Chapter 2

324 39 39
                                    

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking napanginipan. Napa linga-linga ako at kumunot ang aking noo dahil sa hindi pamilyar ang paligid.

Biglang bumukas ang pinto ng silid, napa tingin ako sa banda nito. Nginitian ako ng isang kasambahay, may dala itong pagkain sa kamay niya. "Kumain ka muna iha."

"Nasaan ho ako?" Bago pa ito makasagot ay may pumasok ulit sa silid.

Mataas itong babae, maputi, maganda ngunit naka fierce ito. Sa likod ng mala anghel nitong mukha ay alam kong nakatago ang demonyo dito. Lumapit ito sa akin at tinitigan ako. "Muntik kana sana namin mabunggo buti nalang at naka preno ang driver ko, bago kapa mabunggo ay bigla kana nawalan ng malay."

"At mukhang dahil iyon sa gutom iha." Binigay sa akin ng kasambahay ang pagkain. Tumayo ako. "Aalis na po ako baka hinahanap na po ako ng pamilya ko." Napatigil ako sa pagsasalit sa huling nabanggit. Napa upo ako sa kama at napatitig sa kawalan.

"Before you go, kumain ka muna at maligo." Aniya nito at umalis.

Nagsimulang tumulo ang aking luha. Mapait akong napangiti, wala na nga pala akong pamilya.

Pinahid ko ang luha at kinuha ang pagkain. Sunod-sunod ang subo ko dahil sa gutom. "Dahan-dahan lang" aniya nito at tinali ang buhok ko.

Binigay nito sa akin ang tubig. "Ako nga pala si Anika." maligayang sambit nito. "Avery." Maikling sambit ko.

Pagkatapos ko kumain ay binigay nito sa akin ang towel. Tumungo ako sa CR, pagka pasok ko ay in-on ko ang shower. Napayakap ako sa aking sarili, pumasok sa isip ko ang ala-ala na muntik na sana ako ma rape. Napa upo ako sa gilid ng ding-ding. Unti-unting bumuhos ang aking mga luha ng maalala ang malupit na dinanas ko dahil ki Mr.Co.

"Tulong!! Tulong!!" Sambit ko, sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari. Panay ang kuskos ko sa aking balikat at leeg. Nandiri ako sa aking sarili. Napahagulgol ako, kung sana nandito lang si kuya, maipagtatanggol niya sana ako.

Pumasok si Anika. "Anong nangyari?" Humikbi ako, "Tulong! Tulong!" Naging munting bulong ang sinambit ko. "Mama, Papa" humikbi ulit ako. "Kuya"

Niyakap ko ang aking sarili. Nag-iisa nalang ako, kakayanin ko ba 'to? Hindi ako sanay na wala sila.

"Paliguan mo na siya, Anika." Rinig kong sambit ng isang babae.

Dahan-dahan akong pinaliguan ni Anika habang ako ay tulala sa kawalan. Panay pa din ang pag buhos ng aking mga luha.

Binihisan ako nito, pinahid nito ang luha sa aking mukha. Dinala ako nito sa opisina nung babae. "Siya si Ms.Vallerius" pina upo ako nito sa silya.

"So, tell me what do you want?" Pinagsiklop nito ang kamay.

"I want justice for my family." Nangagalait na saad ko.

Tinitigan ako nito sa mukha. "What happened?"

Nagsimulang tumulo ang luha ko. " Hindi ko po alam kung anong gusto nila saamin. Masaya pa kami noon sa hapag habang kumakain." Inalala ko ang nangyari. "Pero narinig kong may sinambit si papa na may utang daw kami ki Mr.Co at nakiusap naman daw si papa na babayaran sila. Umo-oo lang daw ito para tumigil na kami ngunit nabanggit niya na madumi gumawa ng hakbang si Mr.Co lalo na kung tunkol ito sa pera." Kumuyom ang kamao ko.

"Mga ilang minuto nun nakarinig kami ng kalabog sa pinto, si Mr.Co, nakita kong pinatay niya si papa at mama." Humagulgol ako sa iyak. "T-tapos tumakbo kami ni kuya, nabaril si kuya ng dalawang besses. Hinila ako ng mga kalalakihan at kinulong." Humikbi ako. "M-muntik na sana akong ma rape buti nalang at may sumagip sa akin na isang lalaki. Pinatakas niya ako." Hinimas ni Anika ang likod ko ng humagulgol ako sa iyak.

"Gusto ko ng hustisya." Munting bulong ko. "Okay, I will help you." Hindi makapaniwalang tumingin ako dito. "T-talaga po?" Tumango ito.

Tumingin ako ki Anika at niyakap ito. "What's your first name?"

Binalik ko ang tingin dito."I'm Avery Aicelle Sy Chua"

Binigay nito sa akin ang papel. "I will adopt you, from now on your name will be 'Avery Vallerius'. You can also add your second name if you want." Ngumiti ako dito. "Thank you."

Nilisan ko ang lugar at pumunta sa silid. "Tawagin mo ako kapag may kailangan ka." Aniya nito at nilisan ang lugar.

Tumungo ako sa salamin, kinuha ko ang gunting. Tinitigan ko ang aking sarili at nagsimulang maramdaman ang pag tulo ng aking luha.

Ito ang huling besses na iiyak ako. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako magiging duwag at mahina.

Pinahid ko ang luha sa aking mukha. Tumingin ako sa salamin at Ngumiti. Ginupit ko ang buhok ko, A new name needs a new Avery. A brave and fearless one.

Avery's Vengeance Où les histoires vivent. Découvrez maintenant