PROLOGUE

853 47 67
                                    


"Kuya kasi ibigay mo na sa akin yan!" Nagpapadyak na sambit ko.

Binelatan ako nito, "Say please" pang-aasar niya.

Hinabol ko ito, ng mahuli ko ito ay hindi ko ito tinigilan sa pangingiliti.

"H-heto na." Kinakapos sa hiningang saad nito. "S-stop i-it" ng makuha ko ang laruan ay tumakbo ako papunta ki mama.

Pumunta ako sa likuran nito at nag tago. Tumakbo ang kapatid ko at hinanap ako, mukhang gaganti ito. Nginisihan ko ito at binelatan ng makita ako.

"Kayong dalawa, tama na yan at kakain na tayo." Saway sa amin ni mama.

Tinulungan namin ito sa paghahain, kumuha ako ng plato at kutsara, nilagay ko ito sa mesa.

"Papa kakain na po." Inayos nito ang mga gamit bago dumako sa mesa.

"Mama, pupunta po ba tayo bukas sa disney land?" masayang ani ko.

Tumingin ito saakin at hinawakan ako sa ulo. "Oo naman anak" pumalakpak ako sa ere. "Yehey!!"

Pinag patuloy ko ang pag kain. Todo kulit naman ang kapatid ko, kung ano-ano ang nilalagay nito sa pinggan ko.

Napatigil kami sa pag kukulitan nang marinig namin ang pag-uusap ni mama at papa.

"Love, mukhang hindi titigil si Mr.Co hanggang sa hindi natin nababayaran ang utang natin."problemadong saad nito.

"Love, nakiusap naman tayo sakanila diba?"hinawakan nito ang kamay ni papa.  "Oo pero alam ko na hindi nila tayo titigilan. Umo-oo lang sila para tumigil na tayo sa pakikiusap. Alam ko ang galawan nila love, madumi gumawa ng hakbang si Mr.Co lalo na kung tunkol sa pera."

"Don't worry love, gumagawa naman na tayo ng paraan para mabayaran sila."

Tumingin ako ki kuya na naka kunot ang noo. "Kuya may problema ba tayo?" Nginitian ako nito. "Wala baby." Kiniliti ako nito.

Napahagikgik ako sa kiliti at tawa ng tawa hanggat sa tigilan ako nito. Napa dako ang tingin ko sa pinto ng makarinig kami ng sigaw. "Arnold, open the door!!" Kumalabog ito dahil sa lakas ng pagpalo.

Sumenyas si papa ki kuya na tumago kami, pumunta kami sa likuran ng bahay at nag tago. "Kuya, what's happening?" Nilagay nito ang daliri sa bibig, Sumenyas ito na wag akong maingay.

Hinawakan ko ito sa kamay at unti-unting bumubuhos ang luha ko. "Kuya, I'm scared" niyakap ako nito.

Narinig namin na may nagsalitang isang lalaki. "Well, well, well Arnold. A deal is a deal and you must keep your promise. A man has a one word of his own." Tumingin ako sa dako nila at nanlalaki ang mata ko ng makitang may baril ito, at itinutok nito ang baril kina mama at papa.

Akmang sisigaw sana ako ng ilagay ni kuya ang kamay sa bibig ko. "Don't shout" tumango ako dito habang humihikbi.

"I'm really sorry Mr.Co but you already know the reason." Rinig kong sambit ni dad.

"I'm sorry too Mr.Chua" he mocked my papa, "but I won't accept any reasons" sa isang kisap mata ay nakarinig kami ng isang putok ng baril.

Nabigla kami ni kuya sa tunog, tiningnan ko kung anong nangyari, nanlamig ako sa nakita, panay ang hila sa akin ni kuya pero parang natulos ako sa kinakatayuan ko ng makitang nakahiga si papa sa sahig, puno ng dugo ang katawan nito.

Avery's Vengeance Onde as histórias ganham vida. Descobre agora