Bakit sinasabi mo ito sakin Jerome?

6.5K 241 22
                                    

Can't say I don't love you - still I can't pretend.

Mark James PoV

Pagkatapos ng last subject ko ay pumunta na agad ako sa cafeteria. Alam ko kasing dun ko lang makikita si Den.

"Jason nasa yung palaging umuupo dito?" Tanong ko kay Jason. Kaibigan ko sa nursing.

"Ahh.. Yung mga Psyche. Nakita ko silang palabas kanina ng gate. Kanina pa yata tapos ang klase nila eh" sagot niya sakin.

"Okay sige. Salamat" sagot ko sa kanya.

Alam ko na kung saan ko siya matatagpuan.

Nagtext ako kina Patrick na aalis na ako. Baka kasi antayin nila ako sa cafeteria eh.

Matapos yun at sumakay na ako sa sasakyan ko at mabilis ko ng tinungo ang lugar na alam kong pinupuntahan ni Den pagkakatapos ng klase.

Hindi nga ako nagkamali. Naririnig ko ang boses ni Den mula sa loob.

Tinawag ko yung waiter na nasa tapat ng pintuan at umorder ako ng maiinom. Mas mabuting dito muna ako sa tapat ng sasakyan ko kesa sa loob. Ayoko naman na intindihin pa ako ni Den kapag nakita niya ako.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito.

Flashback

Ilang araw ng absent si Den. Hindi rin siya sumasagot sa mga text messages ko at tawag ko. Wala rin alam sila Sheryl kaya nag-aalala na ako. Ilang araw nanaman silang nakauwe galing HK ni Jerome ah.

Kaya napagdisisyunan kong magpunta sa kanila kahit gabi na.

Napansin kong may nakapark ding sasakyan sa tapat ng eskinita nila Den kaya medyo nilampas ko ng kaunti ang sasakyan ko.

Matapos kong ipark ang sasakyan ko ay kaagad na agad akong bumaba at dinial ko muli ang cellphone number ni Den.

Naglalakad ako habang inaantay kong sagutin ni Den ang tawag ko.

"You're Mark, right?" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Yes... At ikaw si Jerome diba?" Sagot ko naman sa kanya at inend ko muna ang cellphone ko.

"Can we talk?" Muling tanong niya.

Panandalian akong napatigil dahil nagtataka ako kung bakit bigla bigla nalang niya akong gustong makausap.

"Its about Den..." Mahinahong dugtong niya.

Nung narinig kong tungkol iyon kay Den ay pumayag ako.

Nakasandal kami ngayon sa unahan ng sasakyan niya.

"Here.." Sabay abot niya sakin ng bote ng vodka.

"Siguro nagtataka ka kung bakit hindi pa napasok si Den hanggang ngayon..." Panimula ni Jerome.

Nanatili parin akong tahimik. Gusto ko kasing marinig ang lahat ng gusto niyang sabihin.

Nagpatuloy siya sa pagkukwento ng mga nangyari sa kanila sa HK hanggang sa bigla nalang akong napatingin at natigilan sa huli niyang sinabi.

"He saw his boyfriend with someone else... at buntis yung babae..."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nalaman ko.

Araw araw at gabi gabing nag-aantay si Den ng tawag mula sa boyfriend niya hanggang sa hindi na nagparamdam tapos bigla niyang makikita na may kasamang iba at buntis pa!!?

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora