Episode 1 : New Home,New Friends

67 24 0
                                    

Eli's POV

Paano ko ba makakalimutan ang pangako ng taong pinakamahalaga sa aking buhay?

Si Jeffrey Lopez, kababata ko sya mula elementary hanggang high school. Nung freshman pa lang kami ay true love na ang nararamdaman ko para kay Jeff at alam kong ganun din sya sa'kin.

Alam nyo ba kung bakit?

....simpleng lang pag may problema ako nanjan sya lagi sa tabi ko, nung mga bata pa lang kami super caring and understanding na sya sa'kin.

Para sa'kin sya ang guardian angel ko at sya lang ang tanging lalaking mamahalin ko habang- buhay...


Flashback...

Bagong lipat lang kami dito Bulacan. Matagal na ito (House & Lot) nabili ng Daddy ko sa isa sa mga friend niya nung college nagmigrate sa States.

Bungaloow ang style ng new house namin. Pina-renovate nya ito at nilagyan ng design para sa'min ni Mommy. May malaking hardin at puno ng mga bulaklak.

Bakasyon yun' kaya sakto sa pasukan Grade 4 na ko at magtatransfer sa malapit na school. Nung naayos na ang lahat ng mga gamit namin nagpa Welcome Party si Mommy at Daddy inimbitahan niya lahat ng mga neighborhood sa bahay at iba malapit na kaibigan nila.

Ako naman nakipaglaro sa mga bata. Nakilala ko sina Trina,Mickey,Kiko, Moy2x at Jeff.Naglalaro kami ng piko,tumbang preso, agawan-base, chinese garter,jackstone at iba pang nakakatuwang laro.

Sila ung nagturo sa'kin lahat yan kasi hindi naman ako naglalaro sa labas puro books ang laging binabasa ko or manood lang ng cartoons sa t.v.

Laging wala mga parents ko busy lagi sa work nila. Si Daddy isang doktor at
si Mommy;manager ng isang sikat na Hotel & Restaurant dito sa Pilipinas.

Kaya mga katulong lang namin sa bahay ang lagi kong kasama sina Nanay Cora (ang longest maid) at napakasarap magluto, Ate Julie (ang chikadora) nakatoka sa paglalaba at paglilinis sa bahay at Ate Len2x (yaya ko siya since birth) at nakatoka sa pagpaplantsa sa mga damit.

Kaya laking tuwa ni Ate Len2x na lumipat kami dito kasi taga-rito sya at pinsan nya ang isa sa mga kalaro ko.

Kahit busy sila Mommy at Daddy lagi pa rin nila ako pinapasaya dahil napakabait nila sa'kin at mahal na mahal nila ako. Simula nung tumira kami dito masasabi kong marami pa pala ako maeexplore at makikilala.
Kalaro ko lagi mga new friends ko pero dito lang sa labas ng bahay namin.

Isang araw niyaya nila ako sa ibang lugar maglaro malapit sa puno ng mangga.

Kiko: "Eli, sama ka samin maglaro jan lang sa kabilang kanto malapit lang!"

Eli: "Ayaw niyo na ba dito sa bahay? alam niyo naman magagalit ang parents ko sakin at hindi din ako papayagang palabasin sa labas"

Kiko: "Saglit lang tayo may ipapakita ako sayo at matutuwa ka."

Napaisip ako pero sa bandang huli sumama ako kahit alam kong magagalit sila Mommy at Daddy.

Eli : "Wow! ang laki naman ng mangga na'to at maraming bunga ang sarap kumain nito."

Kiko : "Lagi kami dito, kasi napakatamis ng mangga dito
Gusto mo ipagsungkit kita?

Eli : "Talaga! Sige,sige!!!

Trina : "Hoy! Ako din Kiko bigyan mo ha!" (mukhang nakasimangot)

Kiko : "Syempre, ikaw pa makakalimutan kong bigyan?
sa takaw mong 'yan isang plastic bag pa ibibigay ko sa'yo" Hahaha...

The Promise Of LoveWhere stories live. Discover now