Chapter 1 : The day I met her

212 5 5
                                    

*Shanille De Guzman's POV*

"Wait lang! Wow! Magic ba toh? Instant Makeover?! "

"Hello! Are you ok ?"  Wait ano toh? Double Ganger?!

HUWAATT!  O.O

Infairness mas maganda siya!

TEKA!

"UUWWAAAAAA!! Sino ka? Bat ako nandito?"

Natauhan nalang ako ng makita kong nasa puting kwarto na ako at may babaeng kahawig ko pero mas maganda siya.Feeler ako eh sensya na *u*

"Miss, you're in the hospital"

Nanlaki ang mga mata ko.

Huh? Ano daw? Hospital?

"Wait lng ba't ako nandito? "

Naguguluhan na sabi ko.

Hinila ng babae yung lalaking nasa likod nya na mukhang takot na takot.

"Miss nabundol ko po kasi kayo, pasensya na po talaga."

Mukha nmang pinagsisisihan nya yun ,

naka uniform sya and he looks like a driver . I guess Family driver siya.

"Hala! Wala akong pera! Wala akong pambayad dito! Itakas niyo ako bilis! "

Patay! Walang wala ako ngayon ni benteng gusot !Baka maghugas ako ng mga pasyente dito.Eh kasi diba pag hindi ka makapagbayad sa restaurants maghuhugas ka ng plates, baka dito pasyente O.O

Kaya kailangan ko tumakas no choice kesa naman sa maghugas ako ng pasyente :'<

"Teka!"

*LINGON*  *IKOT ANG MATA* *LINGON*

"Cherry Blossom Hospital ba toh!? Wow! Ang pinaka kilalang hospital sa Pilipinas!WAHHH!Private toh diba? Wala akong pambayad! "

Napasigaw nlang ako ng dahil sa tuwa nang malaman ko na nakapasok na ako sa pinakasikat na hospital dito sa pilipinas bukod kasi sa comfortable na yung mga rooms eh may souvenir ka pa. Kaso napaka mahal as in super mahal ng bills dito :'<

"Miss, Dontcha worry I will pay your hospital bills"

Nakahinga ako ng super duper ultra mega luwag nang sabihin nya yun. Aba dapat lng na sila sumagot ng bills ko dito noh! Sila kaya ang dahilan kung bat ako nandito! DUH!

Pero bakit ganun kahawig nya yung minake over na ako?

Siguro naguguluhan kayo kung paano ko nalaman na kahawig nya ako pag minake over.

Ganito kasi yun .

Magulo talaga ako kaya ayun naging magulo

Pero syempre sa totoo lng habang lumalaki, lumalandi

I mean habang tumatagal nacu-curious tayo sa physical appearance natin  (uii! aminin! *u*)

Kaya everytime na nag de-daydream ako na iimagine ko yung possible na itsura ko pag minake over ako merong kamukha ni Dora, meron ding kamukha ni Barney, meron ding kamukha ni Spongebob at last but not the least kamukha niya.

Inaamin ko pinangarap ko na maging kamukha niya.

Pero pangarap lng yun.*u*

Landi ko noh? xD Pero mineral na daw yun sa mga teenagers like me *u*

(Author's singit notes: Mineral means Natural xD)

"Hello?Miss? Wazzup!"

Ayy! Oo nga pala naaliw kasi akong makipag chismisan sa inyo eh.

nagmukha tuloy akong ewan dito

"Uhh! I'm Fine? "

At umiwas ako ng tingin sa kanya nakakahiya kasi eh! : /

"BTW, I'm Jessy , Jessy Villien nice to meet you!"

kinuha nya yung kamay ko then nakipag-handshake sya sakin.

Ang lambot ng kamay nya huh! Halatang anak mayaman!

"And I'm Shanille De Guzman"

Sabay bawi ko ng kamay ko. Mahirap na baka madumihan kamay niya mahawa pa sya ng ka pangitan ko wala akong pangamot.

"Know what? You looks very familiar. "

Ehh? Familiar? Very familiar? eh hindi ko pa nga sya nakikita eh!

" Sorry miss pero never pa kitang nakita before, ngayon lng tayo nagkita eh . So, Pwede na ba akong umuwi? "

Straight to the point na ako para makauwi na ako kaagad.

Naiinip na ako dito eh.

"Oh!Really? Your face looks very familiar kasi eh but I didn't remember where did i see that beautiful face and oh! the doctor said you can go home this afternoon."

Buti nman kanina ko pa gustong umalis dito eh . Dami pang satsat eh beautiful? Yuck! kelan pa? baka bukas? xD

"And I'm glad to know that you've got only minor injuries."

Tuwang-tuwa nyang sabi.

Nagka-injury na nga ako natuwa ka pa? Epal lng ah!

"Oh! I see.Hindi naman rin masakit eh"

Sabay smile!Pilit pa!

Plastic na kung plastic pero tao parin ako.

"Shanille!Shanille right? I need to go bye! Next time be careful! Alway take care of yourself!"

Salamat naman! sa wakas aalis na rin sya! yipee! Kung makasabi nman sya parang pabaya na ako!

Kala mo nman nanay ko sya! Pero kahit konti naappreciate ko yun .

palabas na sila nang biglang

"Oh! Wait! Can I got your number?"

Nilabas nya yung cellphone nya at nagsimulang mag type

Nice! ang ganda ng cellphone nya pang mayaman talaga

Sorry! kinagat my number eh.

"Sorry! Wala kasi akong cellphone eh "

Sa totoo lng meron tlaga ako.

Ayoko lng talaga ibigay pag emergency purposes lng yun eh .

Hindi yun para sa textmates or something.

"Hmm,If you don't have cellphone, what do call on that thing besides you ? And look! Someone is calling! "

Tinuro nya yung cellphone ko na lumabas sa pocket ko at nagriring dahil tumatawag si ate Aya.

(Author's Note: Yipee nagawa ko na rin ang chapter 1 pero may 1.2 pa yan inde ko pa natatapos eh :3 Sana magustuhan nyo kahit corny ^_^ Salamat sa mga bumasa sa story ko ahoho! medyo magulo pa ang nangyayari pero maliliwanagan din kayo! xD Just keep on reading.Pasensya na sa mga typo errors ! Vote and comment nman kayo please? Again thank you very much readers! )

She is METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon