MyDevilSweetHeart

6.8K 69 20
                                    

|MyDevilSweetHeart|

|Written By: Mervin Canta|

 

#Introduction

Tumingin ako sa labas ng aming bahay. Ang lugar na kung saan ay kailangan kong lisanin para sa aming kinabukasan. Hindi man gusto ng aking mga magulang ang aking gagawin pero kelangan ko itong gawin bilang panganay sa aming magkakapatid.

Marami na akong sinakripisyo pati na rin ang pag-aaral ko sa kolehiyo ay pinaubaya ko sa matalino kong mga kapatid. Sa totoo lang mahina talaga akong mag-aral pero maabilidad naman ako sa ibang bagay.

Sa aking pakiwari eh, mas kelangan nila ang mag-aral kasi kung ipagpapatuloy ko yung pag-aaral ko sa kolehiyo mahihinto sila sa pag-aaral?. Kaya mas pinili ko nalang na maghanap ng trabaho para mas makatulong ako sa aking pamilya.

Hindi narin kasi bumabata sila inay at itay. Kaya bilang isang panganay responsibilidad ko na tulungan sila kahit na hindi pa nila sinasabe.

Nag-lalaro sa labas ang mga kapatid ko, habang pasimple kong inililigpit yung mga gamit na syang gagamitin ko sa aking pag-lisan at pag-punta sa maynila.

“Ok ka lang Ate?” biglang pumasok si Maligaya ang pangalawa kong kapatid, nakatitig ito sa aking habang niyuyupi ko yung mga gamit ko. Lumapit pa ng konti si ligaya at tumabi ito sa aming hinihigaan.

Ang ganda ng kapatid ko, kasing ganda ko :P

“Mag-aral ka ng mabuti, kung may kailangan ka, tawagan mo lang si ate ok?”

“Ate wala naman kaming cellphone?” reklamo pa nya.

Oo nga pala, ako lang ang may cellphone tapos dadalhin ko pa ito sa maynila. Napakamot ako ng ulo saka niyakap ko si Maligaya.

“Maki-text ka nalang kay Celia, wag mo lang damihan yung text mo kasi magagalit yun eh” nakangiti ko pang sabi sa kapatid ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok din sa kwarto si inay, nakaduster ito gaya parin ng dati, gulo-gulo ang buhok, kagagaling lang nito sa labada sa bahay ni aling sita na tamad maglaba.

Basa pa yung damit nya nang lumapit ito sa akin.

“Anak….sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo?, hindi ka na ba namin pwedeng  mapigilan pa?” tanong pa sa akin ni inay habang hawak hawak nito ang aking kamay. Ngumiti ako ng kaunti, ayaw kong magpakita na mahina ako, gusto ko na malakas ako sa harapan nila. Pero yung totoo, ayaw ko na nakikita si inay na ganito, malungkot sa aking paglisan.

My Devil SweetheartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant