Prologue

6.8K 34 3
                                    

When a Man Loves a Woman

Prologue

 

 

 

 

 

 

Gerald’s [POV]

Today, today I bet my life

You have no idea

What I feel inside

Alas dos na ng umaga hindi ko pa rin magawang matulog. Iniisip kita, iniisip ko ang tayong dalawa. Kung alam mo lang, nasasaktan akong hindi pwedeng maging tayo. Na mismong ikaw ang nagsabing hindi pwedeng maging tao.  Naaalala ko pa rin ang nangyari kanina, pangyayaring hindi kailanman mabubura sa aking isipan. Yung mga panahong sinabi mong hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa nararamdaman ko, sa mga ikinikilos ko at sa mga ipinapakita ko sayo. Nasasaktan akong hindi ka naniniwala sa nararamdaman ko, na hindi ka naniniwalang ‘Mahal kita’.

Don't, be afraid to let it show

For you never know

If you let it hide

Pinipilit kong kumbinsihin ang aking sarili na sadyang takot ka lang. Natatakot ka lang ilabas yang nararamdaman mo, yang sinasabi ng puso mo at pagsigaw nito ng pangalan ko.  Natatakot kang mahulog ng husto at hindi na muling makaahon. Natatakot na bandang huli ay walang sasalo sayo at tuluyan nang malulunod. Natatakot kang masaktan muli kung ilalabas mo yang sinisigaw ng puso mo.

I love you, you love me

Take this gift and don't ask why

Cause if you, will let me

I'll take what scares you and hold it deep inside

 

Pero kahit anong gawing mong pagtatago, nararamdaman ko at naririnig ko yang sinasabi puso mo. Hindi ako manhid para hindi ito marinig. Rinig ko ang  patuloy na paghikbi at pagsigaw nito ng pangalan ko. Alam kong mahal na mahal mo ko, sana nga lang ay hayaan mo akong pumasok dyan sa puso mo at kahit ngayon lang ay huwag pakinggan iyang pilit na pagsuyaw ng utak mo. Sana  man lang ay hayaan mo ako. Hayaan mo akong tanggalin iyang takot na nadarama mo, yakapin ka ng mahigpit at paniwalaang ‘Mahal Kita’.

And if you, ask me why,

I'm with you and why I'll never leave

Love will show you everything

 

‘Mahal kita’ . Sana man lang pakinggan mo itong sinasabi ng puso ko at hindi ang sinasabi ng iba. ‘Mahal kita, andito lamang ako at hindi ka kailanman iiwan’. Pagmamahal na hindi ka kailanman ipagpapalit sa iba. Pagmamahal na magpapangiti sa malungkot mong puso. Pagmamahal na ipapakita ang lahat lahat na kahit ang mumunting takot at pag-aalinlangang nagtatago sa kasuluksulukan ng isipan mo ay mawawala ng parang bula. Sana pakinggan mo kong muli, ‘Mahal kita’

 One day,

 when youth is just a memory

I know,

You'll be standing right next to me

‘Mahal kita’ at hindi ako susuko. Umaasa ako sa kung anung meron tayo at hindi ka hahayaang itapon na lamang ito basta basta. Umaasa akong isang araw kasama kang tatanda na kung anuman ang nangyari ngayon ay siyang magiging matamis na memorya na lamang ng kahapon. Mahal kita at hindi ako susuko. Mahal kita at ipaglalaban ko ang kung ano ang meron tayo, na maaaring masakit man ang nangyari ngayon pero bukas o sa susunod na mga araw, alam kong magiging maayos ang lahat.

 I love you, you love me

 Take this gift and don't ask why

Cause if you, will let me

 I'll take what scares you and hold it deep inside

And if you, ask me why

I'm with you and why I'll never leave

My love will show you everything

My love will show you every - thing, thing,

My love will show you, everything

Our love will show us everything ...

_______________________________________________________________________________

AUTHOR’ S NOTE: Prologue lamang po muna, hindi pa kasi sure kung itutuloy ko talaga hanggang dulo. Ano sa tingin niyo? I need some reviews and comments. Thanks:)))

#When a Man Loves a WomanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ