Page 18

32.3K 1.1K 167
                                    

Page 18

Eclair's P.O.V

"Achoo! Achoo!"
Sunod-sunod na pagbahing ko na pati uhog ko ay lumabas. Nakita 'yun ng mga tropa ko kaya mabilis silang nagtakip ng bibig para mapigilan ang kanilang pagtawa.
Strict 'yong professor namin. Kapag nakarinig s'ya nang kaunting ingay sa estudyante, palalabasin ka na kaagad sa classroom. Pero hindi ito 'yung professor na nagpalabas sa amin nung nakaraan.

Kinuha ko na lang 'yung panyo ni Vince na hiniram ko kanina at pinahid sa sipon kong bumababa. "Disturbing..." Sabi ko sa sarili ko at binigyan ng masamang tingin 'yung tatlo kaya nagheads down sila, maliban lang doon sa isa na tuwang-tuwa pang asarin ako.

"Pfft! Yuck, green!" Turo niya sa sa akin habang namumula na sa pagpipigil ng tuwa. Lumalaki na iyong ilong ko sa inis, kung puwede lang siyang kaladkarin paalis sa classroom na 'to ngayon, I will do it. Itutulak ko rin siya sa kalapit na lawa sa lugar na 'to at ilulunod nang matahimik na ang kaluluwa ko.

Tiningnan ko 'yung professor namin. Kasalukuyan s'yang nakatingin sa binabasa niya kaya mabilis kong ni-roll ang notebook ko para malakas na ihampas iyon sa ulo ni Richard.
Napatingin sa direksyon namin 'yung professor namin na babae, "What is that?" May awtoridad sa kanyang boses ng kanyang tanungin.

Lumingon ako sa kanya at matamis siyang nginitian. "Wala miss, tumama lang po 'tong..." sabay taas ko nung notebook, "Kwaderno ko sa upuan." Lame excuse.

Hindi na lang pinagtuunan ng atensiyon 'yon ng professor namin at napailing lamang na ibinaba ang tingin sa kanyang libro habang binigyan ko naman ng matalim na tingin si Richard na ngayo'y nakababa ang ulo't hawak-hawak iyon. T*ng ina mo, ah?

Inis na inangat ni Richard ang tingin niya ro'n sa dalawa na nanginginig sa pagpipigil ng tawa.
"Stop laughing, bastards" Sabay sipa ni Richard ng malakas sa binti ni Arvin noong makatayo siya.

"Gauf!" Reaksiyon niya sa sakit.
Tae, kung hindi lang talaga ako badtrip ngayon ay siguro natatawa na ako. Kaso kanina pa kasi nila ako inaasar. Singhot daw ako nang singhot para raw akong nakakatol at nagsha-shabu, nagpipigil lang akong maupakan sila dahil baka kasalanan ko nanaman kung magkakapasa sila.

Tumunog na 'yong bell kaya isinara na nung professor namin ang kanyang libro para magpaalam sa amin tsaka siya nagmartsa paalis ng classroom. Nag-unat ang mga kaklase ko, 'yung iba, dumiretsyo papunta sa tatlo para pilitin silang sabayan kumain.

Napabuntong-hininga na lang ako at inayos ang gamit ko subalit napatingala rin nang may huminto sa aking harapan. Ito 'yung babaeng nagngangalang Orange-- si Softdrinks girl.
"Bakit?" Tanong ko.

Inilagay niya sa likuran ang kanyang mga kamay at nagpalipat-lipat ng tingin.
"Eclair, a-ano..." Nagtataka talaga ako dahil diretsyo naman siyang makipag-usap kung sa iba pero sa tuwing kakausapin niya ako, palagi siyang nauutal. "C-Can I in--" Naputol ang sinasabi niya nang tawagin siya ng kaibigan niyang Japanese. Siya rin 'yung madalas kong makita na kasama ni Orange, hindi talaga sila mapaghihiwalay kumbaga.

Napatingin kaming pareho ni Orange sa kaibigan niya na inaaya siyang umuwi.
Pagkatapos ay napatingin sa akin para tanguan ako bilang pagbati bago niya hawakan 'yung pulso ni Orange. "How many times do I have to tell you na sabihin mo kapag walang tao?" Suway nitong tanong at sinimangutan. "Tara na muna, nagugutom na 'ko." Dagdag niya.

"Hala, ano ba 'yan, Yuuki." Daing nito hanggang sa magkaroon na sila nang kaunting argument sa harapan ko kahit hindi ko alam kung ano talaga 'yung pinag-aaway nila. Ibinaba ko na nga lang 'yung tingin para mag-ayos at nang makauwi na ako. Wala na rin naman akong gagawin.

"Hintayin na lang kita sa baba." Rinig kong sabi ni Yuuki bago maunang maglakad.

"I know alam mo na 'yung p-pangalan ko but I want to properly introduce myself to you," Muli akong napatingala. "I-I'm Orange." Pagpapakilala niya sabay extend ng kamay niya, hinihiling na kunin ko iyon.

Nakababa lang din ang tingin ko sa kamay niya nang ibalik ko rin sa mukha niya't kunin na lamang ang kamay niya bilang pagtanggap sa kanyang pagpapakilala. "Mmh." Pagtango ko pero na weird-uhan nang biglang manlamig ang kamay niya gayun din ang pagtaas ng mga balikat niya.

Hindi ko na lang binigyan ng atensiyon kahit na nagtataka pa ako.

"Hoy" pareho naming ibinaling ang tingin namin sa bastos na babaeng tumawag sa amin ng 'hoy'

Nakatingin ang babaeng iyon ng masama sa 'min-- Este sa akin lang pala.
At alam ko 'yung ganyang tingin kaya inalis ko na 'yung pagkaka shake hands namin ni Orange.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Where stories live. Discover now