Chapter 14

1.6K 53 13
                                    

Sharlene's POV

Shar: Ano ba kayo? Friends lang kami ni Jairus no. Hanggang dun lang. Diba Jairus?

Nung tumango siya at nag-agree, parang may nafeel akong something. If it's good or bad? That's what I dont know. Friends. Friends naman talaga kami aa.

Ano bang ineexpect ko? Ang umiling siya at sabihin nyang hindi? Haha. Come on Sharlene. You've got to be kidding me.

***

Nagkaklase na nga pala kami ngayon. Last subject na to before lunch. Turo lang ng turo ang teacher namin. Nakikinig din ako syempre. Di ko pa nga pala nasasabi sa inyong ako ang top 1 dito. Ganon talaga pag nag-aaral.

Natapos na rin magdiscuss si ma'am. Lunch na. Hay salamat. Gutom na talaga ako ee.

Chineck ko muna phone ko bago ako tumayo. Nauna na rin si Alexa, Nash, Jairus sa canteen. Sunod nalang kami.

Mika: Waaaaaah!! B1!!

Shar: Ay halimaw. Ano ba yan B2?! Bakit?! Ano nangyari?!

Mika: Ang cute nyang cellphone chain mo. Akin nalang please?

Ayun lang pala. Kala ko pa naman kung bakit sumisigaw to. Ang OA talaga ng babaeng to. Haha.

Shar: Akala ko pa naman kung ano na nangyari. Haha. E B2. Bibili nalang kita kung gusto mo. Di ko kasi pwede ibigay to sayo.

Bakit di ko pwede ibigay? Kasi naman po, pinanalo ko to sa contest tsaka gusto ko talaga to.

Mika: Hmp. Ang ganda nyang nasayo ee. Pero sige bili mo nalang ako ha?

Shar: Yes B2. I pinky promise.

Tapos nun nagpunta na kaming canteen. Nahanap na namin yung tatlo.

Nash: Nanjan na pala kayo. Inorder na namin kayo ha. Yung gusto nyo.

Mika: Pano nyo nalaman yung gusto namin?

Alexa: Nagkekwento ka kasi kanina Mika. Sabi mo gusto mo ng beef broccoli. Kaya ayan na. Tapos yung sayo naman Shar, si Jairus namili nyan.

Tinignan ko lang si Jairus pero wala siyang sinasabi kaya di ko nalang din napansin.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nag-ring yung phone ni Jairus.

Jairus: Wait lang guys. Sagutin ko lang to. tapos tumayo na sya at umalis.

After ilang minutes lang bumalik na rin siya. Hawak pa rin nya phone nya.

Nash: Sino tumawag bro?

Jairus: Kapatid ko.

Jairus: Shar, sabi nga rin pala nya pupunta daw siya sa inyo mamaya. Wala daw kasi siyang number mo kaya di ka nya matext. Si Kuya Jon di daw niya macontact.

Shar: Ah sige. Pasabi kay Ate Janella sabihin ko nalang kay Kuya Jon.

Alexa: Kilala mo na si Ate Janella Shar? At bestfriend, kilala mo kapatid niya?

Shar: Oo. Pinakilala lang ni Jairus. Pinakilala ko rin siya sa kapatid ko.

Nash: Wow. Meet the parents na ba kasunod nito? Kilala nyo na kapatid ng isa't isa.

She's The One (JaiLene Fanfic)Where stories live. Discover now