.MHM.7- JUST PROMISE..

10.5K 151 7
                                    


APPLE's POV

Buong gabi kong pinag-isipan kung papayag ba ako sa gusto nya kung papairalin ko ang pinakarational na bahagi ng utak ko, alam ko na hindi dapat ako pumayag, pero ano ba ang pinagkaiba kung papayag ako o hindi?

kapag pumayag ako, sigurado ako na masasaktan ako at kapag hindi naman, masasaktan pa rin ako

mas gugustuhin ko na sigurong masaktan na kasama sya kaysa sa masaktan dahil sa katotohanang umalis ako sa tabi nya

Happiness with pain it is, bahala na kung anong mangyari at least kahit papaano ay maranasan ko naman maging masaya kasama sya , kahit pa alam ko na masasaktan ako, sige I believe that james is worth the pain.



                                PAGKATAPOS ng klase ko ay pinuntahan ko si james sa swimming area,

sasabihin ko sa kanya na nakapagdesisyon na ako at pumapayag ako, gusto ko syang tulungan na makabangon mula sa pagkabigo

kahit na puso ko namang ang unti-unting mawawasak

"please dy! I'm begging you, come back to me, I love you so much"

napatigil ako sa paglalakad kasi pamilyar yung boses na yun at hinding-hindi ako pwedeng magkamali

"ayoko na, sorry mico" sabi ng boses ng babaeng kausap ni james at nakakasigurado ako na si melody yun

"mahal na mahal kita dy"

hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, ibang-iba ito sa james na nakita ko at nakilala

he is so vulnerable at this moment, nakaramdam ako ng awa at inggit kay melody, bakit binabasura nya ang taong pinapangarap ng iba?

"mico please do understand, I don't love you anymore" dagdag ni melody

sobra akong nasasaktan para kay james, nakita ko kung paano tumulo ang mga luha sa mata nya

alam ko mali ang makinig pero hindi ko kaya na makita si james na nasasaktan kaya mas lalong nabuo ang desisyon ko na pumayag sa gusto nya

pagkatapos sabihin ni melody yung masasakit na salita kay james ay umalis na sya

samantalang si james naman ay napaupo na lang na tila ba nawalan ng lakas,

nakapatong ang siko nya sa mga tuhod nya tapos nakasabunot sa buhok nya ang mga kamay nito

ganun ba nya kamahal ang babaeng yun? na halos mawala na ang pride nya?

pareho pala kami ng sitwasyon, parehas na pinagpipilitan ang sarili sa taong wala namang pakialam sa'yo

at ang laking tanga naman ni melody para pakawalan ang isang James na halos pagpantasyahan na ng lahat

lumapit ako sa kanya , at dahil nasa pool area kame, kameng dalawa lamang ang tao kasi sa totoo lang ay pinagbabawal ang mga hindi swimmer dito but I managed to sneak in.

"james" tawag ko sa atensyon nya, hindi sya lumingon

"leave me alone, please not now" ang hina ng pagkakasabi nya, halos di ko na nga marinig

gustong-gusto kong sabihin sa kanya na 'ako na lang kasi'

"I'll help you move on" sabi ko na puno ng determinasyon

napatunghay sya sa sinabi ko at mababakas mula sa kanyang gwapong mukha ang pagkalito at pagkagulat

"you said na kapag pinatulan mo ako baka gawin mo akong rebound,so be it " hindi pa rin nawawala ang kagustuhan kong mapasaya sya sa paraang alam ko, kahit ako naman ang masaktan bilang kapalit.

he look at me with that intense eyes, parang binabasa nya ang nasa isip ko

"baliw ka ba?" tanong nya sakin sa tonong hindi makapaniwala

alam kong higit pa sa kabaliwan ang gagawin ko pero kasi... kasalanan ba na sa dami ng lalaki sa mundo ay sya ang nagustuhan ko at gusto kong gawin ang bagay na alam ko na sasaya sya?

"call me crazy pero gusto ko talagang mapasaya ka, nung nakita ko ang mga luha sa mata mo kanina naisip ko na hindi ko kayang makita ka na nasasaktan, hindi ko alam kung bakit pero gusto kitang tulungan at alam ko na mahirap paniwalaan pero gusto talaga kita james, gustong-gusto" I said sincerely

nakatingin lang sya sa'ken na parang inaalam kung gaano ako kaseryoso sa mga sinasabi ko

"at ano naman ang mapapala mo kapag ginawa mo ito?" tanong nya sa'ken na halata na nagdududa pa rin

ngumiti ako bago sumagot

"magiging masaya ako, maniwala ka man o hindi but you're my happiness now, kapag tayo na, makakasama na kita palagi, I will get the chance to hold your hand, to kiss you and to love you"

"apple" bulong nya, naging soft na din yung paraan ng pagtitig nya saken

"can you promise me one thing?" tanong ko sa kanya

tinitigan nya lang ako urging me to continue

"gusto kong gawin mo 'to para sa sarili mo, alam kong hindi maiiwasan pero, as much as possible, don't let me get hurt okay? gagawin naten ito para makalimutan mo sya, para mawala na yung peklat na iniwan nya dyan sa puso mo..para kung sakaling magmamahal ka ulet, maibibigay mo ng buo yang puso mo sa taong mamahalin mo ,hindi natin ito gagawin para ipamukha na hindi sya kawalan, kundi para sa babaeng susunod na magmamay ari ng puso mo, naiintindihan mo?" sabi ko sa kanya

"don't worry, if I get the chance to fall inlove again, I would rather choose you,thank you and I promise" sabi nya habang yakap ako

sa mga sandaling ito, parang ibang james ang kasama ko.

Sana lang ay wala akong pagsisihan. 

MING

July 04, 2012

Edited

Make him mine [Chasing the devious guy!]Where stories live. Discover now