Suspicion: Right..or Wrong?

1.8K 54 8
                                    

Thanks for reading the past chapters! Mababasa mo to kung binabasa mo talaga yung story ko!

**

ⓢⓘⓓ

"Hey! Ate! Maligo ka na! We're going to the hideout remember?" Sigaw ni Samantha sakin.

Hindi ko namalayan yon ah? Parang kanina lang sigaw siya ng sigaw kasi kinuha ko yung Hershey's niya.

Tumayo ako at tinignan ang oras. Look at my beautiful sister nga naman oh? It's only 3:34 in the morning.

Naglakad ako papunta sa pintuan at pinagbuksan siya. "Samantha Myradge, ang pinaka magandang panget na nakilala ko sa buong buhay ko. Alas tres palang ng madaling araw, kaya pwede ba?"

"Kaya nga kita ginising ng maaga kasi sabi mo may nalaman ka. Kaya maligo ka na. One point for me, sister." Nagpeace sign siyang parang nangiinggit.

"Fine." Sinarhan ko siya ng pinto at pumunta na ako sa cr.

Habang naliligo ako, naiisip ko parin ang nalaman ko tungkol sa kanya. Tama kaya yon? Halatang halata naman kasi sa kanya eh. Oops~ sa tingin ko nga pala, lahat sila ay kasama dun. Pero siya lang ang naisip kong makakasama doon.

Pagkatapos kong maligo, hindi ako dumaan sa tunnel kundi sa maliit na closet ko nalang. Hindi ko lang masyadong linaganda ang sarili ko:

Fierce akong nakatingin sa salamin. Fierce talaga.

"Sana hindi ako tama sa hinala ko sayo, dahil kung oo, ako ang makakalaban mo o ninyo." Kausap ko sa salamin.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko naman siya.

"Sexy ah?" Bungad ko sa kanya.

"Haha syempre. Uy nga pala, bumisita dito yung Kean kanina. Tuwang tuwa pa nga nung ako yung makaharap nung mokong." Tumayo siya mula sa sofa at hinarap ako.

"Kursunada ka siguro." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Grabe naman, ang panget niya kaya!" Tumingin sa sa kawalan habang nakangisi.

"Ganda mo ah?" Ngumisi rin ako.

"Tara na nga, para hindi na tayo magtagal pa doon." Tumalikod na siya para buksan ang pinto.

"Sasama nga pala ang apat na magagaling na mga gwardyang yun." Sunod ko sa kanya pero napatigil siya habang nakahawak sa doorknob.

Hinarap niya akong nakakunot ang noo. "What?! Isasama mo pa yung epal na Kean na yon?! The hell!" Tumalikod siya at binuksan ang pinto.

"Look who's here, she's just my beautiful mama. Why so sexy, lovie?" Bungad sa kanya ni Kean na ikinagulat niya.

Kinuyom ni Samantha ang kamao niya at mabilis na---

"Ouch!" Si Kean habang nakahawak sa pisngi niya.

"Napala mo! Manahimik ka nga!" Lumabas na si Samantha at naunang bumaba sa hagdan.

Sinilip ko muna siya at kinibit balikat ko nalang sina Kean.

"Bye!" Naglakad ako papunta sa elevator at agad naman ito nagsara.

Nung tumalikod ako paharap sa wall ay nakita kong naglalakad na si Samantha papunta sa parking.

"Psh, that brat." Kausap ko sa sarili ko.

Nung bumukas na ang elevator, naglakad na ako papunta sa parking at nakita ko si Samantha'ng nakasandal sa kotse at nakacross arms na nanggigigil, that's kunwaring nanggigigil syndrome thingy.

The Legendary Gangster in DisguiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora