MDSH 19

992 21 0
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 19

Dwayne’s POV

Hala, mamayang gabi na pala yung Despedida party ni Ginger. Hays lagots ako, kung di pa ako pinaalalahanan ni Mommy na may magaganap raw na party sa bahay nila Ginger eh, hindi ko pa malalaman na sa lunes eh aalis na yung bestfriend ko tss.

Tinawagan ko kaagad si Tristan at nagpasama ako sa kanya sa isang mall para bumili nang gift at pag-usapan yung balak naming gawin para sa party ni Ginger.

Nasa isang café dalawa ni Tristan habang inaantay na dumating si Dustin at si Terrence.

“So what’s the plan?” tanong ko sa kanya.

“Malay ko” sagot ni Tristan sabay higop ng frappocino. Binatukan ko sya saka nag-reklamo ito.

“Isinama pa kita dito, wala ka rin naman palang kwenta kausap” medyo uminit lang yung ulo ko sa kanya. Tss bakit ba kasi sya pa itong niyaya ko, hindi kasi available itong si Trevor, ano bang pinag-gagawa nito noong mga nakaraang araw? Tss.

“Oh andyan na sila, tss” sabi pa ni Tristan, sabay higop ulit nang kapeng iniinum nya.

“Anong meron pare, at kung makapag-papunta ka dito eh, kelangan on time, tss buti nalang nagtoothbrush ako” hmmm hindi na naman naligo itong si Dustin, siguro may kadate na naman ito kagabi?.

“Sinundo ko na nga yang si Dustin sa kanila, nakasalubong ko pa nga yung babaeng kalalabas lang sa kwarto nya tss, yung totoo pare nagpacheck up ka na ba? Baka may STD ka na” biro pa ni Terrence kay Dustin.

“Gusto mong mamatay nang dis-oras?” medyo iritableng sagot ni Dustin.

“Peace pare, Joke lang yun bwahahah” sagot nama ni Terrence, sabay umupo na silang dalawa.

“So ano nga?” – si Dustin.

“Despedida ni Ginger mamaya diba?” sabi ko.

“Yap” sagot ni Dustin.

“Anong plano nyo?” tanong ko.

“Bakit kami ang tinatanong mo, ikaw ang dapat naming tanungin, anong plano mo. Hahayaan mo bang umalis si Ginger, nang hindi nito nalalaman yung tunay mong nararamdaman sa kanya?” tss bakit ako na naman ang naging topic?. Pero may point sya, hanggang kelan ko ba itatago sa sarili ko yung nararamdaman ko sa kanya?. Tss bakit ba kasi kelangan pa nyang lumayo. Ang babaeng talagang iyon tss.

………………………………

Mira’s POV

Maagang umalis si Sir Dwayne, ni hindi ko nakita yung malademonyo nitong anino kaninang umaga, sabi ni aling sita kausap raw nito yung kaibigan nilang si Terrence at mukhang nagpasama sa isang mall at may kung anong bibilhin. Hindi ako interesado sa kung anong bagay ang gagawin nya ngayon araw tsk bahala sya sa buhay nya. Rest Day ko ngayon at…at…anong gagawin ko sa Rest Day ko?.

Wala naman akong ibang alam na lugar na pupuntahan. Nga pala, mamayang gabi na pala yung parting sinasabe ni Wisdom. Tumunog yung doorbell. Tumayo si aling sita, para tignan kung sino yung nagdoorbell sa gate. Pero pinigilan ko sya at ako nalang ang syang tumayo para pumunta sa labas at tignan kung sino yung taong nasa labas ng gate.

Nasa harapan na ako ng gate, I was about to open the door, pero nagdalawa isip ako. Nga pala sabi ni aling sita, kahit na private subdivision ito eh naglipana ang mga magnanakaw, wag raw dapat ako kaagad magbukas ng gate lalo na’t hindi ko alam kung sino yung nasa labas. Kaya sumilip muna ako doon sa maliit na butas at may nakita akong isang lalakeng nakatayo, sa harapan nang gate. Yung dalawang kamay nito ay itinago pa nya sa bulsang suot nyang short. Nakapolo-shirt itong stripped at noong tumingin ako pataas ay…..

“Wisdom?” gulat na sabi ko.

“Mira?. Mira ikaw ba yan, oo si Wisdom to. Sorry hindi kita naitext, hmm hindi ko naman kasi alam kung may cellphone number ka o wala eh. Hindi ko rin makuhang tumawag sa telephono nya dyan dahil ayaw kong si Harvey yung maka-usap ko. Kaya nag-lakas loob akong kumatok at baka sakaling ikaw yung magbukas, hehe hindi nga ako nagkamali, buti ikaw ang nagbukas” sabi pa ni Wisdom sa akin.

Kaagad kong binuksan yung maliit na gate at pinapasok ito sa loob.

“Pasok ka” yaya ko pa sa kanya sa loob.

“Hindi na, actually ikaw ang kelangan ko” bigla akong nagulat sa sinabe nya.

“Uhm, I mean is. Ikaw naman talaga yung pinunta ko dito. Remember yung sinabe kong party na dadaluhan natin?” hays buti naman, akala ko kug ano na hays, umayos ka nga mira. Wag kang assumming, hindi ka gusto ni Wisdom.

“Oo nga eh” sagot ko.

“So? Are you ready?”

“Wala nga akong susuutin eh” sabi ko sabay yuko. Hinila nito yung kamay ko’t saka ako napatingin sa kanya.

“Akong bahala sa iyo” saka nya ako hinila palabas nang gate, pero nakita kami ni Aling sita, kaya huminto kami saglit at nag-paalam na ako sa kanya, na sasama lang ako kay Wisdom.

…………………………

Isinakay ako ni Wisdom sa kotse nito. Wow 16 years old palang itong si Wisdom gaya nang pagkaka-kwento nya pero may sarili na itong kotse at marunong na itong magdrive. Bakit ganito sila?, hmm ako nga eh bike lang hindi ko  pa magawa, mag-kotse pa kaya?.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“kay Sofia” oo naalala ko na, isang sikat raw na fashion Designer itong Sofia, maganda at sexy raw itong babae, base sa pagkaka-kwento ni Wisdom. Hays, nakakahiya naman. Bibihisan ako nang isang sikat na tao?.

Nasa harapan na kami nang isang malaking building.

“Nandito na tayo” sabay parada ni Wisdom nang kotse sa harapan nang isang malaking buidling.

“Eto na yun?, ang laki naman” yung reaksyon ko parang ewan lang. nakakabighani kasi yung laki nang building, at hindi ako makapiniwala na sa laki nang building na ito, ay puro raw dami ang nasa loob nito.

“Tara na” inilaan pa ni Wisdom yung kamay nito sa akin. Kinuha ko naman ito’t saka kapwa kami naglakad sa pasilyo sa loob ng building.

Huminto muna kami sa isang area sa gilid. Binasa ko yung naka-lagay sa name tag ni ate. Receptionist. Mukhang nasa reception area kami. Tss siguro! Receptionist nga eh. Mira talaga!.

“We have an appointment with Miss Phia” sabi pa ni Wisdom.

“Ah, ganun po ba. Kayo po ba si Sir Wis…” hindi pa naituloy ni ate yung pagsasalita dahil may biglang sumigaw sa aming likuran.

“Wisdommmmmmmmmmmm” sabay yakap kay Wisdom ng kay higpit.

At ako para akong na op sa yakapan portion nilang dalawa.

“It’s been a while noong huli kang dumalaw dito” sabi pa ni Phia.

“Ah?, sorry busy lang sa college life, anyways here’s my friend, Mira at gusto kong pagandahin mo sya gamit ang mahikang meron ka” mahika? Anong gagawin sa akin nang babaeng ito?. Nakangiti ito sa akin, at hindi ko gusto yung ngiti nya, Wisdom? Ano ito?. Mahal ko pa ang katawan ko. Baka ibebenta nila ako sa kung saan tapos kukunin yung katawan ko. Wahhhhhhhhhh tulong.

“Relax Mira, hindi ka nyang sasaktan. Harmless yang kaibigan ko” sabay akbay kay Phia.

Lumapit pa ni Phia sa akin. Saka ako tinapik sa balikat.

“Don’t worry girl, pagkatapos mong lumabas sa building na ito. Mag-iiba ang tingin ng tao sa iyo”

Ano raw? Pagkalabas ko sa building na ito, mag-iiba ang tingin ng mga tao sa akin?.

…………………………….

All Right Reserved 2013

Copyright By: Mervin Canta

My Devil SweetheartWhere stories live. Discover now