Fearless

3.6K 103 5
                                    

***
Gabi na at mag-isa akong naglalakad papunta sa library. May pinapadala si Master Ley na dapat ipasign sa library.

Napadako ang tingin ko sa madilim na hallway. Kung titignan mo ang creepy nya dahil walang kaingay-ingay at liwanag ang nanggagaling dito.

Kusang gumalawa ang mga paa ko papunta sa madilim na hallway. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagpapadala sa isang maitim na bagay. Ang bilis nang pangyayari. Gusto kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko magawa.

Kinabahan ako nang makitang nasa isang nakakatakot na lugar ako. Ang mga halaman ay walang kulay kahit ang mga bagay. Kulay abo at itim lang ang makikita.

Napalingon ako nang makarinig ng isang tawa. Palapit sya ng palapit, palakas ng palakas. Tinakpan ko ang aking tenga at napaluhod.

"Ahh!!!!" Nanindig lahat ng balahibo ko at napapikit nang mariin. Naglaho ang ingay kaya tinanggal ko na ang pagtatakip sa tenga ko.

May naaninag akong anino kaya napatayo ako at hinanda ang sarili. I tried releasing my wind ability pero di ko magawa.

"Masaya akong makita kang muli, Allisha." Sabi ng isang baritonong boses. Tinanggal nya ang kanyang hood at napaatras ako nang makita ko kung sino. "Nagulat ba kita?" Tanong ni Kielo.

"I-ikaw!" Tinuro ko sya at tinignan from head to toe. Hindi ako nagkakamali sya nga ang pinakaclose na guardian kay Galeia.

Humalakhak sya at lalong lumapit sa akin.

"Itinuturo ba ako sa inyo, ha?" Nakangiti sya ng malademonyo saka hinaplos ang aking pisngi. "Kamukhang-kamukha mo nga si Galeia." Inalis ko ang kamay nya sa pisngi ko.

"Ano bang kailangan nyo sa akin, ha!?" Tanong ko. Ngumiti sya katulad nang kanina saka lumayo sa akin.

"Ang kaluluwa mo. Na kaluluwa ni Galeia. Hindi ba nasasabi sa iyo ni Danielle? Poor you." Umiling-iling sya at inikutan ako. "Ikaw ang susi para makabalik ang mahal kong si Galeia. At kapag nakabalik sya babalik na sa dating balanse ang mundo. Diba ayun naman ang gusto mo?" Umiling ako saka mabilis na humarap at sinipa sya sa sikmura kaso mabilis syang nakarating sa likod ko kaya nasakal nya ako.

"Easy, Allisha. Hindi pa naman namin kailangan ngayon. Sa pagsapit pa ng kabilugan ng buwan. " Nanlambot ako pero hindi ko inaasahan  nang marinig ko ang boses ni Ullyses.

Allisha.

Allisha.

Allisha.

Nilibot ko ang tingin at nakakita ako ng isang kahoy. Gumalaw ako ng gumalaw upang makaalis sa mga braso ni Kielo saka sya sinipa sa tuhod. Tumakbo ako palapit sa kahoy at handa na sanang kuhanin kaso bigla itong umangat at hinabol ako.

Huli na ng marealized ko na mababangga ako sa puno. Ipinikit ko ang aking mata at inintay na maramdaman ang sakit ngunit walang nangyari. Minulat ko ang aking mata at nakita ang unti-unti paglaho ng puno.

Napatingin ako sa kahoy na papalapit na sa akin at sa puno na nasa tabi ko. Huminga ako ng malalim saka sinuntok ang puno kaso katulad nang kanina, walang nangyari. Naglaho ito at hindi man lang ako nakaranas nang kahit anong sakit.

May nabuong conclusion sa isip ko. Posibleng hindi ako masaktan dito pero ang pwedeng masaktan si Kielo. Tumalon ako nang mataas saka kinuha ang kahoy at walang alinlangang itinusok kay Kielo. Halatang gulat sya pero huli na dahil naisaksak ko na sa puso nya ang kahoy.

May lumabas na liwanag sa puso nya at ang kaninang walang buhay na halaman ay nagkabuhay. Napatingin ako sa paligid at may nakita akong isang babae.

Lumapit ako dito at nagulat nang bigla syang palibutan ng tubig. Nakangiti syang lumapit sa akin habang naikot pa rin ang tubig sa kanya.

"Maligaya ako at nagawa mo ang iyong unang pagsubok." Inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko at naglaho ang tubig. May lumabas dun na liwanag at pumasok sa akin.

Naglaho na sya kasabay nang pagbabago ng lugar na kinatatayuan ko. Napamulat ako at nakita ang aking sarili sa tapat ng library.

"Ms? Papasok po ba kayo?" Nilingon ko yung babae at tumango.

Napabuntong hininga na lang ako. Anong ibig nyang sabihin? Earth, Wind and Water. So it means, malapit ko nang makompleto ang four elements!?

~~~~~

Author's Note:

Hello readers! We're near in the ending of the story! Hold on dahil mas marami pang pangyayari ang magaganap.

#TeamAllySes
#WardeinAcademy

Wardein AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora