† RitouchChallenge#2

185 14 2
                                    


So yaaas! The the second ritouch artwork is done! Thanks sa iyong tiwala CedricDV ~ Keriboom boom naman ba? HAHAHA! Hope you like this~


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Here's some advices and tips :

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Here's some advices and tips :

PERSPECTIVE - Sobrang importante nito guys. Lalo pag photo manipulation. It's about the right angle, distance and position. Kasi minsan yung iba dito talaga ang nagiging problema. Andyan na mas malaki ang ibang elements sa iba, or off ang distance sa character. Tricky din kasi lalo pag whole body yung model, mahirap i-adjust at i- determine. Dito ako madalas nagtatagal. So as much possible, magsimula na kayo mismo sa images na gagamitin niyo. Dun kayo sa malinaw ang anggulo at magma-match sa setting mo at magiging cohesive sa overall elements. Gaya ng ginawa ko dito sa gawa ni Ced. I-adjust ko ng bongga yung mga elements, lalo yung tree kasi off siya. Lalo't mukha siyang uri ng puno na malaki talaga sa personal. Actually lahat in-adjust ko, siguro dun ako nagtagal ng konti plus the color matching lol

BRIGHTNESS & SHADOWING - Alam kong mahirap 'to. Mahirap talaga mag- adjust ng bongga para magmatch ang exposure or brightness ng bawat element sa artwork. Pero kasi kung hindi talaga natin ta-tyagain hindi tayo uusad. Trial and error lang. Hindi ko alam how to explain to determine the easiest way. Siguro ayun nga gaya ng nasabi kong tips sa unang ritouch artwork na ginawa ko, it really depends on your light source. Yung saan banda tatama yung liwanag. Kung sa likod, of course mas darken siya in front, timplahin niyo lang. As for the shadowing, sobrang tricky din neto. Nung nagsisimula pa lang ako sa photo manipulation dito talaga ko hirap. Pero sabi ko nga, tyagaan lang sa paggamay. Pag gagawa kayo ng shadow, babaan niyo lang ng opacity at flow. Maybe 60 sa opacity, then 20 or 40 sa flow, para makontrol niyo yung intensity para matantya niyo ang tamang blend kasi hindi naman lagi flat shadow e, may fading din yan e. Parang brightness din, pag galing sa likod ang light source nasa harap ang shadow. Hindi literal na straight upfront. Pwede niyo din ianggulo ng slant konti para hindi mukhang off, gaya niyang ginawa ko. Basta sa pinakailalim darkest of course then nagfi-fade.

TYPOGRAPHY - You know I struggle with this sometimes. Basta magfocus kayo sa pinakagenre ng artwork niyo, sa dafont meron naman dun naka-categorize, so pwede kayong dun magrely. Pero wag matakot magexperiment as long as kaya niyo naman i-justify. Just make sure the readable siya, kasi kahit gano pa kaganda ang font at text style kung di mabasa, ligwak. And of course, kelangan magblend in din siya sa buong canvas. Choose the right color. Gaya niyang ginamit ko, may touch of orange ang yellow, kasi ganun din yung sa kulay ng BG. But when you think every style you try fails, just use color overlay--hindi naman kelangan lagi may style ang font. Sabi ko nga, basta mabasa ng maayos, paaaak!

RETOUCH - Alam ko hindi to convenient para sa lahat but I find it very powerful and useful most of the time. Lalo pag fantasy ang genre, I always retouch character's face and some necessary stuff na tingin ko needed i-retouch. Oo ako nang mukhang retouch HAHAHA! So yern, as you can see (see the HQ link para mas close up) nilagyan ko talaga ng depth yung face most especially sa eyes, I put some effects and make up--siguro yun na din nagpush sa akin para pag-aralan ang pagreretouch. If you know me personally, I really love make up...it's a form of art for me and I love any forms of art. Wala naman masama as long as you use it moderately.

Basta explore explore lang. Wag matakot magkamali kasi diyan tayo natututo. Keep going!

Kung may katanungan pa. Feel free to comment! ♥

See yah to my next ritouch artwork! Kaso baka isa na lang...magiging busy na kasi ako ulit ng bongga huhu. Tsaka wala pa na ulit nagpapasa HAHAHA so bakit pa natin pahahabain di ba? HAHAHA!

Ciao!


※ Credits to all the rightful owners for the resources I used ※
⊗DON'T STEAL, COPY. RE-EDIT OR I'LL CURSE YOU TO HELL⊗

║▌│█ кгมกgгī gīzīвє gгคpђīх ™ █║▌│█
♥ MRS. RIRI CHOI ♥

▬▬ ◘ Choi Seung Hyun's Legal Wife ◘ ▬▬ 2 0 1 6

Cleverism (VOL. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon