Chapter 1

693 16 18
                                    

Never Mess with a Yakuza Girl

~by saiyumii

a/n: There are some cuss words kasi mahirap iwasan dahil sa theme ng story.. May mga slightly mature scenes [if you know what we mean] so read on your own risk. Be guided ~ :3

Chapter One

~Part 1~

Third POV

"Itigil ang kasal! Buntis ako!", sigaw ng babae. Tumahimik ang paligid, tibok ng puso mo lang ang maririnig mo sa buong simbahan, isama mo na rin ang paghinga ng bawat isa.. Animo'y isang pelikula na humahangos na pumunta ang babaeng iyon sa kasal ng lalaking kanyang minamahal para pigilan ito. Nakakakilig na sana ang eksena kaso hindi to pelikula. Biglang sumagot ang groom.

"Teka, sino ka ba?"

Tumikhim muna ang babaeng sumigaw at sumagot ng "Babe, ano ka ba?! Ako 'to si Monique, yung magiging ina ng anak mo!"

Nagbulung-bulungan ang mga tao sa loob.

"Naku doctor pa man din yung lalaki, nakakahiya naman to sa pamilya nila", bisita #1

"Hindi na nahiya, hay naku!", bisita #2

"A-anong ibig sabihin nito Phoenix?", naguguluhang tanong ng bride.

"Hindi ko alam! Hindi ko nga kilala ang babaeng 'yan!", sagot nito. "Teka lang miss ha?! Nagkamali ka ata ng pinasukan. Hindi kita kilala!" baling naman nito sa babae.

"Nakakainis ka talaga, PHOENIX my baby darling! Nakalimutan mo na ba yung maliligayang sandali natin?", sagot ng babae. Lumungkot pa ang mukha nito.

"Anong maliligayang sandali ang pinagsasabi mo?", sagot ng bride.

"Nakakahiya naman dito kung iisa-isahin ko pa. Gusto mo ba? Ganito na lang, may nunal si Phoenix sa singit.", ganting sagot ng babae. She crossed her arms. And smirks

Mukhang engot na gulat na gulat na napaturo sa babae ang groom, gulong-gulo ito "T-teka! Pano mo yun nalaman?!" kinakabahang sagot ng groom.

"E kasi nga diba dahil sa maliligayang sandali nat-"

Naputol ang sasabihin ng babae ng humiyaw sa sakit ang bride.

"Aahhhh ang baby ko!", sigaw ng bride.

Nagkagulo ang lahat sa simbahan. Lahat ay nataranta sa mga nagaganap.

"Dinudugo ang bride!", bisita #3

"Nakunan ata!" sigaw pa ng isa.

Nagkagulo ang lahat at sinamantala ito ng babaeng nanggulo para umalis. Sumakay ito sa isang mamahaling motorbike at pinaharurot palayo sa simbahan.

"Mission Accomplished!", ngisi ng babae habang pinahaharurot ang motorbike nya.

Samantala..

"Ikaw na bahala muna dito Pierro, pinagkakatiwala ko mag-ina ko sa'yo. Hahabulin ko lang yung babaeng yun. Magbabayad sya sakin!", bilin ng groom sa kanyang best man.

1 week before...

Freya's POV

"Welcome home boss! Kamusta training nyo sa Tokyo? Napatumba nyo ba lahat?", bati sakin ni Jim, isa sa mga alipores ko.

"E kung ikaw kaya itumba ko?", monotonous kong sagot sa kanya sabay umang ng katana ko sa mukha nya.

Nandito na ulit ako sa headquarters namin after ng intensive training ko sa Tokyo. Ako nga pala si Freya Lauren Inagawa. Yup, I'm half Japanese, half Filipino, halata naman sa pangalan di ba? Tss.

Never Mess with a Yakuza Girl [NMWAYG] On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon