Sparkle Academy 01:The Beggining

400 10 0
                                    

Name:
Knight Dark Lewis
Age:
18
Gender:
Male
Rank:
Maximum
Power:
Ice and Water

Jillien's Pov

Maaga akong gumising para maihanda yung almusal nila tita.

Naghahanda na ako ng kape nila ng biglang may sumigaw.

"Iyen!! Handa na ba ang almusal?!" naku ayan na gising na ang halimaw.

"Opo tita! Baba na po kayo!" sabi ko.

Kahit naman nakakainis yang sila tita at tito mabait parin ako sakanila.

Syempre sila ung nagpapatira at nagpapakain sakin.

Pati nangaalipusta nga lang.

"Gisingin mo na nga si Georgia!!" aray ansakit sa tenga,kung makasigaw naman si tita ohh.

"Opo tita!" sabi ko pero medyo malakas na.

Inayos ko muna yung pagkain nila bago umakyat.

"*PAKK!!!*Ano ba ang tanga tanga naman nito ehh!! Tawagin mo kako muna si Gia!!"

Hindi ko nalang pinansin yung pagkakabatok nya sakin kahit mangiyak ngiyak na ako saka kahit masakit saka kahit gulo na ang buhok ko umakyat nalang ako.

"G-gia! Kakain na d-daw!" katok na ako ng katok pero walang nagbubukas.

Haist,pumasok na lang ako at laking gulat ko nung.

*BOGG!!*

Aray..huhu ang pwet ko!

Masakit..

"Pfft hahaha tatanga tanga kase ehh!" nakita ko si Georgia na nakabihis na at nagpupulbo nalang.

Grr pulbo...ayan...pulbo ang dahilan kung bakit ako nadulas.

"Ohh ano,di ka na tatayo dyan?"-Gia

"Tatayo po SENYORITA!" sabi ko nalang saka bumaba na.

"Ohh asan na si Georgia?" ayan si tito na ang nagtanong.

"Pababa na daw ho." sabi ko saka ngumiwi at hinaplos ang balakang ko.

Aray...naku po!

Hinimas ko muna ng hinimas dahil sobrang sakit talaga.

Ara---

O_O

"Bakit ano bang nangyari dito?"

*PAKK*

Nagulat nalang ako nung hindi ko sinasadyang masampal si tito.

Ehh kasi naman sya ehh,bakit kasi sya nanghihimas ng balakang.

Galit syang tumingin sa akin.

"S-sorry po tito." nakayukong patawad ko.

"Pag katapos ka namin patirahin at pakainin iyan pa igaganti mo!! Simula mamayang gabi ayaw ko nang makita yang pagmumukha mo sa bahay na ito!!" sigaw nya saka padabog na ihinampas ang hawak nyang dyaryo sa lamesa.

Naiyak na ako ng tuluyan..

Wala na...

Wala na lahat...

Nakakalungkot lang kasi lahat nalang kinaaayawan ako.

Nagpahinga nalang ako buong maghapon...

Nakakapagod na din kasi,kaya ok lang siguro yan.

Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at yung kahon na ilang taon ko nang hindi pa binubuksan.

Siguro oras na para makita ko kung anong laman nito

Binuksan ko na iyon.

Music box lang ang nakita ko saka kwintas na color purple na may 18 na small gems saka may 7 na malalaking bato sa gitna...sobrang liliit nung 18 na small gems...ni hindi ko nga maintindihan kung paano ko yun nabilang ehh...tapos ung pitong bato sa gitna may color white na ang design ay parang linya na paikot,blue na ang design nya is snowflake at butil naman ng tubig sa may gilid nito,red orange na may design na apoy sa gitna at araw sa may gilid nito,at gray na may design ng ulap at kidlat,mayroon ding color half green and half brown ang design nya naman ay puno,at meron ding transparent yung gilid nya pero parang may design sya na shield sa gitna at lastly may purple sya na hindi ko alam kung paano ipaliwanag dahil nagiiba ang kulay nito at may sand timer sa gitna.

Teka parang nakita ko na ito ahh...

Yung Birthmark ko!!

Oo tama!!

Yung birthmark ko sa may upper left part ng likod ko...

Pero may nakaukit din SWLRP sa may likod ko ehh,sa ibaba ng birthmark ko sya nakaukit...

Saka sa tela na parang lampin na ibinigay sa akin ni tita,sabi nya nung napulot nila ako nakabalabal iyon sa akin.

Naku asan na kaya yung tela na yun.

Hinanap ko sya sa buong kwarto ko at laking tuwa ko nung makita ko sya sa may ilalim ng kama ko.

Pero may nakaburda doon...

Pangalan...

Lianna Iany Articeder

Sino ito?

Hindi naman ako yan ehh.

Baka hindi sakin to..

Pero kapaherong kapareho nung birthmark ko ehh kaya akin to...

Bahala na...inayos ko na ang mga gamit ko pero hindi ko nilagay sa bag ung tela...inilagay ko lang iyon sa bulsa ko...tapos isinuot ko yung kwintas...tas itinago ko naman sa mini bag ko yung music box...ito lang ang mga clue ko para makilala ang pagka tao ko..


~James...

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~


(づ ̄ ³ ̄)づ

Sparkle AcademyWhere stories live. Discover now