C H A P T E R 1

11 0 0
                                    

"Basta Tabula Rasa, si John Locke yan. Tapos si Rene Descartes ay 'yong nativism. Kay Sigmund Freud is, uhm. Ano nga ba yun ulit?! Ugh!" Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang stress, kanina pa akong nagsasaulo ng mga salita dahil exam namin bukas, major pa talaga. Ugh.

I'm so doomed. Myatay na, bakit ngayon pa di gumana utak ko? Naiinis na ako ha! Napabuntong-hininga at sumandig sa upuan na inuupuan ko.

"Baby, kaya to ni mommy. Right?" Asking my baby while cupping his face pero wala akong natanggap na sagot at naisnoban niya pa ako. Putekteng 'tong aso na to buti nalang mahal ko. Akala niyo may anak ako nu? For Freud's sake, 17 palang ako.

Hinawakan ko nalang ang aking kwintas at tiningnan to. Isang amethyst stone, ang ganda ng pinagsamahang na kulay ng pendant ko. Light pink and a dark violet color. Regalo to sakin ng aking yumaong ina, ito ang tagapagbigay ng lakas sakin tuwing nawawalan ako ng pag-asa.

"Ma, patulong naman oh. Kinakaya ko naman ang lahat para satin e. Miss ko na po kayo, kung bakit niyo naman po kasi ako iniwan agad. Sana kayanin ko to." Pahikbi-hikbi kong saad.

Naaalala ko yung mga hirap na pinagdaanan ko, wala naman sakin 'yon kasi lahat ng ginagawa ko ay para sa mama ko.

Napayakap nalang ako sa'king aso na si Amateyo, isa siyang shi tzu ngunit ang mga mata nito ay kulay pink at violet. Sa kanan ang pink at sa kaliwa naman ay violet. Di naman ako nagtataka dahil ang mga mata ko rin ay katulad saking aso. Siya ang guardian ko, simula nang mawala ang aking ina ay alam ko na kung ano ako, kami.

Di kami normal, mortal o kung sabihin ay mga tao. Binuhay ako ni mama katulad sa mga mortal ngunit di ko parin maiaalis saking sarili na ito ang tunay na ako.

"Napapagod ka na ba talaga?" Isang baritonong boses ang aking narinig ngunit di ko siya nakikita.

"Opo pero kaya ko pa naman e, malungkot lang po ako. Magpakita ka na, di ako takot. Alam kong katulad mo ako." Pagkasabi ko 'non ay biglang nagkaroon ng kulay asul na liwang sa aking harapan at bumuo ito nang isang gwapong lalaki at nabighani ako sakanyang mga mata. Ginto e, ginto na parang may glitters. Ganoon.

"Ang bilis mo namang makaramdam, is your power an element? Ah, maybe earth?" Sabi niyang nakangisi. Tumango naman ako sakanya, there's no point on denying it. Magaan ang pakiramdam ko sakanya kaya naman nasabi kong makakapagtiwalaan siya.

Gaya ng isang earth holder nararamdaman ako ang mga bagay saking paligid, dahil iyon naman talaga ang kakayahan namin at bukod 'non ay alam ko kung sino ang mga mababait at hindi. Kaya kampante ako sa paligid ko.

"Ano nga po ang sadya niyo rito at ano po ang pangalan niyo?" Tanong ko sakanya at mistulang nagteleport ito saking tabi. 

"Archery Cyanite Sinorre, Milady Claire Amethyst Walt." Nginitian niya ako at hinalik ang aking kanang kamay. Gulat ang makikita saking mata, alam kong may kapangyarihan siya pero diba ang dami namin at imposible namang maalala niya pa ang pangalan ko.

"Hahahahaha! Kasi naman bukod kay Amateyo, isa rin ako sa guardian mong mala-tao ang formation. Lahat kasi ng mga katulad niyo ay may guardian na ainmhithe at cumhachtach. Kumunot naman ang aking noo dahil di ko na maintindihan ang sinasabi niya.

"Ganito kasi 'yon. Alam mong may kapangyarihan ka, and since you're an element holder you should have two guardians. Ainmhithe are the animal-kind of guardian, and obviously I'm your second guardian. Cumhachtach ang tawag satin dahil ay malalakas tayo, may kakaibang kapangyarihan. May dalawang uri tayo ang powerful at ang powerless. Ang powerful ay ang mga katulad natin na may kapangyarihan parin, tayo ang nagsisilbing proteksyon ng mga kalahi natin. Ang mga powerless naman ay tulad natin ngunit wala silang kapangyarihan at dahil 'yon sa pangyayari dati." Tumigil siya sa pagsasalita niya ang kanyang maamong mukha kanina ay biglang sumeryoso at ngumingitngit sa galit.

Tumikhim ako at doon naman siyang natauhan.

"Sorry for my action Milady, pumunta ako rito dahil narinig ko na humihingi ka ng tulong. Paano ko narinig? Dahil kinakausap mo ang iyong kwintas. Isa ring paraan niyan ang pagkokomunikasyon sa ibang dimensyon kaya naman pumunta ako rito. Alam kong di ka pa handa, ngunit kailangan ka namin. Babalik ako sa ika-apat na araw upang bumalik dito at kunin ka. Sa ayaw mo man at sa gusto mo, kailangan mong mapunta sa lugar na kung saan tanggap ka." Sabi nito at biglang nawala.

Ang gulo na ng isip ko, kung dati ay magulo na ang buhay ko, mas magulo na ngayon. Ano raw ulit yun? Powerless, powerful churva? Chumchakikak? Amintete? Tapos yung gwapong nilalang na 'yon, second guardian ko? Guardian ko, pero ngayon lang nagpakita? Aba't, napakagandang timing naman non! Enter sarcasm. Ngunit iniisip ko, kung may second guardian nga ako, eh mas mataas ang ranggo ko sakanya?

Nabasa ko lang naman iyon sa mga librong na nakatago sa bodega namin, kaya doon ako kumakapit para malaman kung ano nga ba talaga ako at kung sino nga ba ako.

"Yes Milady, mas makapangyarihan kayo kaysa sa akin. Babantayan kita dahil iyon ang huling bilin sakin ng iyong ama't ina." Napapitlag ako sa narinig ko. Umalis na siya diba? Papaanong narinig ko na naman ang boses niya?

"Ang tawag dito ay mind-communication. Since guardian mo ako ay nababasa ko ang isipan mo para malaman kong may bumabagabag o nasa panganib ka." Ika naman nito, and how 'bout my privacy? Nakabusangot ako sa kawalan.

"Well, I won't read your mind always. Kay? I know my limits, goodnight Miss Claire." Ilang segundo pa ay naramdaman ko ngang wala na siya sa utak ko. Ang dami niyang sinabi ngunit ang naitaga ko sa isipan ko ang aking ama't ina. May kinalaman pala sila dito, ibig sabihin ba niyan hindi totoo yung mga sinabi sakin ni Mama tungkol kay Papa? Pero bakit?

"It's for you to find out, see you Milady."

"Aba't akala ko ba wala ka na? Lecheng guardian to, sabi mo di mo na babasahin yung utak ko?!" Napatayo ako habang duro-duro ko ang kaharapan ko na akala mo'y nasa harapan ko siya.

"You're a one heck..." Napakunot tuloy noo ko, di ko narinig yung ibang salita e. Kainis!

"H-hoy! Anong sinasabi mo? Hoyyy! Anong sabi mo? Letcheng Archer to! Ugh!" Napasabunot nalang ako sa ulo ko, hindi ko alam kung saan ba ang mahirap. Ang magmemorize nang mga pangalan ng philosophers, psychologist o yung makausap yong lalaking iyon!

Napabuntong hininga nalang ako, is this really my destiny? I thought I can be normal but the truth is this. Ang gulo ng isip ko, saan-saan na'to napupunta. Mygulay, bakit kailangang maging komplikado pa ang lahat?

Nanumbalik ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagdila sakin ni Amateyo. Alam kong may ipinapahiwatig siya kaya naman hinawak ko ang kanyang ulo at biglang umilaw ng sabay ang aming mala-lila na mata at doon ko nabasa ang iniisip niya.

"Is é an turth aice , beidh tú a lorg do cinniúint . Feicfidh mé tú a threorú fiú má beidh sé faoi deara dom mo bháis"

Akala ko di ko maintindihan ang mga sinabi niya dahil banyaga ang mga salitang binanggit niya. Niyakap ko nang mahigpit si Amateyo at alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko, siya nalang ang di ako iniiwan at d-

"Hey, I'm still here! I won't leave you too, milady!"

"Bwisit kang Archer ka, trespassing ka! Pag ako nakapunta diyan sasabihin ko sa kataas-taasang hari o ano mang tawag sakanila na palitan ang secondary guardian ko!" Napasigaw nalang ako at buti nalang wala akong mga kapit-bahay na malapit sakin. Phew!

"Joke lang Milady, pero totoo ba yung sinabi mo na pupunta ka dito?" Tanong niya na ikinastatwa ko, nadulas pala ako.

"Nadala lang ako sa emosyon ko." Walang-gana kong sambit, napabuntong hininga naman ito.

"You can close your mind if you want to, just concentrate and try to block your mind." Sabi niya, may kwenta pala itong kausap minsan. Ginawa ko ang sinabi niya, nahirapan ako pero sinubukan ko ulit dahil ayoko nang maramdaman at marinig ang boses niya sa utak ko and pooof! Naisarado ko na nga, alam kong nagawa ko dahil pinakiramdam ko ang aking sarili.

Kinarga ko na si Amateyo at ang mga gamit ko, kinuha ko ang aking mga hand-outs na nagkalat sa lamesa at doon ko palang namalayan na di pala ako nakapag-aral!

"Oh, for Locke's sake!" I said frustratedly.

A Fantasy's DreamWhere stories live. Discover now