Hmmmm

711 24 1
                                    

"Ha!? Bakit ako?" Tanong ni Vhong kay Vice tungkol sa pinapagawa nito sakanya.

"Sige na Vhong! To naman parang di naman tayo magkaibigan niyan! Simple lang naman yun eh. Sige naaaa!" Pilit ni Vice.

"Alam mo Vice nakakatawa ka. You sound so desperate. Hahahaha!" Tawa naman ni Billy habang tinititigan lang ang dalawa sa pagtatalo.

"Hoy! Desperado na kung desperado no...mahal ko eh. "

"Asuuus! Harot niyo!"

Pinilit ulit ni Vice si Vhong, "Dali na Vhong! Ilalakad kita kay ngangabu!"

"Talaga? Eto naman di agad sinabi. Gagawin ko na! Dali dali lang niyan sus!"

Napangiti naman si Vice sa sinabi ni Vhong dahil sa mahabang pakiusapan ay pumayag narin ito.

"Mahal mo talaga ko Vhong. Salamat ah!"

"Bakla ka ba brad?"

"Ako!? Bakla?!? Huh! Nako Vhong sinasabi ko sayo! Nakoo!!"

Wala namang nasabi si Billy kundi tumawa lang ng tumawa.

"So pano nga gagawin ko? Pano kapag tinanong niya ko? Ano namang sasabihin ko?"

"Diskartehan mo nalang! Sige na!"

"Ang torpe mo Viceral. Hahaha!" Tawa ni billy at binato si vice playfully ng throw pillow pero nasalo rin ni vice.

"Eh anong magagawa ko? Eh ayaw nga ko palapitin."

--

"Magandang umaga mga binibini!!" Bati ni Vhong habang papasok sa dressing room ni Anne at Karylle.

"Nakakagulat ka naman Vhong. Good morning!" Sagot naman ni Anne.

"Napadalaw ka ata? Miss mo na ba si Anne?" Asar ni Karylle sa dalawa.

"ACTUALLY... May ibibigay ako sayo K."

Karylle looked at Vhong curiously.

"Tada!" Sabi ni Vhong sabay abot ng isang rose at bar ng chocolate.

"Kanino naman galing to?"

"Eh di sakin! Kanino pa ba? Bakit? May ineexpect ka bang may nagpaabot." Vhong grinned.

"Wala no. Para san naman to? May kapalit ba to? Bakit si Anne wala?"

"Ang dami mo namang tanong! Tanggapin mo nalang ikaw na nga binibigyan diyan eh. At yung kay Anne, ako nang bahala dun."

"Sige girls, alis nako. See you later!"

"Bye Vhongskie!"

"Bye Vhong, thank you!"

Kumindat muna si Vhong kay Anne bago lumabas ng pinto. Tumawa nalang ang dalawa sa kakulitan ng binata.

--

"Oh ano? Nabigay mo ba? Ano reaksyon niya? Ano sabi?" Sunod sunod na tanong ni Vice kay Vhong pagkabalik nito sa dressing room nila.

"Chill bro! Ayos na boss."

"Salamat Vhong! Wala ba siyang sinabi?"

"Hmmm. Una niyang tanong sakin eh kung kanino daw galing."

"Ano sabi mo?"

"Eh di sabi ko sayo."

"Ha!? Bakit mo sinabi!!?"

"Oh-Ah! Hahaha! Joke lang brad. Syempre sabi ko sakin galing. "

"Siraulo ka talaga!"

--

Stupid MistakeWhere stories live. Discover now