Chapter 6

4.7K 160 128
                                    

[my professor's POV]

Ohh!!! Sa wakas naisipan na din ako bigyan ng pov ng otor. Kala ko di na ko bibigyan ng exposure eh.

Hi readers :) I am Zeke Aguilar. Ang pinaka poging professor, yabang ba?? Well, nagsasabi lang naman ako ng totoo. (wink). 

Kukwentuhan ko na kayo. 

Pumunta ako sa isa sa mga bar dito sa QC para mag celebrate kasi napangiti ko yung esudyante kong si Yanna kanina. Natutuwa pa din ako pag naaalala ko yun, sinulat ko yung number ko dun sa board sabay lagay ng "Smile Ms. Beautiful". OHA!! dumadamubss na ko dito. Ang akala nga ni Yanna naka alis na ako, di nya alam nagtago lang ako. Kaya nakita ko kung paano sya napangiti sa ginawa ko. Haaayyyy!! mapupunit na mukha ko dito kakangiti oh. Gusto ko pigilan but I can't help it.

Umorder lang ako rhum at pumwesto na sa isa sa mga tables. Nagsalita na yung vocalist nung banda for tonight.

"Goodevening everyone. this song ay para sa napakaganda kong girlfriend." then after nyang sabihin yun, may tinuro syang babae. Sinundan ko naman ng tingin yung tinuro ng vocalist at nakita ko yung estudyante kong si Katy at saka TEKA?? si Yanna ba yun?? Si yanna nga.

HAH!! Di ko maiwasang di mapangiti. Mukang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana ah. Hindi na ako lumapit, pinagkasya ko na lamang ang sarili kong tignan siya mula sa malayo.

Nagsimula ng tumugtog yung banda,

[1,2,3,4 by plain whites]

Habang pinapakinggan ko yung kanta, tinititigan ko lang si Yanna at inalala yung araw na una ko syang nakita. sobrang humanga talaga ako sa kanya, hindi lang dahil sa maganda nyang mukha, dahil din sa mabuti nyang puso at angkin nyang talino at meron syang "something" na wala sa iba. Sya din kasi yung tipo na pag ngumiti, matutulala ka talaga.

Buong stay ko sa bar tinititigan ko lang siya. Bawat galaw nya, bawat ngiti at kislap ng mata nya hindi nakalampas sa paningin ko. 

Nakaramdam ako ng pagka jingle. Kaya nag decide ako na pumunta ng comfort room. Nadismaya ako kasi pag labas ko wala na sila yanna.

Lumabas na ako ng bar at nakita ko si katy at yung boyfriend niya. Lumapit ako sa kanila.

"Nasaan si Yanna?" tanong ko.

Bahagya pa silang nagulat pero sinagot din naman nila yung tanong ko.

"Nasa sakayan na po ng taxi." 

Pagkarinig ko non, di ko alam pero kinabahan ako. Delikado na para sa isang babae ang bumyahe mag isa ngayon. Tumakbo ako papunta sa sakayan ng taxi, ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay Katy.

Hindi ko maintindihan pero kinakabahan talaga ako. Pag dating ko sa sakayan ng taxi wala naman akong nakitang tao. Lalo tuloy akong kinabahan.

Kinabahan ako nang may narinig akong sumigaw.

"Tulong!! Tulungan nyo ako!!"

Siguradong-sigurado ako na si Yanna yun.

Potekk!!! Makakatikim talaga sakin kung sinuman nambabasto kay Yanna. Tumakbo ako ng sobrang bilis papunta kung saan nang gagaling yung sigaw.

Buti na lang mabils ako tumakbo. Tamang-tama lang ang dating ko dahil akma ng hahalikan nung lalaki si Yanna. Walangya! Uunahan pa ko. Maghahalo na balat sa tinalupan.

Agad kong binitbit yung lalaki at pinagsususuntok ito.

"P*ta!! Bastos ka ah. Dapat sayo pinapatay"

tugsh*pakk*blam*tugsh tugsh here *tugsh tugsh *

Langya!!! Wala na kong pakialam kung mapatay ko man to. Walang hiya eh.

Nang mapagod ako kakasuntok sa kanya. pinuntahan ko agad si Yanna na patuloy pa din sa pag iyak.

"Okay ka lang Yanna?" Tanong ko.

Rumehistro ang pag kabigla sa mukha nya. Mataman nya akong tinitigan at nung makilala na nya ako, Agad niya akong niyakap at parang bata nagsumbong sakin. Iyak lang siya ng iyak hanggang mawalan siya ng malay.












SALAMAT SA PAG BABASA :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Professor is In Love with MeWhere stories live. Discover now