chapter 2: Plans

866 57 1
                                    

Kyle's POV

Continuation..

Agad na naglakihan ang mga mata ko.. I mean mga mata namin..

"Oh.. by the way.. magsasama na nga pala kayong dalawa sa iisang bubong sa makalawa.." nakangiting sabi ni Mr. Roberts..

"WHAT?!! Dad! No!" Sigaw ni Jasmine..

Tama nga ang hinala ko sa kanya.. maldita at mataray nga ang isang ito.. hayst.. sayang pa naman at una palang bagsak na sya sa mga taste ko..

Napalumbaba na lamang ako habang nakatingin ng masungit kay dad..

"Dad wala sa mga pinag usapan natin ang patirahin kami sa iisang bahay.. and seriously?! Sa makawala na agad? Hindi ba pwedeng pagkatapos nalang ng kasal?" Sabi ko kay dad..

"Kasama na iyon son sa mga pinag usapan natin.. dalawang linggo nalang naman eh at ikakasal na kayo---" di ko na pinatapos pa ang sinabi ni dad at agad na akong napatayo saka napa sigaw ng..

"LIKE WHAT?!!" Teka.. parang may kasabay akong sumigaw?

Napatingin ako sa katabi ko.. nakatayo rin sya at mga naka yukom na ang mga kamay nito habang matalim na nakatingin sa daddy nya..

"Dont raise your voices.." matalim kaming tiningnan ni daddy kaya napa upo na kami..

"Tama kayo ng rinig.. ikakasal na kayo pagkaraan ng dalawang linggo.. ayos na lahat mga sukat nalang ng mga susuutin nyo.. lahat ito ay naayon na sa plano" nakangiting sabi ni Mr. Roberts..

"Ano yun? Wala man lang engagement party?" Tanong nitong katabi ko.. abat! Kelangan nya pa nun?

"Oh.. about sa engagement yun yung mangyayare sa isang linggo kaya na move yung kasal nyo sa ikalawang linggo.. kaya mag ready kayong dalawa huh?" Sabi ni dad..

Napa poker face nalang ako sa mga sinabi nya..

"Alam naming mahirap ito sa inyo at alam naming masyadong mabilis para sa inyo ang lahat.. pero sana malamang nyong para sa inyo rin naman ito.." sabi pa ni Mr. Roberts..

"Tumatanda na kayong dalawa.. isang taon nalang at ga graduate na kayo sa college.. at alam nyo namang nasa history na natin ang pag aasawa sa di mo kakilala.. sana maintindihan nyong inuuna lang namin ang future nyo.." sabi ni dad..

Napatingin ako sa babaeng katabi ko.. kanina ko pa sya tinitingnan kasi naguguluhan ako sa mga post at pictures nya sa facebook at instagram..

Lahat doon parang ang jolly jolly nya.. palagi syang nakangiti.. tapos tumatawa pa sya..

Then suddenly bigla nalang ganito? Bakit parang ang cold at ang sungit ng dating nya sa akin?

Nakita ko ring tumingin sya sa akin..

"What?" Mataray nyang tanong sa akin..

Napa iwas na lamang ako at tumingin nalang rin uli kay dad..

"Ahm.. dad ano po ba talaga yung mga plano nyo?" Tanong ko sa kanila..

Napatingin din naman sa kanya si Jasmine at hinintay na magsalita si Dad..

Huminga sya ng malalim saka tumingin sa amin..

"pinapadali namin ang lahat ng dahil sa ayaw namin na malugi ang kumpanya.. naiintindihan nyo ba? Kayo lang ang magiging tagapagmana ng Ang Xiu Corp. At Fernandez Companies.. one day.. pumunta sa company natin ang CEO ng TeleCom. Gusto nyang ipakasal ka Jasmine sa anak nya.. at dahil sa gusto kong isalba ang kumpanya natin kesa sa ipakasal ka sa anak nya.. sinabi ko na ikakasal ka sa anak ng mga Fernandez.. kay Kyle.." sabi ni Mr. Roberts..

Mission: Searching My Miss RightWhere stories live. Discover now