-Ako
Para kasi siyang Ewan na nauutal.

"Cancel daw ang kasal niyo"-Prince

Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Cancelled na yung kasal? Pero.... Ngayon na niya makikita ang tunay na ako.

Napayuko ako sa narinig ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumunghay din ako. Nakatayo padin si Prince doon. Halata ang pag aalala niya..

Nginitian ko siya bago sumagot
" a-ah Sige"-Ako
Hindi ko alam kung  naiiyak ako.

Tiningnan niya lamang ako at hinila patayo. Niyakap niya ako.

"Ice cream tayo?"-Prince
Alam niya talaga ang gagawin kapag malungkot ako.

" Sige"-Nginitian ko siya at Nagtanggal muna ako ng make up gown at ibinalik ang nerd disguise ko.

Umalis na kami pagkatapos ko.

Zylon P.O.V.

Hindi ko mapigilang magalit sa Mga naririnig ko mula sa Kaibigan kong si Steve.

"Wala akong kinalaman dito kaya wag mo akong idamay sa galit mo!"-medyo naiinis niyang sabi sabay alis.

" Urghhh!!!"-Ako

Itinapon ko ang vase na nakita ko. Nandito ako ngayon sa condo ko. Binasag ko lahat ng nakita ko. Paano na ako makakaganti ngayon?! Mahihirapan na ako nito.

PAANONG NANGYARING NA-CANCEL ANG KASAL?

Lucas P.O.V.
Sana naaalala mo ako. Bakit hindi mo na ako nakikilala?

Flashback
Mama I want that toy car-Ako
Sige. Baby, just wait here-Mama

Iniwan muna ako ni mama sa isang bench sa isang mall. Kasama ng ibang pinamili namin. Masyado kase itong madami.
Umiyak ako pagkaalis ni mama. Basta na lang niya kase akong iniwan.

Hello-batang babae
Ang cute niya. Mukha siyang angel.

Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko na lang ang pinuntahan ni mama.

Sumimangot siya. Ang cute niya talaga. Napangiti na lang ako. Ibinigay niya saken yung isang teddy bear na hawak niya na kulay blue. Dalawa kase yung hawak niya yung isa Ay kulay pink.

Sayo na lang to ah. Meron na kase ako e. Wag ka ng umiyak- siya

Kinuha ko yung binigay niyang teddy bear. Nginitian ko siya at nginitian niya din ako.

Narinig naming hinahanap na siya ng mommy niya. Kaya noong nakita niya ay hinila na niya ito. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

Pero sumigaw siya.
My name is Tricia-Siya

Sumigaw din ako pabalik.
Lucas-ako

Hindi ko alam kung narinig niya yun. Tiningnan ko uli yung ibinigay niyang Teddy bear at niyakap.

Bumalik na si mama dala yung toy car na itinuro ko. Tinanong niya kung saan galing ang teddybear na hawak ko pero nginitian ko lang siya.

End of flashback

Nahiga ako sa kama ko habang inaalaa yung pangyayaring yun.

Palagi kong katabi matulog ang teddy bear na binigay niya. Niyakap kong muli si Tric (pangalan ng teddy bear niya) .

Kasal na nila ngayon. Magkakaasawa na siya. Ang sakit lang.

Paano ko nalaman? Sa parents ni Zylon. Hindi ko sinasadyang narinig ang usapan nila.

Kinuha ko ang CP ko sa side table at may tinawagan. Agad namang nitong sinagot ang tawag ko.

"Hello. Gumawa ka ng kahit anong paraan para hindi matuloy ang kasal nila"-  sabi ko sabay patay ng tawag.

Tricia sana mapatawad mo ako. I only did this because i love you.

Teen Top "She's In Disguise"Where stories live. Discover now