Kabanata 5 - The Man On The Picture

28.5K 585 61
                                    


Sa reaksyong nakita ko kay Esan kanina, dismayado ang nakalarawan sa kaniyang mukha. Dahil sa pagsisinungaling ko, wala na yatang lalaki na para sa'kin. But no, I know and i know it, na may isang lalaking darating at handang tanggapin ako pati ang bata.

"Ate, sa'n na ho 'yung bisita niyo?" tanong ni Mela.

"Tulad pa rin ng dati."

"Ha? Naku grabe naman! Sige lang ate, antayin na lang natin ang right prince charming mo," pagbibiro niya.

Natawa lang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto. Isa si Mela sa naging saksi sa mga lalaking parang bagyo kung dumating at kung maglaho, parang bagyo rin.

HINDI ko na ikinagulat kinabukasan nang mag-iba ang pakikitungo sa'kin ni Esan. Tulad nga ng sinabi ko, 'di ko siya masisisi kung bakit nag-iba siya. Atleast, nalaman ko rin ang totoong kulay niya.

May nilagay na siyang pader sa gitna namin. Boss to employee na ang kaniyang naging treatment at may punto sa puso ko na masaya ako sa isiping iyon, kahit sa isip ko ay may paghihinayang. Malamig na ang kaniyang pakikitungo at nawala na 'yong lambing sa kanyang boses sa tuwing may iuutos siya.

Hindi na ako nagtaka sa bagay na iyon. Sanay na ako sa ganitong trato ng mga lalaki. Saka wala namang mawawala sa'kin. Buo pa rin ako at kaya kong maghintay para sa karapat-dapat na lalaking mamahalin ko at mamahalin ako.

"Good afternoon," isang baritonong boses ang pumukaw sa'kin atensyon sa ginagawang business letter.

Nagtaas ako ng tingin at tingnan kong sino ang nasa harapan ko ngayon at nakatayo. Pero ganun na lamang ang pagkagulat ko nang masilayan ang mukha ng lalaki. Am I  dreaming? Gusto kong kurutin ang sarili ko kung totoo ba itong nakikita ko.

Si Jayar Montevidad ang nasa harapan ko at 'di ako maaaring magkamali sa'king paningin. Ang mukha nung nasa picture at ang taong nasa harapan ko ngayon ay iisa!

"A-anything I can do for you, Sir?" agad kong tanong ng makabawi ako sa pagkakagulat. Bakit ba ako nagkakaganito? Para akong gagang nakita ang crush niya.

"I'm Jayar Montevidad. I have an appointment to your boss, Mr. Fobres."

Gusto kong kagatin ang kamay ko sa naramdamang kilig. Para akong highschool na nag-swoon sa isang lalaki. Pero syempre umakto ako ng maayos sa kaniyang harapan. Pero wait lang, appointment? Lahat ng appointment and meetings ni Esan, alam ko dahil ako ang secretary niya.

"Sir..."

"I'm his cousin from States." matapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Dire-diretso niya na akong iniwan at tinalikuran patungo sa office ni Esan.

Naiwan naman akong 'di nakahuma at natigalgal. Nakita ko na rin sa wakas ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Aaminin kong napakagwapo niya pala sa personal. Iba ang dating niya at mukha siyang suplado. Mukhang aabot sa 6 footer ang kaniyang height.

Pero nang maalala ko ang batang nasa pangangalaga ko, bigla akong niyakap ng takot. Kapatid ito nung lalaking nakabuntis kay Yeeny at uncle ito ng bata. What if malaman niyang nasa akin ang bata, at kunin nila ito? Magpapatayan talaga kami kapag mangyayari iyon.

Kung sabagay, mukhang wala naman silang pakialam sa bata. Dahil kung meron sana, dapat pinakasalan ng walang hiyang kapatid niya ang kaibigan ko. Wala pala akong dapat ikabahala saka imposibleng makikilala niya ang batang nagtataglay ng dugo't laman ng Montevidad. Ako at ang kaibigan ko lang ang nakakaalam sa lahat.

Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa kong business letter ng hapong iyon. Paano kasi, ang mukha't presinsya ni Jayar ang naghahari sa isipan ko ngayon.

Sandali akong tumigil at tinitigan ang monitor. Bakit subrang affected ko sa presinsyang binigay niya? Dahil ba sa inaakala kong lalaki na 'di mag-exist ay heto, at kausap ng boss ko? Napasulyap ako sa wristwatch ko, malapit na pa lang sumapit ang oras ng out ko.

Jayar's P.O.V

Kakabalik ko lang ng Pilipinas at dumiretso ako agad sa kompanyang pinagtratrabahuan ng pinsan ko. May appointment ako sa kaniya at sa'king company. Beside sa pagiging magpinsan namin, business minded naman kami pagdating sa pera at negosyo.

Ilang taon na nga ba ako nanatili sa America? I think, 15 years. Dito halos naka-base ang negosyo ng aming pamilya at isa ako sa binigyan ng aking ama ng tungkulin para magpatakbo. Almost 75 percent ng negosyo namin ay sa States naka-base at 25 percent lang dito sa Pinas. Nagkaroon ng problema kung kaya kailangan kong lumipad upang personal na ayusin ang gusot ng company.

Ngayon nakabalik na ako, may dalawa akong misyon. Una, sa kompanya at pangalawa, hanapin si Yeeny Samonte.

Malaki ang nagawang kasalanan ng kapatid ko sa babae. Sa pagkakaalam ko, buntis ito nung iwan ng immatured kong younger brother dito sa Pinas. Hindi ko masisi si Ermel kung bakit nagawa niya iyon. He's a happy go lucky. Playboy at immatured sa edad niyang 22 noon. And isali pang nakialam ang aming magulang.

Ako ang pangalawa sa tatlo namin magkakapatid na puro lalaki. Matanda ako kay Ermel ng limang taon, at ngayon ay kapwa kaming may hinawakang company sa kamay.

Gusto kong hanapin ang babae at bigyan man lang sila ng sustento ng bata. Dati ko sana ito ginawa pero subrang busy ko noon lalo na't kaliwa't kamay ang pag-handle ko sa mga trabaho dahil namatay ang aming ama, tatlong taon na nakalipas.

Sa picture ko lang nakita ang babae at maganda ito. Sayang lang dahil sa kapatid ko napunta. Nasa wallet ko ang kaniyang larawan na kinuha ko kay Ermel. Mag-hire ako ng detective para ipahanap ito at masustentuhan ang aking pamangkin.

"Oy pareng insan!" Tumayo ang pinsan ko ng makita ako. Halatang 'di makapaniwala na sumulpot ako. "Welcome back sa pinas! Akala ko, nagbibiro ka lang nung sabihin mong uuwi ka."

"You know me pare, business is business."

"Buti at pinapasok ka ng secretary ko," agad niyang sabi nang ituro niya ang upuan at umupo ako.

"That lady outside?" napailing ako. Na-imagine ko pa sa isipan ko ang pagkatulala niya habang tiningnan ako, na parang kilala niya ako at ganun ang reaksyon.

"She's Kiera Antonio."

"Sounds like, you fancy her," ngingiting siwalat ko. As far as i know, masungit itong pinsan ko pagdating sa mga babae lalo na pag employee.

Napailing naman siya. "May anak na siya insan. Sayang nga eh, gusto ko pa naman," dismayang saad niya.

Napatango ako. Kaya pala. Pero hindi ito ang pinunta ko rito kaya nagpalit ako ng topic about sa business.

Ganitong klaseng tao ako. Business, business and business ang puro alam ko. Para raw akong walang kapaguran sa lahat ng bagay. Sabi pa nila, im always seeking an opportunity to broaden more my knowlegdge. Kung sabagay, 'di ko ikakaila ang paratang na ito. Dahil siguro lumaki ako na sinusundan ang apak ni dad at ng kuya ko.

Suplado, masungit at cold hearted ang turing ng mga taong nagtratrabaho sa'kin. They saw me like a hawk: nakakatakot. Ayuko sa mga taong palampa-lampa at mahina. Imbis na maawa ako, tatapakan ko ito. Tulad ng isang agila, ang sinumang mahihina ay siyang tinatarget nito para gawing biktima.

Ang tunay na pakay ko talaga kung bakit ipapahanap ko ang babaeng nagbubuntis ng anak ni Ermel, ay dahil balak ko itong kunin sa babae matapos sustentuhan ng mga ilang buwan. Ayukong gamitin ang pagka-cold hearted sa babae kaya dahan-dahan ang gagawin kong pagkuha sa pamangkin ko.

Isa itong Montevidad kaya nararapat lamang na kunin ko ito at dalhin sa States. Dito, makikita ng bata ang tunay na kahulugan ng buhay.

LOVE ME AGAIN [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon