Heart-stopper | Oneshot Fanfic

70.5K 3.2K 1.8K
                                    

W A R N I N G!

 This is a fanfiction to Jin's (Lovelyz) song and music video called "Gone"

 Date published: November 2013

This story was written on my jejemon days, errors and kakornihan ahead! hahaha! Will edit once I have time :)


X X X X


{ Third Person's Point of View }


Nakangiti si Dwight habang nakaupo sa harapan ng kanyang piano. Mukha palang ay mahahalata mong inspirado talaga ito sa pagtugtog kahit na malungkot ang pinapahiwatig ng kanyang musika.


Ang cool na sana ng porma niya nang bigla na lamang may nambatok sa kanya nang napakalakas. "Ulol bakit ka na naman nakangiti?!" sigaw ni Chord  habang kumakain pa ng boy bawang.


Sinamaan na lamang ni Dwight ng tingin ang bestfriend nitong si Chord. "Hayop paano ka nakapasok dito?"


"Malamang sa pinto," sarcastic na saad ni Chord.

"Hayop ka talaga," mahinang sambit ni Dwight.


"Talaga? anong klaseng hayop?" Curious na tanong ni Chord. Narinig nito ang sinabi ng kaibigan sa kabila ng mahina nitong boses. 


"Unggoy na may sungay, kampon ka ng demonyo," sagot ni Dwight at nagpatuloy nalang sa pagtugtog.


"Tapos ikaw, baboy na may sungay at dahil bisprin kita pareho tayong kampon ng demonyo," wika ni Chord at umupo rin sa harapan ng piano. Parang magkapatid na ang dalawa kaya't normal na sa kanila ang ganitong usapan. Matagal na silang magkabarkada kaya kabisado na nila ang ugali ng isa't-isa.


"Ba't ka ba nandito? Halos araw-araw ka nalang tumatambay dito, inuubos mo na ang pagkain namin," tanong ni Dwight


Lumiit ang ngiti sa mukha ni Chord at napabuntong hininga. "Eh kasi bisprin kitang baboy ka..." tipid na saad ni Chord. Bakas ang lungkot sa mukha niya.


Tumigil sa pagtugtog ng Piano si Dwight at napatulala.

Napabuntong hininga na lamang siya dahil alam niya kung bakit ito bumisita.

"Chord, hindi ako magpapa-surgery," Matigas nitong saad


"Wow! Mindreader ka na pala brad!" panunukso ni Chord ubang maiba ang usapan


"Chord umuwi ka---" ngunit bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa puso niya.

"Langya! Inumin mo ang gamot mo bilis!" Aligagang sigaw ni Chord na alalang-alala at agad na inalalayan ang kaibigan. 

Namimilipit sa sakit si Dwight habang hawak-hawak ang dibdib niya. Dali-dali niyang kinuha ang gamot na parati niyang tinatago sa bulsa niya at ininom ito.

Nakahinga ng maluwag si Chord nang makitang umaayos na ang pakiramdam ni Dwight. Nasapo ni Chord ang ulo niya dahil sa inis.

"Noon akala ko sa ating dalawa ako yung may topak kaso ikaw yata talaga yun! Dwight mayaman kayo, pwedeng-pwede kang magpa-surgery kahit na anong oras. May mga tao diyan na gaya mong may sakit pero hindi sila kayang magpa-surgery tapos ikaw ite-take for granted mo lang?!" Hindi na napigilan ni Chord ang sarili.

Heart-stopper | Oneshot FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon