•HOP 1•

49 2 1
                                    

HUGOT O PAYO 1 (HOP 1)•

Ako: ate!! Meron na talagang tatlong bibe!!

Ate: Tss. Para kang bata!

Ako: Pfft. Tatlong bibe!! Ang tatlong bibe sa totoong buhay.. Yung BIBE-LUGIN yung ulo mo. BIBE-YAKIN yung puso mo. At BIBE-TAWAN ka kapag nakahanap na ng iba!! Diba tama?

Ate: Teka nga!! Crissa paano mo nalalaman yung nga ganyang bagay ha? Huwag mong sabihin sa akin na may BF kana?

Ako: Ate!! Hindi porket nagsasabi ako ng ganong salita ay may BF na! Hindi ba pwedeng nasasaktan muna sa kanyang pinapangarap na maging kanya kahit alam na wala na silang pag-asa?

Ate: -_______-! Dapat bago ka mag ka BF pakilala mo muna sa akin! Bahala ka nga dyan!

Anong nangyari sa ate ko?

Ako: Bahala na talaga ako! Makausap nga muna si kuya!

Tok. Tok. Tok.

Kuya: Pasok!

Pumasok agad ako sa kwarto ng kuya ko. Nakita ko siyang naglalaro lang ng dota -___-

Ako: kuya.. Bigyan mo nga ako ng hugot o kaya payo para madami akong masabi kay ate!! Ang bitter niya kasi eii.

Kuya: Bakit naman?

Ako: wala lang.. Sige na kuya, pleaseeeeee..

Kuya: sige na nga!

Ang bait nang kuya ko.

Kuya: Mahirap magtago ng sikreto. Lalo na kung ang sikretong yun ay mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa buong mundo.

Ano ba yan ang pangit!!

Ako: tss. Wala na bang iba! Ka boring eii.

Kuya: Ikaw na nga lang nag uutos kailangan PERFECT pa? Ikaw na nga itong nangungulit na bigyan kita tapos pagkatapos kong sabihin mag REREKLAMO ka? Kahit busy ako atlis nabibigyan kita ng ORAS pag kinakausap ka! Salamat ka hindi kita BINABALEWALA! Hindi kasi ako katulad ng iba na PAASA! Pero sino nag mumukhang kawawa? Ako diba? Lahat sila sinasabihan ang mga lalaki na paasa! Hindi naman lahat eii! Paano yung totoong NAGMAMAHAL Nadadamay! Dyan kasi kayo magaling! Puro salita hindi naman nila alam kung tama mga sinasabi kaya nakikipag hiwalay! NANG-IIWAN?

Ouch!

Ako: Sorry kuya! Pasensya na!

Kuya: SORRY? PASENAYA na? Ilang beses ko yang sinabi sa kanya pero wala siyang ginawa kundi IWAN at PAASAHIN ako! Kaya hindi ko rin matatanggap yang sorry mo!

Ako: -______-

Haist! Mga sawi talaga sila sa pag-ibig..

Lumabas na ako ng kwarto ni kuya. Pumunta na ako ulit sa kwarto ni ate.

Ako: at--

Ate: Oh guguluhin niyo na naman ako? Bubulabugin yung PUSO'T SIPAN ko? Yung tahimik na mundo ko.. Tapos iiwan at sasaktan? Kasi pinaglaruan! Tapos pagtatawanan? Itataboy at sasabihing HINDI NA KITA MAHAL!

Ako: -_________________-

Bwisit!! Lahat na.. Bakit ba ganyan palagi pag umibig!! Kahit ako eii, nasaktan nah! Hindi ba pwedeng wag nang masaktan?

Makababa na nga lang.. Kakain na lang ako.

***

Kinuha ko agad ang brownies at kinain.

Ang sarap!! ^___^

Mommy: Bakit mo kinain yung brownies? Hindi ka man lang nagpaalam?

Ako: sorry mommy.. Gutom na po kasi ako eii.

Mommy: GUTOM? Ganyan naman kayo palagi eii! pag GUSTO basta tira! Wala ng paki-alamanan.. Hindi man lang nagpapa-alam. Eh paano kung may nag ma-may-ari na niyan? Kukunin mo pa? Malamang! Diyan kayo magaling eii! MANG AGAW NG IBA!

Ako: Mommy!! Huwag mong sabihin, BROKEN HEARTED karin?

Mommy: Syempre hindi!! Okay ba pagkakasabi ko anak? Nag p-practice lang naman ako.. Bakit ako ma b-broken hearted eii kung mahal na mahal ako ng daddy niyo?

Ako: -______-!!!

Authors note: Edi nye!! ^_______^ hehehe okay lang po? Maayos po ba?

Hugot O Payo?Where stories live. Discover now