Chapter one.

36 3 0
                                    

"Ayusin mo nga yang sarili mo leonora?! Ba't pa para kang lalaki kung magsuot ng damit ha?!". Pabulyaw ni mama sa akin habang nagsasalamin ako at tinitignan kung ok na ba ang suot ko.

"Maaaaaaaaa?! Ano ba! Pwede bang lyra na lang?!!! Bakit leonora talaga?! Para naman akong si lola niyan eh! ". Pasigaw kung sagot kay mama habang patuloy ako sa pananalamin.

"Aba! Kina-career mo talaga pagiging tibo mo ano!?" Sabay sapak sa braso ko.

"Mama naman ehh! Suportahan niyo na lang ako!". Sabay himas sa braso ko na namumula sa lakas ng sapak ni mama.

"Ewan ko nga sayo! Bahala ka! Pag umuwi ang papa mo ikaw mag explain sa kanya! ". Pabulong na sabi ni mama habang hinahanda ang mga pagkain sa mesa.

"Hindi na uuwi si papa!! Hindi mo ba yun matanggap ma?!". Madiin kong sabi sabay harap sa kanya.

Napa-tingin na lang si mama sa malayo habang dali-dali kung hinablot ang bag ko at mabilis na tinungo ang pintuan palabas.

"Di ka na kakain tol?". Tanong ng kuya ko habang pababa siya ng hagdan.

"Di na! nagsisimula na naman kasing umasa ang iba diyan!". Sagot ko sabay tingin sa kinaroroonan ni mama. Tulala parin siya habang mariin ang pagkakahawak niya sa kutsara at tinidor.

"Sige na... Sige na hayaan mo na siya, layas na! Kay aga-aga ang iingay ninyo shooo shooo! ". Pagtataboy sa akin ni kuya.

Paglabas ko ng bahay ay nakita kong nakaparada na ang sasakyan ng bestfriend kong si Faye.

"Antagal mo bess! Kanina pa ako dito ha?! ". Sigaw niya sa akin habang nakalabas ang ulo niya sa bintana ng kotse niya.

Lumapad ang ngiti ko. Abot hanggang tenga at simula sa kinatatayuan ko ay binagalan ko pa ang mga hakbang ko na para ba akong isang robot. Pinaandar niya ang kotse niya dire-diretso ang takbo papunta sa akin. Alam kong sasagasaan niya ako kaya nagsisisigaw ako sabay taas sa dalawa kong mga kamay.

Agad-agad na sumunod ang nakakabinging tunog ng break ng kotse niya sabay sigaw ng kuya ko. Bumukas ang gate habang kami ng bestfriend ko ay tawang-tawa hindi namalayan ang mama at kuya ko ay nakatayo na sa harap ng gate namin, si kuya hawak ang toothbrush niya at si mama hawak pa ang tinidor na may hotdog at bago pa man ako makapagsalita ay pinagtatapon na nila sa amin ang mga hawak nila.

"Papatayin mo ba ako sa nerbyos leonora!!?". Pasigaw na sabi ni mama.

"Gago ka tol! Taena! Akala ko kung mamamatay ka na?! Wala ng gagawa ng mga assignments ko sa English! ". Sabay punas sa bunganga niya na meron pang bula ng toothpaste.

"Hahahahaha sorry nanaman! Si faye ehh! Papatayin yata ako! ". Sabay ngiti paalapit kay mama.

"Anong ako?! Hindi kaya! ". Pangiti-ngiting sabi ni faye sabay labas sa sasakyan. "Morning tita". Sabay yakap sa mama ko.
"Bango niyo po! Amoy omelet hmmmm sarap". Sabay amoy kay mama.

"Sus! Mga mambobola kayo eh! Di pa ba kayo late? Kumain muna kayo". Pagyayaya ni mama habang nakayakap ako sa bewang niya.

"Wala naman kaming pasok eh. Maglalaro lang sana kami ng badminton ng tropa ngayon".

"Tamang tama. Tara na sa loob". Binuksan ni mama ang gate habang napansin niyang hindi nakasunod si kuya sa amin.

"Asan ang kuya mo Leonora?! ". Sabay-sabay kaming lumingon muli sa kuya ko.

Nakaharap ang kuya ko sa amin na sobrang malapad ang ngiti sabay tago sa kamay niya sa likod niya.

"Hoy?! Ano yan leonardo?!". Taas na kilay kong tanong sa kanya.

"Wala! Sige na pasok na! ". Pagde'deny niya.

"Ano nga yan?????? "
Tanong ko ulit habang papalapit sa kanya.

Bago pa siya makagalaw ay hinablot ko sa likod niya ang sipilyo na tinatago niya, yung sipilyo na tinapon niya sa akin kani-kanina lang. Tawa ako ng tawa habang pinapakita kina mama ang sipilyo niya.

"Ibalik mo yan! ". Sabay takbo papunta sa akin pero mabilis akong nakalayo at nagtatatakbo papunta sa second floor ng bahay, ng napansin kong wala ng sumusunod sa akin ay binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.

"Gago yun ah! Di man lang ako hinabol!". Palinga-linga ako baka nagtatago lang siya.

"Ganon talaga ate! Parang pag-ibig akala mo pag binitawan mo hahabulin ka niya, ipaglalaban ka niya, pero akala mo lang pala". Napaitlag ako ng biglang nagsalita ang katulong namin malapit sa pintuan ng kwarto ko.
"Gaga! Ginulat moko! Huhugot ka nanaman!? Tigil mo yan?! ".

"Tigil!? Oo!! Ginawa ko lahat para itigil ang kahibangan ko sa kanya! Pero te?! Di ko kaya! ". Mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin sabay hawak sa dibdib niya.
"Diyan ka na nga! Bahala ka! ". Sabay sarado sa pinto ng kwarto ko at patakbong bumaba sa sala.

A/n

Hello? 😂😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Transformation Of A TOMBOYWhere stories live. Discover now