Episode 3 : Nutrition Month

49 22 0
                                    


Ang bilis ng mga araw nutrition month na alam naman ninyo kung anung meron don????

Di ba puro kainan ang nandun at syempre isa ako sa mga batang walang makain at malnourished na bata para makalibre.

Yan ang nasa isip ni moy2x habang naglalakad papuntang school.

Mickey: "Nagdeday dream ka na naman?"tanung nito sa kanyang kapatid.

Moy2x: "Hindi ah, inisip ko lang ung report natin mamaya"sabi nito sa kapatid.

Mickey: "Okey"

At malapit na sila sa kanilang room.

Trina: "Hi! Mickey nakapagready na ba kayo sa report mamaya"

Mickey : "Oo naman ewan ko lang dito sa katabi ko kanina pa kasi nagugutom sa panaginip hehe..."

Tumingin si trina at ayun nga tulala at tulo laway pa. Pinalo niya ito ng notebook pero mahina lang para magising.

Trina: "Anu ba naman yan moy2x di ka ba nakakain at tulo laway ka pa kadiri ka naman" inis na sabi nito.

Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang kamay.
Inabutan naman sya ni Eli ng tissue
at tinanggap nito.

Eli: "Ano ba kasi iniisip mo Moy at kanina ka pa wala sa sarili mo"

Moy2x : "Iniisip ko lang ung report mamaya yun lang wag nyo na ko pansinin" sabi nito.

Eli : "Ganun ba eto baka nagugutom ka sayo na lang tong sandwich"
Sabay abot kay moy2x.

Moy2x: "Naku! maraming salamat Eli ang galing naman ng instinct mo."
Papuri nito kay Eli habang kinakain ang sandwich.

Eli : "Mukha ka kasi gutom mahirap yan pag nagreport ka anu na lang sasabihin mo."

Biglang nasamid si moy2x binigyan agad ni mickey ng tubig.

Mickey: "Katakawan kasi hmmp..."

Moy2x: Salamat kapatid at di mo pinabayaan ang pogi mong kuya haha..."

Mickey: "Ewan ko sayo"

Hinanap niya ang katabi at katapat na row wala ang 2 nilang kaibigan.

"Nasan na ung dalawa?" tanung ni Mickey sa mga kaibigan.

"Kanina pa ko dito di ko sila nakitang pumasok" sabi ni Eli.

"Baka nalate lang sila darating din ang mga yun"sabi ni Trina.

Nag bell na saktong kapapasok ng dalawa nilang kaibigan.

"Uy' san kayo galing??"
tanung ni trina sa dalawa.

"Diyan lang kami sa tabi-tabi"
sabi ni Jeff.

"Eh bakit madumi at maalikabok mga uniform nyo"sita ni trina sa dalawa.

"Wala to'naglaro kasi kami ng tumbang preso hehe."sabi ni jeff.

"Ganun ba eh bakit nakasimangot ka Kiko para kang may kaaway sa itsura mo"sabi ni Trina.

Hindi kumibo si Kiko at kinuha na lang ang notebook sa bag.Binaba ang ulo sa desk at tinakpan ang mukha ng notebook.

"Anu problema nun?" tanung ni Trina

"Mahabang kwento mamaya pag break natin i kukwento ko"bulong ni Jeff dito.

Dumating ang adviser nila si Mam Tess sinabi nito ngayong buwan may nutrition month kaya every week may feeding program ang school para maiwasan ang malnourish na bata kaya may free soup sila sa umaga. Nagtuwa ang bata lalo na si Moy2x.
Ang gusto ng kanilang guro may magvolunteer atleast 6 estudyante para magdadala ng tray ng soup bago magstart ang unang klase nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Promise Of LoveWhere stories live. Discover now