REHAS na PAG-IBIG

10.5K 213 6
                                    

KANANATA 19

SA taranta ni Mrs Madrigal, napasigaw siya ng malakas.

"Dok! Dok!...ano ang nangyari sa anak ko? Bakit hindi niya ako nakikilala." malakas niyang tawag.

Nagsidatingan naman kaagad ang ilang nurses, kasama si Doktora Salonga.

"Bakit Mrs, ano ho'ng problem...?bakit ka sumisigaw?" tanong ng doktora.

"Nagkamalay na siya, pe-pero hindi niya ako nakikilala." anang ginang na tuluyan ng lumaglalag ang luha sa pag-aala-ala sa anak

"Ang drama mo...ano ba, nasaan na ang pinatatawag ko sa'yo? Si Angela ang kailangan ko, hindi sila." malakas na sambit ni Jaspher ng makita ang dumating.

Lumapit naman si Doktora Salonga para i-check ang sitwasyon ng pasyenti. At sa tingin niya...okay naman lahat ng vital signs, maliban nalang sa pagkawala ng memory niyon.

"At ikaw, sino ka naman. Pwede bang alisin mo itong nakakabit sa braso ko. Nahihirapan akong kumilos." wika ni Jaspher sa Doktora,

"Sir, please, calm down. Narito ka sa hospital ngayon dahil may hindi magandang nangyari sa'yo. Ako ang doctor na gumagamot sa'yo." paliwanag ni Doktora Salonga.

"Iho, tama siya...at ako naman ang Mommy mo, anak kita. Hindi mo ba ako natatandaan?" singit ng Ginang.

Pansamantala ay tumahimik si Jaspher. Pilit inaalala ang sinabi sa kaniya. Ngunit sumasakit lang ang ulo niya dahil wala siyang matandaan.

"Hindi ko kayo kilala... Si Angela lang ang kilala ko, ang mahal ko! Ang girlfriend ko! Please, dalahin n'yo siya dito sa'kin, gusto ko siya'ng makita at mayakap. Gusto ko'ng humingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko...please...." pagsusumamo ng binata habang nagwawala.

Dahil do'n ay naipasya ng doktora na pansamantala munang turukan ng pampatulog ang pasyenti upang sa gayon ay kumalma muna sandali.

"Dok, bakit ganyan ang nangyari sa kaniya? Gusto ko'ng ipaliwanag mo sa akin ang lahat. At bakit si Angela pa ang naaala-ala niya, ang babaeng dahilan kung bakit siya muntik ng mamatay." wika ni Mrs Madrigal.

"Mrs, bigyan mo muna ako ng 15minutes upang pag-aralan ito. Maya maya lang ay sasabihin ko rin sa iyo kung ano'ng sanhi at bunga nang nangyaring ito sa anak mo." pahayag ng doktora.

"Sige ho dok, maghihintay ako..." sagot ng Ginang.

Ilan sandali pa'y mag-isa nalang na nakabantay ang Ginang sa silid na iyon, habang pinagmamasdan ang binata ay nakararamdam siya ng takot sa posibleng mangyari.

"Jaspher, anak, gagaling ka at babalik din sa normal ang lahat. At ang Angela na 'yon, siya ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan...magbabayad siya." usal ng Ginang.

____

ISANG sulat naman ang natanggap ni Angela nang araw na iyon, na halos kararating din lang nila sa bahay, matapos makalabas ng hospital.

"Ano naman kaya 'to?" tanong sa isip niya ng makita ang sobre sa harapan ng pintuan ng bahay, pinulot iyon bago pumasok sa loob.

"Anak,magpahinga ka muna ha, magluluto lang ako ng pagkain natin." wika ni Susan ng mailapag ang mga dala-dalahan.

"Sige po 'Nay." tugon ng dalaga.

Napansin naman ni Mang Nardo ang sobreng puti na binubuksan ng anak.

"Angela, ano 'yan?" tanong niyon.

" Itay, hindi ko rin alam... Siguro sulat na iniwan nalang ng kartero sa harapan ng bahay natin ng mapansing walang tao dito." wika ng dalaga habang binubuksan iyon.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGWhere stories live. Discover now