Magpout Ka Nga! (One-Shot)

154K 2.7K 451
                                    

Dedicated kay ate dahil napakaganda ng kanyang mga one-shots! Idol po kita! teehee! Pagpasensyahan niyo na lang po tong nagawa ko. Sana po magustuahn ninyo! laloves po!

---

Nandito kami ngayon ng barkada ko sa garden sa likod ng school namin. Ito na ang ginawa naming official tambayan since wala rin namang masyadong nagpupunta dito. Aside from its creepy ambience, medyo tago din siya at kaunti lang ang nakakaalam ng existence ng garden na ito. Friday ngayon, kaya maaga ang uwian namin dahil magkakaroon pa ng meeting yung mga teachers namin. Naisipan naming magpicnic dito dahil maganda ang panahon, hindi masyadong maaraw. Favorite spot namin yung silong ng acacia. Inilatag na nga nina Jill at Yuki yung picnic mat, habang sina Rence at Gabby naman, inihahanda na yung food. Ako naman, nakatayo lang habang kinukuhanan sila ng picture. Haha! Ang hirap ng gawain ko noh? Gruwabeh! Pagod much akez.

"Hoy Sha, tumulong ka kaya dito? Picture ka nang picture diyan! Oh, timplahan mo yung juice!" sigaw ni Yuki sabay bato nung tumbler at isang pakete ng orange juice. Buti na lang at isa akong catcher. Nagmake face lang ako sa kanya at tinimplahan yung juice. Nagpatuloy ako sa pagpipicture sa kanila. Grabeh naman tong apat na to, PDA much. Ano yun? Plano nilang mang-inggit ganuon? Naupo lang ako dun sa mat at sumandal dun sa puno. Ang hangin! Sarap matulog! Nagba-browse lang ako ng pictures nang kalbitin ako ni Rence. "Don't touch me! Kadiri ka!"

Umiling lang si Rence habang nagpipigil ako ng tawa. "Umatake na naman yang kaabnoyan mo, Sha. Paano ka magugustuhan ni Mikko nyan kung oras-oras, nagiging imba ka?!" sabi ni Rence saka ginulo yung buhok ko. Naman eh! Pag badtrip kasi ako, nagiging weirdo ako, nagsusungit o kaya naman ay nagmomonologue. Yeah, paano naman kaya ako magugustuhan ni Mikko, kung ganito ako? Binatukan ko si Rence, at kinutusan iyong tatlo. Damay-damay na to noh.

"Uy Sha, bakit naman kami nadamay dyan?!" sabay na sigaw nung tatlo. Tumawa lang ako at muling kumuha ng litrato. Plano talaga nila akong inggitin eh. Pasalamat sila, si Sha ako, dahil kung hindi, wala lang. Nakita kong tumingin si Yuki sa wristwatch niya. "Ang tagal naman ni Mikkoy. Nagugutom na ako!"

Lumapit naman sa kanya si Rence at binigyan siya ng back hug. "Don't worry bebs, hindi natin siya pakakainin since ginugutom niya tayo ngayon." Ngumiti lang si Yuki at niyakap na din si Rence. Tong mga to talaga.

"Hoy Sha, asan na ba yung honey mo? Papatayin ba kami nun sa gutom?" tanong ni Jill habang nakacross arms. Bakit ba nila tinatanong sa akin kung nasaan yung mikrobyong yun? Eh wala ngang ginawa sa akin yun kundi isnabin ako eh. Ano sa tingin nila, close kami? Ang sunget kaya nun, pero crush ko pa rin siya. Aish! Nikikilig ako nang wala sa lugar. Sinimangutan ko lang si Jill at muling nagbrowse dun sa DSLR ko. May mga stolen shots din kasi dito si Mikko eh. Kaya never ko pa itong pinahiram kahit kanino. Dun sa apat lang. Well, hindi ko rin pinahiram sa kanila noh, basta na lang kasi nilang nikukuha eh. "Malay ko. Close ba kami nung masungit na yun?"

"Aysows! Crushie mo nga deva? Ayieh!!" pang-aasar ni Yuki. Hindi ko na kang siya pinansin pero ramdam ko ang pagpula at pag-init ng aking pagmumukha. Itinabi ko muna yung DSLR dun sa bag ni Gabby. Lahat kami, nakasimangot na nang dahil sa gutom. Asan na ba kasi yung Mikko mikrobyong yun? At bakit pa kasi namin sya isinama? Dahil sa kanya, nagrarally na yung mga bulate sa tiyan namin. Nakatulala lang kami habang nakatingin dun sa mga pagkaing nakalatag sa mat. Barbeque, spaghetti at chocolate cake. Anchalap! Nagugutom na akoooo!

"Tss. Late na ba ako?" lahat kami napatingin nang may nagsalita. Waw! Buti na lang hindi pa kami nangisay sa gutom. Naupo lang sya sa gitna namin ni Jill since yun na lang naman yung vacant space. Iisod na sana ako sa tabi ni Jill kaso sinamaan niya ako nang tingin kaya nanatili na lang ako dun sa pwesto ko. If I know, may lihim na pagtingin si Mikko kay Jill eh. Haba ng hair ng bruha! May Gabby na nga, may Mikko pa.

Magpout Ka Nga! (One-Shot)Where stories live. Discover now