chapter 25

221K 1.5K 72
                                    

A piece from the past

"Damien Friol..." tatangutango pa si Patrick nang sa wakas ay makaharap ang napapabalitang boyfriend ng kapatid nyang si Anya. "Ikaw pala ang boyfriend ng kapatid ko?" Ngimisi pa si Patrick. "Rakista.." dagdag pa nya na tiningnan si Damien mula ulo hanggang paa. "Sabihin mo nga, ano ang balak mo sa banda mo ngayon?" Tanong ni Patrick.

"Syempre.. gusto ko din na makilala ang banda namin balang araw." Simpleng sagot ni Damien. Nagkataon kasi na nakita sya ng kuya ni Anya sa Zesty Bar kung saan madalas na tumutugtog ang bandang One Look band na kinabibilangan nito. Hanga sya sa mga myembro nito dahil kahit pa mga propesyonal na sila ay nagagawa pa din nilang tumugtog at makilala.

"So.. Ano na nga ang balak mo? Gagawin nyong career ang pagbabanda?" Tanong nanaman ni Patrick.

"Oo sana.." alanganing sagot ni Damien. Langya lang! Bakit ba hindi nya alam kung paano sasagutin ang mga simpleng tanong ng kuya ng girlfriend nya? Hindi pa kasi sya pormal na naipapakilala ni Anya sa pamilya nito dahil nga ayon na din kay Anya strict daw ang kuya at dadi nya.

Napailing iling si Patrick.. "You failed.. wrong answer dude... Kung ganyan ka magisip.. layuan mo na ang kapatid ko.. hindi sapat na may isa ka lang na pangarap sa buhay, kung sumikat ka man, hindi iyon panghabangbuhay.. Think of other options.. Hindi yung magfofocus ka lang sa isang propesyon. Balikan mo ang kapatid ko kapag naayos mo na yang mga pangarap mo." Tumatak sa isipan ni Damien ang mga sinabi ni Patrick. Oo nakaka badtrip lang! Gusto na nga nyang sapakin ang kuya ng girlfriend pero dahil iginagalang nya ito, pinili nyang manahimik.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang maghiwalay sina Damien at Anya.. Hindi gaanong naging malinaw ang break up nila. Hindi din nya sinabi ang naging usapan nila Patrick. Gusto nyang patunayan sa kuya ng girlfriend nya na hindi lang basta isang pangarap ang meron sya.

"Damien ano tuloy na tayo mamaya! Magiging big break natin to pare!" Excited na excited ang vocalist ng banda nila. Ilang araw na din kasi ang nakakaraan ng sumali sila sa isang battle of the band. Nanalo sila at ngayong araw ay inimbitahan sila sa isang recording studio para tumugtog at pumirma ng kontrata. Sa wakas makikilala na ang banda nila.

"Oo pare! Hintayin nyo nalang ako doon ha.. tutuparin ko muna yung isang pangarap ko.." ngingisi ngising sabi nya.

"T@ngna Damien! Malala na yan ah! Sige pare Goodluck!" Sabi ng gitarista nila sabay abot ng gitara kay Damien. Ngayong araw matutupad lahat ng pangarap nya.

'Babe, meet me at Emilio Theatre.. 1pm. Hihintayin kita. Please, give us another chance.'

Napangiti si Damien ng masend ang text nya para kay Anya. Tatlong beses pa nga ata nyang sinend iyon para sigurado. Alam nya na mas ma appeal kay Anya ang lalaking magaling mag gitara, kaya ngayon ipapakita nya sa dalaga na magaling din syang mag gitara. Magaling naman talaga si Damien mag gitara at pati narin sa pagkanta, pero mas pinili nya ang maging drummer sa banda nila dahil nachachallenge sya sa pagda drums. Pinili din nya ang Emilio theatre na nasa loob ng campus nila. Doon kasi sya sinagot ni Anya, tandang tanda pa nya kung paano iyon nangyari kaya naman ngayon gusto nya kung magkakabalikan sila doon pa din sa lugar na iyon. Pinakiusapan pa ni Damien ang namamahala ng theatre para magamit nya iyon ng dalawang oras. Pinaghandaan nya iyon mabuti. Pinadilim nya ang buong paligid para pagpasok ni Anya hindi sya agad nito makikita, pagkatapos ay tutugtog sya gamit ang gitara at unti unti ay tututok ang spotlight kay Damien, at magpeplay ang slide show na ginawa nya, kasama ang video nila sa theatre na iyon kung kailan ay sinagot sya ni Anya. Handang handa na ang lahat, kahit kailan ay hindi nya naisip na makakagawa sya ng ganitong bagay para lang sa isang babae. Tae kasi ang corny parang hindi bagay sa image nyang badboy. Pero di bale na, corny na kung corny basta ang importante ay makamit nya ang pangarap nya, si Anya at ang pagsikat ng banda.

...

...

Napangiti ng mapait si Damien sa naalala. Dahil sa hindi pagdating ni Anya ay naglaho ang pangarap nya, hindi na din sya tumuloy sa recording studio para sa kontrata.. masamang masama ang loob nya lalo na ng mabalitaan nya na may lalaking sumusundo kay Anya sa University at hindi lang iyon, lagi daw itong gumigimik. Nagbago sya bigla. Ilang taon din ang lumipas bago napagdesisyonan ni Damien na bumalik sa pagbabanda, mas mainam na din iyon kasi nakapagtapos na sya ng college sa kursong Architecture. Gusto nyang tapatan ang kuya ni Anya. Gusto nyang patunayan na hindi lang sya basta basta rakista at ngayon isa na din syang recording artist, vocalista ng bandang "Breakthrough".. pero isa nalang ang kulang... si Anya.

Napahithit sa sigarilyo nya si Damien habang pinapagmasdan ang isang itim na sasakyan na papasok sa Estude Empire Tower. Sa sasakyang iyon ay nakasakay si Anya. Ilang araw na din nyang sinusundan si Anya mula nang makita nya ito sa restaurant na kasama si Jin Kingson Estude na isang anak ng dating presidente. Isang bigtime na tao pa ata ang kalaban nya sa ex-girlfriend. Ewan ba ni Damien, akala nya nakalimutan na nya si Anya. Pero nang makita nya ito sa restaurant tila tumigil ang ikot ng mundo nya, nabuhay muli ang damdamin nya dito. T@nginang puso pahamak sa buhay!

...

...

"Who is he?" Malamig ang tonong tanong ni Jin kay Anya. Kasalukuyan silang nasa sasakyan at ngayon ay nakahinto sa parking lot.

"Huh?" Wala sa sarili si Anya, kanina pa kasi lumilipad ang isip nya. Ano nga ba yung sinabi ni Damien? Saan sya hindi dumating?

"Yung lalaking kausap mo, sino sya?" Umiwas pa ng tingin si Jin.

"Ah.. si Damien..." sabi ni Anya na bahagya pang napangiti. Natutuwa sya sa gesture ni Jin, parang teenager lang na nagseselos. Hayyyy... nagseselos nga kaya sya? "Well... he is my first boyfriend." Pagpapatuloy pa ni Anya habang nakangiti at akala mo ay nangangarap pa ng kung ano ano kaya naman nabwiset si Jin at biglang lumabas ng sasakyan. Agad namang napasunod si Anya. "Wait boss!!!" Lakad takbo si Anya sa paghabol sa boss nya na papasok na ng elevator. Grabe! Oo na ang haba na ng buhok nya para magselos ang isang Jin Kingson Estude, pero teka naman kasi, pwede bang namnamin ang moment na to?

"Boss?..."kalabit ni Anya kay Jin pero hindi man lang sya nito pinansin kaya kinalabit nya ulit ito pero talagang deadma eh kaya hindi nagpaawat si Anya at kinalabit nanaman ito.

"Ano???!!" Kunot noong tanong ni Jin.

"Huh?" Maang ni Anya.

"Tsk!" Sabay labas ni Jin nang bumukas ang elevator. Lakad takbo nanaman si Anya sa pagsabay sa boss nya. Grabe! Long legged kasi si Jin kaya ang hirap sabayan ng mabilis na paglakad nito. Mabilis nilang narating ang condo ni Jin at pagbukas na pagbukas ng pinto....

"Nakikita mo yung sofa na yun?" Turo ng boss nya sa couch sa sala. "Ilipat mo sa bathroom." Iyon lang at malakas na isinarado ni Jin ang pinto ng kwarto. Iniwan si Anya sa sala na hindi alam kung paano bubuhatin ang sofa sa bathroom. Seriously? Nababaliw na ata ang boss nya.. ganun pa man, nasasayahan ang kalooban ni Anya. Nagseselos nga ata si Jin.

"What a jerk..." iiling iling na kinikilig pa si Anya.

To be continued...

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon